BB Gandanghari on shorter hairstyle: “Well, alam n’yo naman na pag nagpaputol ka ng buhok, meron kang gustong kalimutan.”

BB Gandanghari will star in the forthcoming stage play Halik Ng Tarantula: “Habang palapit na nang palapit yung dates parang kinakabog na din ang dibdib ko. Kakaiba ang feeling ko dito kasi nga I’m doing a very popular adaptation."



Kinabog ni BB Gandanghari ang lahat ng mga aktres na dumalo sa nakaraang 2012 Golden Screen for TV Awards sa Teatrino, Greenhills nitong nakaraang March 1.

Pagpasok niya sa nasabing venue ay may kasama siyang dalawang guwapong escorts—sina Jet Alcantara at Jovic Susim.

Kaya nang magkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makausap si BB, ito ang itinanong namin sa kanya.

“Wala lang,” nangingiting bungad niya. “A woman needs a man, di ba?

“So, this is a… parang formal occasion, so I need an escort. Nagkataon lang na dalawa sila, kaya naging escorts.

“No, actually... sila yung Valentins ko sa Halik ng Tarantula.

“So, I’m giving them all the exposure. Wala namang masama, di ba?

“May purpose naman why they have to be seen in public.”

Ang Halik ng Tarantula ay ang stage play na pinagbibidahan ni BB for the second time na mapapanood na sa March 7, 8, at 9 sa pareho ring venue ng Golden Screen for TV Awards.

“Habang palapit na nang palapit yung dates parang kinakabog na din ang dibdib ko,” pag-amin niya.

“Kakaiba ang feeling ko dito kasi nga I’m doing a very popular adaptation.

“But I’m really confident naman kahit we have a big story and a big script... ma-a-appreciate ito ng tao.

“Nandoon pa rin talaga yung takot at nerbiyos ko.

“Kung dahil naniniwala nga ako sa istorya niya plus merong akong magaling na director [Soxy Topacio], e, nawawala ang takot ko.”

NEW LOOK. May bagong hairstyle ngayon si BB.

Ang dati niyang mahabang buhok ay naka-bob cut na ngayon.

Meron kayang dahilan ito?

“Well, alam niyo naman na pag nagpaputol ka daw ng buhok, meron kang gustong kalimutan,” sabi niya na parang biglang nalungkot.

Ano naman yung gusto niyang kalimutan?

“Nakalimutan ko na!,” sagot niya na bigla ring humagalpak ng tawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala lang.

“Sinasabi ko nga sa kanila, I think it was eight years ago since I had this short hair.

“Yun, feel ko lang.”

PROBLEM WITH ROBIN? For some kasi, pag nagpaputol ng buhok ang ibig daw sabihin nito ay may pinagdadaanang problema.

Totoo ba ito sa kaso niya?

“May pinagdadaanan ako?” patanong na sagot niya. “Lahat naman ata ng tao ay may pinagdadaanan.

“Ang importante ay kaya mo yang pinagdadaanan mo at hindi ka naman nagkulang sa prayers, di ba?”

May particular bang problema na nagba-bother sa kanya ngayon?

Paliwanag niya, “It’s a common thing naman na alam ng lahat yung between me and my brother, Robin Padilla.

“And I wouldn’t deny na it’s really affecting me.

“But, it is what it is, so, ganoon na muna.”

Ano ang state of mind ng isang BB Gandanghari sa puntong ito?

“Sa kabila nga ng pinagdadaanan ko ngayon, I’m very comfortable,” pag-amin niya.

“I’m at peace with myself and am happy with what I’m doing.”

Naungkat namang muli ang issue sa kanila ni Robin, inalam ng PEP sa kanya kung nag-try pa siyang mag-reach out sa kapatid niya?

Sagot ni BB, “May mga bagay siguro na you don’t push.

“I’m just waiting for the proper time and then we could talk

“Masaya siyempre ako kung sakaling maging okey kami.

“Kapatid ko yun, di ba?

“Sabi nga nila, puwede nating makalimutan yung maraming bagay sa buhay mo pero hindi ang kapatid natin.

“One day, magkakaintindihan din kami.”

Hindi ba nagsasawa na paulit-ulit ang mga intriga sa kanya?

“No, hindi naman,” pagtanggi niya. “Yun nga ang sinasabi ko, kung ayaw mong pag-usapan ka o intrigahin, e, di wag kang mag-artista.

“Kaya nga, ang ginagawa ko, work, work then alis. Lipad pa-Amerika.

“Kasi doon naman talaga ako makapagpapahinga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well actually, Philippines is a workplace for me.”

PROUD OF NEPHEW DANIEL. Napag-usapan din ang tungkol sa kasikatan ng pamangkin niyang si Daniel Padilla.

Si Daniel ay anak ng kapatid niyang si Rommel Padilla sa aktres na si Karla Estrada.

Any reaction?

“I’m very proud of this boy,” pagmamalaki niya.

“Nakikita mo talaga na siya na yung susunod sa mga yapak namin.

“Well-rounded siya kaya alam ko me mararating siya.”

Close sila sa isa’t isa?

“We would see each other sa parties ni Rommel,” sabi niya. “Wala, tahimik lang siya.

“He would take me as I am and see me as it is,” natatawang pagwawakas ni BB.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN