Jasmine Curtis-Smith elated over first acting award; defends sister Anne’s stand on controversial “rain scene” issue

Jasmine on her sister Anne and the controversial rain scene issue: “Napaka-careful ni Ate. In every little thing she does, she makes sure na she’s okey... na she’s free sa anumang scandal.”


Magdadalawang taon pa lang si Jasmine Curtis Smith bilang contract star ng TV5 pero sa nakaraang 2013 Golden Screen TV Awards na ginanap kahapon, March 1 sa Teatrino, Greenhills ay pinarangalan siya para sa kanyang Outstanding Breakthrough Performance by An Actress via the TV5 miniseries na Utol Kong Hoodlum.

Matatandaang pumirma si Jasmine bilang contract star ng TV5 noong December 20, 2011.

Ang Utol Kong Hoodlum ay isang remake ng 1991 action-romantic film na pinagbidahan noon nina Robin Padilla at Vina Morales.

Sa miniseries namang ito ay si JC De Vera ang katambal ni Jasmine.

Nang nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang nakababatang kapatid ni Anne Curtis ay hindi nito maitago ang sobrang pagiging proud sa natanggap niyang tropeo at sa kanyang sarili na rin.

OVERWHELMED. Tuwang-tuwang niyang kuwento, “I’m so overwhelmed! Hindi ko talaga akalain na they [members of the Entertainment Press Society, Inc.] will give this honor to me.

“I’m basically so new in this industry, kaya hindi ko ini-expect na this early sa career ko ay mabibigyan na ako ng ganitong recognition,” mangiyak-ngiyak pang sabi ni Jasmine.

“Tears of joy. Hindi ko lang kasi ma-control kasi I’ve been nominated sa ibang awards pero I never won and I don’t expect to win naman.

“I’m just so privileged na meron ako nito,” sabay turo niya sa kanyang tropeo.

ON BEING COMPARED TO HER SISTER. May mga nagsasabing mas masuwerte siya kumpara sa ate niya na inabot ng mahigit kumulang labinlimang taon bago nagkamit ng acting award. Ano ang reaksiyon niya rito?

“Kaya nga. Sorry ate,” natatawang sabi pa niya.

“Okey lang, ang dami na naman niyang awards.

“Siguro sa ngayon kasi ang marami akong point persons na nakakatulong sa akin.

“Sa kanya… sa kanya ako humuhugot ng tulong sa acting.

“So. I really have the best.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Unlike sa kanya, she really had to start from the ground. Kailangan niya talagang magstart from nowhere to be the best.

“I’m just so grateful that I’m getting all the help from her…then, yung workshops na attended to, from the teachers that I had.

“So, it doesn’t matter kung sino ang nagka-award sa aming dalawa.

“I’m sure naman na masaya siya for me.”

Ibig ba sabihin nito na mas magaling siyang aktres kaysa kay Anne ?

Depensa ni Jasmine, “Hindi naman. Hindi naman ibig sabihin na mas magaling ako sa kanya or she’s a lesser actress than me, di ba?

“All I can say is that… mas marami lang talaga ang nagtuturo sa akin.

“Hindi naman ako ang the best. Hindi ako mas the best sa kanya.

“It wasn’t easy also for me to be the best,” pagklaro niya.

RIPE FOR SEXY ROLES? Hindi maikakaila na maraming humahanga kay Anne dahil sa taglay nitong sex appeal.

Sa mga nakaraang pelikula nito na No Other Woman at A Secret Affair ay naipakita nito ang kakaibang kaseksihan.

Kaya na ba niyang pantayan ang ginawa ng kanyang older sister?

“Well, if the role calls for it,” pag-amin niya. “And if at the right age, I would definitely consider it.

“It depends also kung gaano talaga ka-sexy yun.

“But I don’t think I will ever bare all sa public.

“That would be for me naman. That’s for my privacy and yeah, it will also depend on the story line,”diin pa niya.

ON CONTROVERSIAL “RAIN SCENE” ISSUE. Inalam ng PEP ang opinyon niya tungkol sa pinakahuling kontrobersiyang kinasangkutan ni Anne.

Ito ang “Rain Scene” number niya sa nakaraang episode ng ASAP 18 sa ABS-CBN kung saan nag-react ang MTRCB sa diumano’y very provocative outfit niya.

May gagawing adhoc committee meeting ang nasabing ahensiya sa darating na March 5 para mapag-usapan kung mapapatunayang lumabag ang nasabing network sa tinatawag nilang gender sensitivity issue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagtatanggol niya sa kanyang Ate, “I think my personal opinion is that I understand why people are talking about it...

“Kung bakit nila ginagawa parang big deal ang nasabing issue.

“But what I’m bothered about is that it’s going out of proportion...

“Na she was wearing a tanga or something pero I’m sure na hindi siya pasusuutin ng stylist niya na mag-reveal ng private parts niya, di ba?

“Nangyari na before yun and she knows how to handle herself better now.

“She already learned sa nangyari sa kanya noon and hindi gagawa ng action para ma-put uli siya sa ganoong situation.

“That’s my opinion and my sister... alam niya na talagang ipagtatanggol ko siya whether it’s a small or big issue.

“It’s just silly na up to now, pinag-uusapan pa rin talaga siya.

“Nothing serious and it’s not affecting naman people’s lives so sana put a stop to it na lang.”

Ayon kay Jasmine, naniniwala siyang may suot talagang underwear ang kanyang kapatid.

“Yeah, of course!” mariing sabi niya. “Siya, di magwe-wear ng underwear? Nooooooo!” patiling dugtong pa ni Jasmine.

“Napaka-careful ni Ate. She makes sure na safe siya kapag sumayaw.

“In every little thing she does, she makes sure na she’s okay... na she’s free sa anumang scandal.

“There’s just some things that get into the way.”

Ano naman ang opinyon niya sa obserbasyon ng MTRCB?

Sabi niya, “We’ll, that’s their job. Ginagawa lang nila kung ano yung responsibilities nila.

“Kasi, like kung wala silang ginagawa, odds will be against them naman, di ba?

“So, I understand why they have to do this and that,” pagtatapos ng batang aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN