Ate Gay on backstage-shouting incident at Wowowillie: “Ang pangit lang dun, e, kasi para kaming isang pamilyang nagkaroon ng problema.”

Ate Gay on Willie Revillame’s on-air reprimand: “Natural lang na magdamdam ako pero hanggang dun lang dahil andun yung respeto ko kay Willie, mabait siya.


Usap-usapan pa rin sa ngayon na tuluyan nang hindi makakabalik sa Wowowillie si Ethel Booba matapos ang insidente ng sigawan sa backstage ng show noong Huwebes, February 28.

Bulung-bulungan din na baka may pagkakataon pang makabalik si Ate Gay dahil hindi naman daw ito ang talagang nanita kay Willie Revillame matapos ang “mini-concierto” segment kung saan natalo sila ni Ethel sa costume.

Kagabi, March 2, sa Ang latest: Updated ng TV5, nagsalita na si Ate Gay tungkol sa insidente pero hindi niya talaga idinetalye ang buong pangyayari.

Saad nito, “Okay lang naman ako, e, ang pangit lang dun e kasi para kaming isang pamilyang nagkaroon ng problema.

“Siyempre, ang tatay si Willie... pinagalitan lang kami, pinilit naming kumbaga makipag-usap kasi after noong mga tsikahan noong nagagalit na siya, pumasok kami dun sa dressing room tapos ayun, sermon pa rin...

“Excited nga akong pumasok bukas [Friday] kaya lang, e, wala ako magagawa [kung] hindi ako pinapapasok.”

Nakausap ng Ang Latest si Ate Gay last Thursday, sa 9th anniversary ng Zirkoh, Tomas Morato.

Ano ba talaga ang nangyari backstage?

Paiwas niyang sagot, “Ako, nirerespeto ko ang lahat ng sinasabi niya, pag sinabi kong ’hindi,’ ang pangit naman para sa kanya, pag sinabi kong ’oo,’ di ba, parang ang pangit naman para sa amin, kilala ako ng mga kaibigan ko, hindi ako ganung tao [naninigaw].”

Patuloy namang pinatunayan ni Ate Gay na mabait na tao si Willie, at bugso lang ng damdamin ang pagbitaw nito ng pananalita sa kanila sa ere at hindi daw mawawala ang respeto niya sa TV host.

Kuwento niya, “Natural lang na magdamdam ako pero hanggang dun lang dahil andun yung respeto ko kay Willie, mabait siya.

“Ako, lagi kong sinasabi sa TV, umiiyak pa nga ako dahil ramdam ko na mabait siya. Gusto ko lang sabihin na mahal na mahal ko ang Wowowillie, na-experience ko dito na matulog sa gabi at gumising na nakangiti, para sa normal na buhay, para sa normal na nagtatrabaho.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si kuya Willie minahal ko siya because of Wowowillie dahil ang pagtulong naman ay sinuklian naman namin.”

Sa ngayon daw ay umaasa si Ate Gay na muli siyang makabalik sa show.

Dagdag pa niya, “Umaasa ako ha, lalo pa’t ginawan ko... namin ... ng paraan, kami ni Ethel na pumunta doon kaya lang huwag muna dahil siyempre andun pa yung init ng ulo.”

“Lahat po ng sumusuporta ng Wowowillie, patuloy niyo pong suportahan dahil ang dami namang natutulungan ng Wowowillie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN