Richard Yap on doing sexy pictorials: “Baka makita ng anak ko, e, batukan ako!”

Kahit naging malapit sa isa’t sa sina Richard Yap at Jodi Sta. Maria dahil sa pagsasama nila sa teleseryeng Be Careful With My Heart, paghanga sa trabaho ng aktres ang umiiral kay Richard. Paliwanag ng aktor, “Si Jodi kasi, she’s more focused sa work. I have fun working with her. I’m learning so much from her. Napakagaling niyang artista.”


Masaya si Richard Yap sa hindi natuloy na pag-alis ni Aiza Seguerra sa kanilang daily soap sa ABS-CBN na Be Careful With My Heart.

Napabalita kasi na aalis sa show si Aiza bilang respeto sa Eat Bulaga!, na nakakatapat ng Be Careful With My Heart sa loob ng 30 minutes.

Ang Eat Bulaga! ang nakadiskubre kay Aiza at dito na siya “lumaki.”

Sa katatapos na 2013 Golden Screen TV Awards, na ginanap noong March 1 sa Teatrino, Greenhills, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Richard.

Sabi niya tungkol sa desisyon ni Aiza na manatili sa kanilang show, “But of course, we’re all glad in the production na hindi yun natuloy.

“Aiza plays a good part sa Be Careful With My Heart at malulungkot kami if ever umalis siya.

“We do respect yung parang dilemma niya, ’coz nga, di ba?

“Anyone naman would think about that kung sakali talagang ang katapat mo ay yung where you started.

“Alam ko naayos na nga after a meeting niya with the team, so I guess tuloy na tuloy pa rin si Kute [Aiza’s character name] with us.

“I know she had been tweeting na hindi na totoo na magre-resign, so that’s it—she’s staying with us.”



EXTRA INCOME. Sumikat si Richard bilang “Papa Chen” sa dating primetime series na My Binondo Girl, kung saan pinarangalan siya ng Entertainment Press Society (ENPRESS) bilang Outstanding Breakthrough Performance By An Actor sa Golden Screen TV Awards.

Pagkatapos nito ay nagtuluy-tuloy na ang pagsikat niya sa larangan ng showbiz, lalo na ngayong gumaganap siya bilang Sir Chief sa Be Careful With My Heart.

Dahil dito, marami ang nagsasabing baka nakalimutan na niya ang kanyang negosyo at pamilya.

Pero sabi ni Richard, “Ah... hindi naman.

“I still have my business. I’m still running it.

“Yung pagiging actor ko ay work lang para sa akin. I mean, dagdag na income.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko naman iniisip na aabot ako sa ganito... na magkakaroon pa ako ng award.

“Yung sa family, top priority ko pa rin sila, of course.

“When not working sa Be Careful…or sa iba pang work ko, I make sure na I spend quality time with them.”



SHY. Buti’t hindi nagseselos ang kanyang misis sa atensiyon na ibinibigay sa kanya ng publiko? Hindi kaya threat sa kanilang marriage ang sobrang popularity niya ngayon?

“No, hindi! Sanay na ang wife ko. Alam niya na trabaho lang ito,” mabilis niyang sagot.

Pero sabi rin ni Richard, “Well, noong sa start, parang naiilang siya.

“Nahihiya siya kapag halimbawa sa mall, may gustong magpa-picture sa akin o nagiging curious sa akin.

“For a time, medyo lumalayo siya.

"Pero now, hindi na. Nasanay na rin siya.

“Nothing to worry naman.”



GOOD VIBES. Sa Be Careful With My Heart, kitang-kita ang magandang chemistry ng team-up nila ni Jodi Sta. Maria na gumaganap bilang si Maya.

Off-screen, gaano ba sila ka-close?

Sabi ni Richard, “We’re very close na we share foods... we share stories and a lot more.

“We talk with each other... kuwentu-kuwentuhan. Naglolokohin din kami. Yung mga ganoon.”

Ganoon ba sila ka-close para mapag-usupan nila si Jolo Revilla, na balitang boyfriend ngayon ni Jodi?

“We don’t talk about personal things,” nakangiting sabi ni Richard.

“I don’t even bring up the topic sa mga kuwentuhan namin...

"Buhay niya yun, e. Reserve na natin sa kanya.”

Dagdag pa niya, “Si Jodi kasi, she’s more focused sa work.

“I have fun working with her. I’m learning so much from her. Napakagaling niyang artista.”



PERSONAL. Sa pag-uusap ba nila ni Jodi ay nag-o-open up ito sa kanya ng mga problema sa buhay?

“So far, hindi naman.

“Si Jodi kasi, hindi naman yung tipong nakapa-problematic na tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko nga, she’s fun to be with.

“Enjoy din lang siya nang enjoy sa trabaho niya.”

Kahit yung tungkol sa pagbubuntis ni Iwa Moto sa ex-husband ni Jodi na si Pampi Lacson?

Sagot niya, “A, yun... di namin talaga pinag-uusapan.

“I don’t think it’s a good topic para pag-usapan namin... No, hindi.”



SEXY BODY. Minsan sa isang episode ng Gandang Gabi Vice ay nakantiyawan ni Vice Ganda si "Sir Chief" na ipakita ang kanyang abs. Does this mean na may chance siyang magpa-sexy sa pelikula kung may offer?

“At my age?” natatawang reaksiyon ng 45-year-old actor.

“No, kasi minsan, may mga reporter na nagtatanong sa akin kung kaya ko daw magpa-sexy sa movie. They were just joking on me.

"Pero hindi. I don’t think I will.

“Tsaka, yung abs ko, it’s something na dapat trabahuhin ko pa,” nahihiyang sabi niya.

Kahit man lang yung pagtanggal ng kanyang shirt sa isang eksena?

“Pero siguro kung required halimbawa sa isang scene, siguro hangang doon muna ako.

“But then, dapat siguro mag-workout muna ako.”



PICTORIAL. What about sexy pictorial para sa isang magazine?

“Hindi na rin siguro.

“Kasi, baka makita ng anak ko, e, batukan ako!” natatawa pa niyang sabi.

Ano ang masasabi niya na sa edad niya ay maituturing pa rin siyang pantasya o crush ng bayan?

“At my age, that’s flattering. What can I say?

“Siguro kahit any other guy na kasing-age ko, siyempre flattering yun.”

Kaya marami pa ring girls ang nagpi-flirt sa kanya?

“Hindi naman. May tipong parang nanloloko, pero those are jokes lang naman,” parang nahihiya pa ring sagot niya.

Dagdag niya, “Hindi ako conscious sa ganoon.”



INDECENT PROPOSAL. Nakakatanggap din ba siya ng indecent proposals?

Natatawang kuwento niya, “Noon, one time, dumaan ako dito sa Greenhills, may lumapit sa akin na isang gay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos, sabi niya sa akin na anakan ko daw siya. Tumawa lang ako. Mahirap ‘yan!”

Wala bang galing sa isang babae?

“No, wala pa naman. I don’t think I will entertain that.

“Pamilyado akong tao. I love my wife and my kids,” nakangiting sabi ni Richard.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN