Ruru Madrid says he’s “willing to wait” for Barbie Forteza: “Kayang-kaya ko naman pong maghintay basta po mahal ko yung isang tao, hihintayin ko po talaga.”

Ruru cites Tanya Garcia, Heart Evangelista, and of course, Barbie Forteza, among his showbiz crushes


Ayon kay Ruru Madrid, ang pinakagusto daw niya kay Barbie Forteza ay ang pagiging maalalahanin nito, pagiging kuwela at pagiging kalog.

“Siya po pa yung nagsasabi na, ‘Tara kain na tayo!’

“Ganun siya, tapos yung dati akala ko masungit pero kalog, lagi pong nagpapatawa, simple at makulit,” sinabi ni Ruru sa recent interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ang pagkakaroon niya ng crush kay Barbie ay aabot ba sa seryosohang panliligaw?

“Hindi ko pa po masasabi sa ngayon. Siguro po darating naman po sa point na mararamdaman ko na yun...

“Na parang masyado na kaming nagiging close, na puwede na kaming maging kami, dahil mas maganda po yung ganun.

“Pero siyempre naniniwala naman po ako sa destiny... na darating yung ganun.”

Katatapos lamang ng Paroa: Ang Kuwento Ni Mariposa at balitang isang proyekto na silang dalawa ni Barbie ang magkapareha at bida ang susunod nilang proyekto sa GMA-7.

WILLING TO WAIT. Fifteen lamang sila pareho ni Barbie at willing maghintay si Ruru sa tamang panahon para ligawan si Barbie.

“Opo! Kayang-kaya ko naman pong maghintay basta po mahal ko yung isang tao, hihintayin ko po talaga.”

Halimbawang limang taong magpapahintay si Barbie?

“Five years rin po akong maghihintay. Basta naman po mahal ko ang isang tao, gagawin ko ang lahat kung ano ang gusto niya.”

Walang ibang nililigawan, pero tatlo na ang nagiging girlfriends ni Ruru.

Una daw siyang nagka-girlfriend noong…

“Twelve po ako, one month kami.

“Yung sumunod, thirteen po ako, two months po kami.”

One month tumagal ang pangatlong relasyon ni Ruru at fourteen siya noon.

At mula nang nag-fifteen siya ay hindi pa siya nagka-girlfriend muli.

“Ngayon po wala po, kasi kaka-fifteen ko lang nung December 4. Matagal na rin po akong hindi nagkaka-girlfriend.”

December 7 siya nag-taping sa Paroa kaya walang birthday gift sa kanya si Barbie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero nung Pasko po may niregalo po ako sa kanya, Body Shop.

“Balak kong ibigay sa kanya kumot, e, kasi lagi siyang giniginaw, e, sabi ni mama huwag na daw iyon.”

Walang regalo sa kanya si Barbie noong Pasko.

“Pero okay lang naman po iyon, e.”

SHOWBIZ CRUSHES. Ang tatlong crushes ni Ruru sa showbiz…

“Panay ano na po matatanda, e.”

Puwede raw siyang ma-in love sa mas matanda sa kanya?

“Ah, opo!”

Lahat raw ng mga naging GF niya ay mas matanda sa kanya.

“Yung first GF ko seventeen po siya, twelve po ako. Yung sumunod po magka-age po kami, lamang lang po siya ng four months. Yung sumunod po two years po [ang pagitan].”

Ang mga crushes niya…

“Si Miss Tanya [Garcia]. Hindi ko alam nung una ko siyang nakita parang na-starstruck ako, hindi ko alam kung ano yung naramdaman ko.”

Alam raw ni Tanya na crush niya ito.

“Tapos sinasabai niya sa akin na parang, ‘Ang guapo mo Ru, a!’”

Hindi siya natakot sa mister ni Tanya na Mark Lapid?

“A, pinakilala nga niya po ako, e. Sabi niya, ‘Hon, ’eto yung loveteam ko, si Ruru.’

“Sabi niya [Mark], ‘Uy guapo, a!’

“Tapos nag-handshake po kami, ganun.”

Crush din niya si Heart at na-meet na niya ang aktres sa Party Pilipinas.

Ang gusto niya kay Heart?

“Yung physical appearance niya po, iyon po ang nagustuhan ko dahil sobrang ganda, di ba?”

And of course, crush niya si Barbie.

INVESTMENTS. Ano na ang nabili ni Ruru mula sa mga kinikita niya sa showbiz?

“Sasakyan po.”

Pareho sila ni Derrick Monasterio na nakabili ng sasakyan.

“Yung sa akin po, [Honda] Civic lang, yung sa kanya Montero.

“Pero may bibilhin po ako na bago ngayon, Avanza po.”

Ang Civic niya ay binili niya pagkalabas niya ng Protégé.

“Dahil nakaipon rin po ako sa Protégé, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

August last year niya binili ang Honda Civic niya.

“Opo, kasi mura naman po iyon, e.”

Ngayong March niya planong bumili ng bagong sasakyan.

Biniro namin siya na talo niya si Derrick dahil nakadalawang kotse na siya agad.

“Kasi po yung Civic po siguro pamporma-porma lang, pero ang Avanza po pang-taping na rin dahil malaki rin, di ba?

“Nag-iipon na po ako.

“Nakabili na rin po ako ng PS3.”

More or less sixteen thousand pesos raw ang halaga ng PS3 niya.

Ano pa ang gusto niyang mabili?

“Siguro po bahay.”

Balak na nilang umalis sa bahay nila sa Marikina na laging binabaha.

“Balak po naming lumipat ng Kamias [Quezon City], siguro para malapit na sa GMA.

“Nag-iipon pa po kami.

“Kasi yung bahay namin ngayon doon na rin po yung business namin, e, bags and shoes po. Family business po namin.”

DESTINY FULFILLED. Ang tunay na dahilan ng pagsali niya sa showbiz: cash or fame? Yung iba kasi ay gustong tumulong sa pamilya.

“Siguro po hindi ko po alam sa sarili ko, pero ito po talaga ang gusto ko.

“Bata pa lang po ako, may kinuwento sa akin yung nanay ko na sinabi ko daw sa kanya, ‘Ma, parang gusto kong umiyak sa TV.’

“Ganun daw po sinabi ko. tapos nagugulat siya sa akin, umiiyak akong mag-isa, nakaharap ako sa salamin kaya ito na nga po ang passion ko.”

Hindi siya after sa pera.

“Opo, para sa akin po kaya nga po yung katulad sa Protégé, di ba, okay lang po sa akin kahit hindi po ako nanalo dahil para sa akin bonus na lang po yung cash and condo.

“Para sa akin yung mga natutunan ko doon yung the best ’tsaka tulad po ng natutunan ko sa mentor ko, at iyon po nakapasok ako showbiz.”

Ang next project niya sa GMA…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nag-meeting po kami with Sir David Fabros sa [GMA] Artist Center, out of twenty five shows daw po this year may nakita daw po siya sa akin na four shows, ganun.”

Isa na ba rito ang project na sila lang ni Barbie na lalong magpapatibay sa RuBie loveteam?

“Sana!” pangwakas niyang asam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN