Saab Magalona doesn’t mind being typecast as kontrabida; admits “Hindi ko naman hiningi na huwag maging kontrabida.”

Saab on working with Geoff Eigenmann for the first time: “Si Geoff, sobrang gentleman talaga. Halimbawa, crying scene, magka-cut, talagang aaliwin niya ’ko. Hahawakan niya ang kamay ko para mag-calm down. Very maasikaso. I really like working with him.”


Hindi raw talaga kontrabida ang papel na ginagampanan ni Saab Magalona sa GMA-7 afternoon dramaserye nilang Forever.

Lumalabas kasing love triangle sila rito nina Heart Evangelista at Geoff Eigenmann.

Pero pinaalala ni Saab nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping nila sa De Ocampo Hospital noong Miyerkules na siya ang talagang girlfriend ni Pato (Geoff) sa Forever bago pa nito makilala si Isadora (Heart).

TYPECAST AS KONTRABIDA? Sanay kasi na napapanood si Saab bilang kontrabida sa mga teleseryeng nagawa niya.

Kahit siya, ang natatandaan na lang niya na mabait daw na role niya ay yung teen show pa nila noon na Lip Gloss sa TV 5.

“Para sa akin, si Laila kasi, hindi naman talaga siya masamang tao. So, malabo talagang maging kontrabida siya. Nalaman na rin niya kung sino si Isadora. Nalaman na niya na mahal siya ni Pato.”

Dugtong pa niya, “Kaya gusto ko rin naman ang story kasi, si Isadora, may pagka-kontrabida siya.

“Inapi niya ’ko, pero, hindi naman niya kasalanan dahil hindi niya alam. E, wala siyang magagawa kasi, yun ang soul mate niya.

“Actually, si Isabel Oli talaga ang kontrabida. Kami naman, talagang wala, e, nagmahal lang.”

Hindi pa rin daw alam ni Saab kung ano ang mangyayari sa ending. Lalo na raw sa karakter niya na ang dami na nga raw na nangyayari.

“I honestly don’t know kung magkakatuluyan kami o kung puwede akong mamatay.

“Pero, I can say na may plans na magpakasal sina Laila at Pato. Kung mangyari yun, hindi ko pa talaga alam kung paano nila i-e-end.”

Mula sa mga kontrabida roles niya, meron kaya talagang conscious effort sa part niya na mag-shift siya sa mabait na roles naman?

“Not at all,” mabilis niyang sagot.

“Nabigay lang talaga sa akin ang role na ’to. Pero, hindi ko naman hiningi na huwag maging kontrabida.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, I really enjoyed doing kontrabida roles. When it was given to me, of course, I took the opportunity.

“Maganda rin naman na ma-enjoy yung other side of it. The last time I did a role na hindi ako kontrabida, yun nga, sa Lip Gloss pa.

“So, now, I feel really matured and I feel like I’m doing quite a good job.”

Saan niya mas gusto ngayon, kontrabida roles pa rin o yung mabait na karakter?

“Well, there’s pros and cons. Siyempre, kapag kontrabida, yung location, palaging nasa mansion.

“Palagi kang mayaman. Palaging kumportable at saka, hindi ako umiiyak. So, madali siya.

“Pero, dahil kontrabida ako at mayaman ako, grabe ang make-up, kulot ng buhok, preparation para magmukha akong maarte.

“So, ito, halos walang make-up, pero, grabe sa iyak.”

Hindi siya hirap umiyak?

“Hindi, hindi naman,” saad niya.

“Actually, I’m really enjoying my role. Na-e-excite ako kasi, parang it’s really a different experience talaga na natural akong mabait sa show. Kasi, yung lahat talaga, evil ako.”

WORKING WITH GEOFF. Unang beses pa lang na makatrabaho ni Saab si Geoff. Pero, matagal na raw silang magkakilala.

Aniya, “I’ve know him for a lifetime. Kasi, naging kaibigan ko rin ang mga kamag-anak niya like si Maxx Eigenmann, kasama ko sa Lip Gloss before. Si Sid [Lucero] naka-trabaho ko sa Hindi Ka Na Mag-Iisa.

“Si Geoff, sobrang gentleman talaga. Halimbawa, crying scene, magka-cut, talagang aaliwin niya ’ko. Hahawakan niya ang kamay ko para mag-calm down. Very maasikaso. I really like working with him.”

Dugtong pa niya ng natatawa, “At saka, ang ganda-ganda ng mata niya. Palagi akong nakatingin sa mga mata niya.”

Ang kanyang kapatid na si Maxene Magalona ay pawang mga leading lady ang ginagampanang karakter sa bawat teleseryeng ginagawa nito.

Siya ba, pangarap din niya na malinya sa mga leading ladies?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, honestly, I’m a little scared to be leading lady. Kasi siyempre, grabe ang responsibility noon. Parang show mo yun, ‘di ba? Pero, I’m scared but I can say, I won’t turn it down,” pag-amin niya.

Ano ba ang pangarap niya talaga sa showbiz career niya?

“Ako kasi, I really enjoy my privacy pa rin. So, sobrang steady ako sa kinalalagyan ko ngayon. As a blogger/actress, I can still do what I want to do.”

Masaya rin daw siya sa kanyang lovelife sa non-showbiz boyfriend na si Jim Bacarro. Dalawang taon na raw sila at college pa lang sa Ateneo ay magkaibigan na sila.

Kaya sabi namin sa kanya, tila silang magkakapatid, masasaya ang lovelife ngayon.

Napangiti naman ito sabay sabi nang, “I guess.”

Nang tanungin namin si Saab kung lumalabas ba silang magkakapatid tulad ni Maxene at Renz Fernandez, Elmo Magalona at Lauren Young, napa-“ay,” ito sabay sabi ng, “kabarkada ko si Lauren. Kagabi lang, magkakasama kami.

“Pero, hindi naman kaming anim.

“Minsan, kasama si Lauren, si Megan [Young], yung mga friends namin.”

Ang mommy nila, si Pia Magalona, hindi ba ito nakikialam sa nagiging karelasyon nila. Meron na bang pangyayaring hindi boto ang ina nila?

“Wala naman, matanda na rin naman kami. Pero, yun, nagkakasama kami.

“Ang hilig namin, nagbo-board games kami. Malaki kaming family, so, lumaki kami sa board games kaya masaya na kami ro’n.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN