Robin Padilla pays courtesy call to Sultan Jamalul Kiram III; shows support for embattled Muslim brothers

Despite his many questions about the ongoing political conflict in Sabah, Robin makes it clear that: “Ang posisyon ko rito, bale wala naman. Ang importante dito, kinikilala ang sultan ng Sulu. Nandito ako dahil nagpupugay ako sa nag-iisang sultan.”


Personal na nagpaabot ng kanyang suporta si Robin Padilla sa kanyang mga kapatid na Muslim lalo na kay Sultan Jamalul Kiram III sa gitna ng tensyon sa Sabah, Malaysia kung saan halos lagpas dalawandaang taga-suporta ng Sultanate of Sulu ang kasalukuyan pa ring nasa Lahad Datu, Sabah.

Ayon sa report ng abs-cbnnews.com ngayong gabi, March 2, dumating daw si Robin sa tahanan ni Kiram sa may Taguig sakay ng isang helicopter at nagpaabot ito ng kanyang kalungkutan sa pagdanak ng dugo sa mga kapwa niya Muslim sa Sabah.

Lahad niya, “Sa nangyayari ngayon, nakakalungkot na Muslim sa Muslim... Kung mapapanood niyo at makikita niyo sa video, masakit iyon.”

Matatandaang labing-apat ang mga nasawi sa bakbakan kahapon sa Sabah. Dalawa dito ay tauhan mismo ni Kiram at ang labing-dalawa ay mula naman sa grupo ng kanyang kapatid na si Raja Muda Agbimuddin Kiram.

Kinuwestiyon din ni Robin ang ginawang hakbang ng gobyerno sa nangyaring standoff.

Aniya, “Kailangan marami akong tanong na dapat masagot.

“At ganoon din sa ating mga namumuno ng inang bayang Pilipinas, kung bakit pinapayagan nating mamatay ang ating mga kababayang Pilipino.”

Matatandaang ngayong araw din, naglabas ng statement ang Malacañang na ang pagpanatili ng grupo ng Sulu Sultan’s Royal Army sa Sabah ay “mali” at dapat ay “sumuko na sila sa Malaysian Authorities na walang kondisyon.”

Dagdag pa ni Robin, “Ako’y katulad din po ninyo, maraming tanong. Kaya po ako narito, upang magtanong.”

Ano kaya ang masasabi niya sa claim ni Kiram na siyang tagapagmana ng Sabah?

Kukunsultahin pa raw niya dito ang Sultan.

Aniya, “Ang posisyon ko rito, bale wala naman. Ang importante dito, kinikilala ang sultan ng Sulu. Nandito ako dahil nagpupugay ako sa nag-iisang sultan.”

Pag-alala pa ni Robin, nagpa-convert siya sa Muslim dahil kay Sultan Kiram.

Paliwanag niya, “Alam naman po ng lahat na ako’y balik-Islam, at ang nagdala po sa Bilibid ng Islam sa akin ay si sultan. Hindi ko puwedeng makalimutan ’yon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN