Zia Quizon reveals mom Zsa Zsa Padilla still "talks" to her dad, the late Comedy King Dolphy

Ano sa palagay ni Zia Quizon ang dahilan ng kanyang mabilis na pagsikat sa larangan ng musika? Sagot ng anak ni Zsa Zsa Padilla at ng yumaong Comedy King Dolphy: “I guess it’s because also of the support that I got from people, especially in OPM [Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit]. Of course, it’s kinda an upswing now and everyone’s just trying to support each other—kahit di kayo friends but as a mutual artists. And I think it&am


Isa si Zia Quizon sa fast-rising singers ngayon sa local music industry.

Bukod sa maraming singing engagements, guest appearances, may awards na ring natanggap si Zia.

Naging big hit ang kanyang single na "Ako Na Lang" mula sa kanyang self-titled debut album.

Nitong nakaraang Pebrero nga lang daw ay halos araw-araw raw ay pula ang suot niya dahil sa dami ng kanyang gigs.

Sabi ni Zia sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Ang Latest, “Wala namang bago, I guess it’s just suwerti-suwertihan lang.

"Puro red na lang, and I felt really lucky this year.

“Me and my mom [Zsa Zsa] used to call it ’the year of winning.’”

Nakausap namin si Zia matapos niyang mag-perform as guest singer sa launching ng Spring Summer collection ng Swatch last February 26, Tuesday, sa Long Bar, Raffles Hotel, Makati.

Paano niya nagawang mabilis makilala—bukod sa tawag na "kapatid ni Karylle" o "anak ni Zsa Zsa at ng King of Comedy na si Dolphy"—sa larangan ng pagkanta?

Sagot ni Zia, “I guess it’s because also of the support that I got from people, especially in OPM [Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit].

“Of course, it’s kinda an upswing now and everyone’s just trying to support each other—kahit di kayo friends but as a mutual artists.

“And I think it’s better to have a good connection with each other.”



POP/CLASSICAL/JAZZ. Kakaiba sa mga tunog ng mga nakasanayan nang singers sa bansa ang pag-awit ni Zia.

Mas pinili niya ang Pop, Classical, at Jazz na genre na hindi masyadong popular sa mga kabataan ngayon.

Pero hindi ito naging hadlang sa mabilis na pagsikat ni Zia, gayundin sa pagtanggap ng kanyang musika.

Pahayag niya, “Yeah, I mean that’s what I wanted and try to do then.

“But Filipinos liked it because I guess naghahanap na rin sila ng message in a song, at naghahanap na rin siguro sila ng artists na they can hear sing inspirations as part of their lives.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, for me, it’s okay.”



LIFELONG PROCESS. Kinamusta na rin namin kay Zia ang kanyang ina na si Zsa ZsaPadilla, kung nakikitaan pa rin ba niya ito ng lungkot kapag nasa bahay sila dahil sa pagkawala ng Comedy King.

“She’s doing well,” sagot ng ASAP mainstay.

Naka-move on na ba talaga ang mommy niya?

“A, minsan nahuhuli ko pa rin siya na kausap yung dad ko, nagme-meditate pa rin siya… parang ganun.

“And I think it’s kind of a lifelong process to get over,” sabi ni Zia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN