Xian Lim on rumors confirming romantic relationship with Kim Chiu: “Yan ang kayang gawin ng internet ngayon. Mahirap kasi kaya nating gumawa ng kanya-kanyang istorya.”

On allegations that Gerald Anderson and Maja Salvador’s Tagaytay date via chopper was more “special” than his Subic yacht date with Kim, Xian says: “Ako kasi mas iniisip ko lang ang sarili ko, mas iniisip ko ang nangyayari sa buhay ko. I don’t look at other people, pag di masyadong concerned with me, I don’t pay attention.”


Mula noon ay consistent na pala si Xian Lim sa kagustuhan niyang laging maiparamdam kay Kim Chiu kung gaano itong ka-special sa kanya.

Sa maraming pagkakataon ay naiparamdam na ito ng aktor sa kanyang kapareha sa pamamagitan ng mga espesyal na regalong ibinibigay niya kay Kim kahit walang okasyon.

Kasama na rin dito ang patuloy na paglabas-labas nila kung saan minsan ay kasama pa nga ang nakatatandang kapatid ng aktres.

Nung nakaraang Valentine’s Day ay lumabas ang balita at mga larawang nagpatunay na sina Xian at Kim ay nagselebra sa isang yate sa Subic, kasama ang kapatid ng huli.

Sa mga interviews naman ng aktres ay nagpahayag ito ng sobrang pasasalamat sa kapareha sa mga paraang ginagawa nito para maramdaman kung gaano siya ka-espesyal bilang isang babae.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Xian noong nakaraang Linggo sa 2013 Himig Handog P-Pop Love Songs, agad naming tinanong kung bakit ito ang naisip niyang sopresa para sa kapareha.

“Siguro bilang isang lalake naman, you want your Valentine’s to be special. It’s just that it’s Valentine’s day, di naman ako naniniwala na Valentine’s Day, we do something nice to a person, e.

“I believe everyday, every time you guys meet, you make it special. Valentine’s Day, sweet, happiness.”

“Nandun siya with her family, so hayun... it feels good to see other people happy,” saad niya.

Kinumusta din namin kay Xian ang sinasabi niyang special feelings niya para kay Kim at kung nasaan na ba talagang estado ang samahan nila sa ngayon.

“Habang tumatagal naman talaga, habang nakikilala natin ang isang tao, talaga namang mas nakilalla mo sila, mas nagiging kampante kayo sa isa’t isa... mas kumportable.”

“Heto we’re always gonna focus sa trabaho, we’re always gonna be here. Ang puso kasi namin, talagang nasa Ina, Kapatid, Anak. Hindi namin yan bibitawan hangga’t nagfo-40% kami and above,” paglinaw niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DEBUNKING ONLINE RUMORS. Pinaklaro din namin kay Xian ang lumabas noong balita na inamin na daw niya sa isang interview na sila na talaga ni Kim.

“Di ko nga alam yun... with internet, yan ang kayang gawin ng internet ngayon.

“Mahirap kasi kaya nating gumawa ng kanya-kanyang istorya. Ako, I can make my own story and one million people can read and believe it. Puwede ring gumawa ng kuwento.

Bongga ang yacht date nila Kim at Xian pero pinag-usapan din ng husto ang Tagaytay date naman nila Gerald at Maja kung saan gumamit pa ng chopper ang dalawa papunta sa nasabing lugar.

Naikukumpara tuloy ng iba kung kanino raw bang date ang mas bongga at mas espesyal.

“Ako kasi mas iniisip ko lang ang sarili ko, mas iniisip ko ang nangyayari sa buhay ko. I don’t look at other people, pag di masyadong concern with me, I don’t pay attention. Happy... happy lang.”

NO TENSION BETWEEN KIM-MAJA ON SET. Open book naman ang away sa pagitan ngayon nila Maja at Kim.

Ayon naman kay Xian ay di sila nakakaramdam ng tension sa set ng Ina, Kapatid at Anak pero nandun ang hangad niyang maayos kung anuman ang naging samaan ng loob ng dating matalik na magkaibigan.

“Sa akin wala naman akong nararamdaman. I guess yung nangyayari sa kanila, sa kanila na ‘yun,” pahayag ng binata.

“It doesn’t concern anyone of us sa set, it’s between them kung anuman ang nangyayari sa kanila.

“Wala akong business dun sa issue na yun, I don’t have any connection with the issue.

“Kahit ano pa ‘yan, di naman natin masasabi, mahirap pangunahan ang mga nangyyayari.

“‘Yan ang mga nangyayari ngayon kaya lumalala. I guess we should give them time, yun lang ang masasabi ko, e. Let’s all give them time para maisip nila kung anuman ang pinagdadaanan nila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GOOD RATINGS. Consistent ang taas ng ratings ng Ina, Kapatid, Anak kung saan kamakailan nga ay nagtala ito ng 40% ratings sa TNS—bagay na sobrang pinagpapasalamat at nagsislbing inspirasyon kay Xian.

“It feels good, it feels great na nagre-rate kami ng ganun. Siyempre sobrang pasasalamat namin sa continuous support ng mga manonood.

“Mas marami pang mangyayari, mas marami pang istorya na mangyayari, mas marami pang tension na mangyayari so wag silang bibitiw,” masaya niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN