Geoff Eigenmann on marrying Carla Abellana: “Hopefully matuloy yun... and everything goes well and our dreams will come true.”

Hindi raw problema kina Geoff Eigenmann at Carla Abella kung magkahiwalay man sila ng lakad ngayong Holy Week. Sabi ni Geoff, “It’s not the first time I’m leaving and I’ve been out longer also, e. Madali lang namang tumawag, mag-text, mag-Skype—ang laking tulong ng Skype!”


Isang linggo matapos malathala dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang exercise and diet regimen ni Geoff Eigenmann, kinumusta ulit namin siya tungkol sa kanyang timbang.

(CLICK HERE to read related story.)

Sabi niya, “Hindi pa, wala pa. Hindi pa ako nag-check.

"Siguro meron nang mga five pounds na nawala."

Naikuwento kasi ni Geoff na marami ang nakapuna sa “pagtaba” niya.

Sa pakikipag-usap ng PEP kay Geoff sa taping ng Forever sa De Ocampo Hospital noong Miyerkules, February 27, sinabi ng aktor na tuloy ang pagba-biking niya para pumayat.

“Yes, yes! As much as possible, kahit sa bahay lang, nagba-bike ako.

“Kahit ten minutes lang, pero hataw. Basta naaano yung heart rate, basta pinapawisan.”

Pero pag-amin din niya, “Malakas ako kumain.”

Nagba-biking sa labas ng bahay at sa kalye si Geoff kaya na-achieve niya noon ang target na alisin ang twenty pounds sa kanyang timbang.

Sabi niya, “Ginagawa ko rin yun, pero mahirap ngayon, e, pagka may taping, e.

“So as much as possible, gabi ako nakaka-bike.

"Kasi now, usually sa bahay, indoors.”



HOLY WEEK. Tinanong ng PEP ang plano ni Geoff at ng girlfriend niyang si Carla Abellana ngayong darating na Holy Week.

Sagot niya, “Well, si Carla, alam ko may naka-lineup siya na gawin na something.”

Trabaho pa rin?

“Yeah, she might have to leave the country if ever so kaya ganoon.

“Tapos, ako naman kasi, iyon yung time-off ko lang, eksakto matatapos dito sa Forever.

“So baka mag-States ako for Holy Week.

“Tsaka kailangan ko ring pumasok ulit for papers, passport, kasi green card, e, di ba? So, kailangan kong pumasok.”

Ngayong March pa lang ulit ang pasok ni Geoff sa Amerika.

“Yes, the last time I was there was September, so kailangan kasi every six months more or less.’

Ilang araw siya sa Amerika?

“As of now, ten days pa lang yung naka-block off from siguro the 25th until the first week of April.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mag-isa lang bibiyahe patungong Amerika si Geoff.

“Ako lang if ever, ako lang. Ewan ko kung makakasama ang mom ko [Gina Alajar] kasi may Unforgettable siya, e. So, malabo pa.”

May lungkot ba na ten days silang hindi magkikita ni Carla?

Tumawa muna si Geoff at sinabing, “Okay lang naman, sanay na rin naman.

“It’s not the first time I’m leaving and I’ve been out longer also, e.

“Tsaka may time din naman na more than ten days kaming hindi nagkikita, okay lang naman.

“Madali lang namang tumawag, mag-text, mag-Skype—ang laking tulong ng Skype!”



WORKING TRIP. Ano naman ang gagawin ni Carla abroad?

“Ayokong magsalita e, kasi baka… yes. Work siya, work siya.”

Hindi para sa GMA-7?

“Different, basta ang alam ko, I think it’s a movie and the producer is from outside, kinukuha siya.”

Hindi raw alam ni Geoff ang mga detalye tungkol dito.

“Kahit siya, hindi pa niya alam, ang ano pa lang is, si Tito Arnold [Vegafria, Carla’s manager] kasi ang nilapitan, e.

“So, ang naano pa lang sa kanya is yung schedule niya...

“Pero for sure na she’s gonna be part of whatever they’re doing and, iyon, schedule-wise lang.”



MARRIAGE. Si Carla na ba ang “forever” ni Geoff?

Tumawa muna si Geoff bago sumagot.

Aniya, “Not exactly in those lines... but, yeah, we have talked about or we’ve…

“Naisip na namin na siyempre mapupunta din kami sa kasal and spending the rest of our lives together—growing old together, definitely.

“So that idea has crossed both our minds together, and separately.

“So hopefully matuloy yun... and everything goes well and our dreams will come true,” ang nakangiting sabi ni Geoff.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN