Ruffa Gutierrez on reported return to ABS-CBN: "You will know in a couple of weeks what’s gonna happen."

Single man ngayon si Ruffa Gutierrez ay hindi naman daw siya malungkot. Sabi ng TV host-actress, “Lovelife? Wala pa rin. Boring! Well, siguro hindi pa talaga dumadating yung para sa akin, and hindi rin naman ako naghahanap din. I’m fine being single, I’m happy being single. I’m not looking for love right now. As a matter of fact, I really don’t care na wala akong lovelife ngayon.”


Walang regular show ngayon sa TV5 si Ruffa Gutierrez.

Ang huling teleserye niya ay ang Enchanted Garden na natapos noong Enero.

Dahil dito, may mga lumulutang ngayong balita na babalik daw sa ABS-CBN si Ruffa pagkatapos ng kontrata niya sa Kapatid network ngayong Marso.

Ito ang nilinaw ni Ruffa nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Ang Latest noong February 26 sa Magnum Ice Cream VIP Party na ginanap sa isang magarang mansion sa Forbes Park, Makati.

Saad ng TV host-actress, “Siyempre, yung mga tao, iba-iba yung speculations dahil, right now, everything is still too early to talk about.

“You will know in a couple of weeks what’s gonna happen.

“Like I said, mahirap magsalita ngayon kasi the next two weeks, we’re really just negotiating.”

Pero ano ang aasahan ng kanyang mga tagahanga mula sa kanya ngayong taon?

Tugon ni Ruffa, “Sa lahat—talkshow, teleserye, sa mga pelikula…

“I’m reading a script right now and hopefully matuloy, napakaganda ng script.

“So a lot of exciting things that’s gonna happen in 2013.”



BORING LOVELIFE. Hindi rin nakaligtas si Ruffa sa tanong tungkol sa kanyang lofelife.

Natatawa niyang sagot, “Lovelife? Wala pa rin. Boring!

“Well, siguro hindi pa talaga dumadating yung para sa akin, and hindi rin naman ako naghahanap din.

“I’m fine being single, I’m happy being single.

“I’m not looking for love right now.

“As a matter of fact, I really don’t care na wala akong lovelife sa ngayon.”



SIGTHINGS IN BORACAY. Isang blind item ang tumutukoy kay Ruffa na may ka-date diumano sa Boracay last year.

Patanong niyang sagot tungkol dito, “Ako? Well, I haven’t been in Boracay for a long time.

“I think the last time was a long time ago, December ba?

“Baka naman si Fabio Ide yun,” pagtukoy niya sa Bazilian-Japanese model-actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ni Ruffa, “Hindi ko naman siya ka-date, barkada ko lang si Fabio, ‘no.

“He’s the only Brazilian that was in our group, definitely hindi ako yung ka-date niya.

“The only time I was in Boracay, that was November, it’s a friend’s birthday party.

“We’re about thirty people—both girls, guys, Filipinos, foreigners…

“And you know, I have a lot of beautiful friends, so it doesn’t mean that because they’re beautiful, I already have an affair with them.

“Kasi kung ili-link ako sa lahat ng guwapong friends ko, naku, sampu na ’ata or twenty na mga boys na boyfriends ko, kasi lahat sila guwapo!”

Sa ngayon, busy raw si Ruffa sa inoorganisa nitong fundraising campaign sa Cebu para sa kanyang ina na si Annabelle Rama, na tumatakbong kongresista sa North District ng Queen City of the South.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN