Richard Yap on onscreen tandem with Jodi Sta. Maria: “Makikita nila talaga na magkakatuluyan kami doon sa show—at hindi in real life.”

Richard is excited about bigger and better offers coming his way this year, including possible movie projects.


Patuloy ang pagdating ng suwerte sa isa sa hot property ngayon ng ABS-CBN na si Richard Yap matapos niyang magwagi last Friday, March 1 sa katatapos na 2012 Golden Screen TV Awards ng Entertainment Press Society Incorporated o ENPRESS na ginanap sa Teatrino, Greenhills.

Nasungkit ni Richard ang award na Outstanding Breakthrough Performance By An Actor para sa My Binondo Girl ng ABS-CBN.

Ang naturang awards night ay dinumog ng fans na gusto siyang makamayan at magpalitrato kasama niya.

At pati na rin ang ilang celebrities na naroon noong gabing iyon tulad ni Kara David ay kinikilig din kay Sir Chief —na kilalang tawag din kay Richard ngayon dahil sa karakter niya sa Be Careful With My Heart.

Kaya kinuha namin ang opinion ni Richard sa kasikatang nararanasan niya ngayon.

“Medyo naiilang nga ako, kasi hindi ako sanay sa ganoong klase ng atensiyon.

“Pero, baka masanay rin tayo later on... I don’t know... siguro dahil sa bago pa lang tayo,” panimulang pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

COPING WITH STARDOM. Paano na ang kanyang privacy, lalo na kapag nagpapasyal sila sa malls kasama ang kanyang pamilya?

“Depende, e... kapag hindi masyadong matao yung mall, okay lang.

“Pero kapag maraming tao, minsan talagang maraming nagpapa-picture. Pero okay lang naman, pinagbibigyan naman natin as much as possible.”

Paano nagko-cope ang kids mo kapag nasa mall kayo at pinuputakti ka ng fans; nagtataka ba sila?

“Hindi naman, kasi medyo malalaki na rin naman ang kids ko, so they understand. Alam naman nila na kapag show business, e... so kapag maraming tao ay tumatabi na lang sila,” nakangiting saad niya.

“Kung hindi naman nakakasagabal sa oras ko ay okay lang.

“Usually, ang mahirap lang kapag nagmamadali ka at may hinahabol kang oras, yun lang ang mahirap doon.

“You can’t tell sa mga tao na I have to go, kasi baka sasama naman ang loob ng iba,” dagdag pa ni Richard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

UNEXPECTED SHOWBIZ SUCCESS. In-expect ba niyang darating sa kanya ang ganitong suwerte kahit na noong bagong pasok pa lang siya sa showbiz?

“Hindi talaga, kasi akala ko ay sandali lang ako sa Binondo Girl. I thought na… well… first few weeks lang ako roon. Pero medyo humaba nang humaba hanggang sa matapos na iyong show.”

Itinuturing niyang malaking blessing ang pagpasok niya sa showbiz kaya hindi siya nagrereklamo sa mga pagbabagong nangyayari sa kanyang buhay ngayon.

“Of course it’s a blessing, kasi alam mo, marami kasing tao ang gustong maging andito sa posisyon ko. So, I guess I could say na I’m very lucky and very blessed.

“Kaya kahit walang masyadong pahinga, pero since work is a blessing, wala tayong reklamo roon.”

Nagpapasalamat din siya at hindi sila iniintriga o inili-link ni Jodi Sta. Maria kahit marami ang kinikilig sa kanilang tambalan sa kanilang TV program sa Dos.

“I think, it’s because they’ve already accepted na doon sa umpisa pa lang ay sinabi na namin na I’m a married man... I already have kids.

“So, makikita nila talaga na magkakatuluyan kami doon sa show at hindi in real life,” saad pa ni Richard na 19 years nang kasal sa kanyang maybahay.

MOVIE CAREER SOON? Sa movies ba ay posibleng mapanood na rin siya very soon?

“Hindi pa napapag-usapan, wala pang final ano… actually idea pa lang, pero wala pang schedule, wala pang story.”

Aminado rin si Richard na may halong pangamba sakaling papasok na rin siya sa paggawa ng pelikula dahil ibang level na raw ito, pero may tiwala naman siya sa ABS-CBN sa pagpapatakbo ng kanyang career.

“Oo, medyo ano nga, nakakatakot nga, pero I trust ABS-CBN to come up with a good program naman, or a good movie… So, we’ll see what happens…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

EXTENDED RUN? Gusto ba niyang si Jodi rin ang partner niya rito?

“Actually, kasi depende sa project, e, kasi they were thinking of doing a project which is a continuation ng Be Careful With My Heart.

“Baka maging movie siya, pero hindi pa rin iyon definite,” wika pa niya.

Nabanggit din niya na baka ma-extend pa ang kanilang TV program nina Jodi and company.

“Hanggang June of this year pa, pero hindi pa napapag-usapan talaga. Pero baka ma-extend pa raw dahil yun ang hiling ng viewers,” matipid na tugon pa niya.

After ng Be Careful, hindi ba sumasagi sa isip niya na magiging doble ang pressure sa next TV project niya dahil kailangang maging big hit din ito?

“Ang sa akin naman, hindi ko naman iniisip… hindi ko pine-pressure ang sarili ko dahil baka lalo akong mahirapan.

“So, ginagawa ko na lang kung ano ang dapat kong gawin at bahala na si Lord,” nakangiting sagot pa ni Sir Chief.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN