Bianca King "excited" to fall in love again after breakup with Dennis Trillo

Bianca King tries not to talk about her personal relationship in public. She explains, “Kapag sa lovelife kasi, nararamdaman ko lang na masyado siyang nagagamit so iniiwasan ko na lang na pag-usapan. It’s not appropriate for me sometimes. Sabi ko nga, mayroon namang tamang panahon para pag-usapan ‘yon.”


Habang wala pang regular na project sa GMA-7, abala ngayon si Bianca King sa pagbabakasyon sa iba’t ibang lugar.

Kamakailan lamang ay galing siya ng U.S. at Canada, kung saan binisita niya ang kanyang mga kamag-anak.

Ngayong summer naman ay magiging sunud-sunod daw ang kanyang trip sa iba’t ibang beach sa bansa.

“Kasi, every weekend lang naman ang work ko," sabi ni Bianca sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Startalk sa launch ng bagong produkto ng Nivea Sun sa Sheridan Beach Resort and Spa, Sabang Beach, Puerto Princesa, Palawan, noong Huwebes, February 28.

Patuloy niya, "So, habang may panahon akong mag-ikot sa Philippines, ngayong March pa lang, baka mag-ikot na ako.

“Basta anytime na makapag-travel ako, gagawin ko talaga.

“Parang Eat Pray Love nga raw ang ginagawa ko.”

Ang tinutukoy ni Bianca ay ang memoir ng American author na si Elizabeth Gilbert tungkol sa kanyang paglalakbay sa iba’t ibang bansa matapos siyang mahiwalay sa kanyang asawa.

Ang librong ito ay ginawa ring pelikula na pinagbidahan ng Hollywood actress na si Julia Roberts noong 2010.

Matatandaan na noong Disyembre ay napabalitang nagkahiwalay si Bianca at dati niyang boyfriend na si Dennis Trillo.

Sa ngayon, ini-enjoy muna ni Bianca ang pagiging single.

“Masarap maging single at friendly sa ganitong edad, kasi tapos na akong mag-aral, stable naman ang career ko.

“Parang ito yung tamang time sa buhay ko na puwede akong maging spoiled,” nakangiting pahayag ng 27-year-old Kapuso actress.

Patuloy pa niya, “Hindi ko naman talaga binibilang yung panahon, yung months o yung days [na akong single].

“Pero ibang klase lang yung pakiramdam ko ngayon kasi sa age ko, parang nasa prime na talaga, e.

“So, ini-enjoy ko lang lahat ng pinaghirapan ko sa almost ten years ko in showbiz.

“So, parang I’m just really at a good place right now.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



PERSONAL QUESTIONS. Sa aming panayam, umiwas si Bianca na sumagot sa anumang tanong tungkol sa kanyang nakaraang relasyon kay Dennis.

Sabi niya, “Medyo personal na ang question na ‘yan.”

(CLICK HERE to read related article.)

Ayon kay Bianca, gusto sana niyang iwasang mapag-usapan na ang tungkol sa kanyang lovelife.

Katuwiran niya, “Palagi ko naman itong sinasabi, nasa business kami ng pag-arte o pagganap ng ibang katauhan.

“Pero para sa akin lang, kung anuman yung personal o yung totoong nangyayari sa lovelife ko... [akin na lang].

“Yung family ko naman and everything ay medyo open ako roon kasi gusto ko na mayroon silang natututunan sa akin.

“Pero kapag sa lovelife kasi, nararamdaman ko lang na masyado siyang nagagamit, so iniiwasan ko na lang na pag-usapan.

“It’s not appropriate for me sometimes.

“Sabi ko nga, mayroon namang tamang panahon para pag-usapan ‘yon.”

Sa event noong gabing iyon, kasama rin ang isa pang naging ex-boyfriend ni Bianca na si Champ Lui Pio.

Ayon kay Bianca, magkaibigan naman daw sila ng dating bokalista ng bandang Hale.

Subalit nang tanungin ng PEP kung okay rin sila ni Dennis, hindi ito direktang sinagot ni Bianca.

Sabi lang niya, “Ano naman ako, e, free spirit naman ako. Hindi naman ako yung tipo ng tao na nagtatanim ng galit.”



EXCITED TO FALL IN LOVE AGAIN. Samantala, sinusulit lang daw ngayon ni Bianca ang panahong single siya.

Kung sakali raw na magmahal siyang muli, gusto ni Bianca na makilala muna niya nang husto ang lalaki.

“Basta, excited ako na ma-in love ulit!” dagdag pa niya.

“Excited akong makipagkaibigan sa lahat ng tao.

“Gusto ko yung susunod ay talagang pag-iisipan ko nang mabuti.

“Parang I want to hold off on the right one kasi nasa edad na rin ako na hindi na talaga puwedeng makipaglaro.

“So, bibigyan ko ng tamang panahon na mapaibig ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magiging pribado na rin kaya si Bianca tungkol sa kanyang lovelife sa susunod na pagkakataong magkaroon siya ng boyfriend?

Sagot niya, “Hindi ko kasi iniisip yung mga bagay na ‘yon.

“Kung ano ang pakiramdam ko at that moment, binabase ko na lang doon.

“Hindi ko talaga siya pinaplano, hindi siya conscious effort on my part.

“Kung ano na lang ang naiisip ko, kung ano yung tama.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN