Ai-Ai delas Alas and Jed Salang kiss and make up after giving each other "time and space"

Inamin ng businessman na si Jed Salang na nagkaroon sila ng matinding tampuhan ng komedyanang si Ai-Ai delas Alas, pero nagkaayos din sila sa huli. Sabi ni Jed, “Time and space talaga. She needed time, I needed time. She needed space, I needed space. So, ibinigay ko sa kanya. Ibinigay niya sa akin. Napag-usapan namin and sinuyo ko naman, siyempre. Yun naman ang gusto ng isang babae—ang suyuin sila. So, sa panunuyo ko, lumambot din ang puso niya na pagbigyan ako ng ch


Noong isang linggo ay pumutok ang balitang may pinagdadaanan ang relasyon ni Ai-Ai delas Alas at ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Jed Salang.

Unang napansin ng publiko ang tungkol dito nang mag-post ng mga nakakaintrigang mensahe at larawan ang dalawa sa kanilang Instagram accounts.

Nasundan pa ito ng biglang pag-alis ni Ai-Ai ng bansa isang araw pagkatapos ng concert nila ni Psy sa MOA Arena noong February 16.

Sa panayam ni Jojo Gabinete para sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kinumpirma ni Ai-Ai na may pinagdadaanan nga sila ni Jed ngunit unti-unti na raw nila itong inaayos.

(CLICK HERE to read related story.)

JED’S INTERVIEW. Sa The Buzz naman kahapon, March 3, pumayag si Jed na magpa-interview sa harap ng camera upang linawin ang isyu sa kanila ni Ai-Ai.

Inamin ni Jed na madalas talaga silang magkaroon ng tampuhan ni Ai-Ai. Pero ang nangyayari raw sa kanila ngayon ang maituturing nitong pinakamatindi.

Aniya, “Yes, ito ang pinakamatinding tampuhan talaga.

“Things na maliliit, lumalaki. Naipon nang naipon—nagtampo, sumabog.”

Paano sila nag-ayos?

“Time and space talaga,” sagot ni Jed.

“She needed time, I needed time.

“She needed space, I needed space.

“So, ibinigay ko sa kanya. Ibinigay niya sa akin.

“Napag-usapan namin and sinuyo ko naman, siyempre.

“Yun naman ang gusto ng isang babae—ang suyuin sila.

“So, sa panunuyo ko, lumambot din ang puso niya na pagbigyan ako ng chance kung gaano ko siya kamahal.”

Hindi naman daw pumasok sa isipan ni Jed na dahil sa matinding tampuhan na namagitan sa kanila ni Ai-Ai ay magtatapos na ang kanilang relasyon.

“Hindi… hindi ako umabot sa point na ganoon.

“Sabi ko sa kanya, ‘Hindi ako titigil hangga’t hindi tayo nagkakaayos.’

“Masakit kung mawawala kami sa isa’t isa, e.”

Kung may mahihiling pa siya, ano kaya yun?

“Kasal na lang—yun siguro yun. Kung tatanggapin ako ni Ai,” tugon ni Jed.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli, nagbigay rin ng mensahe si Jed para kay Ai-Ai.

“Babes, I love you. Alam mo yun.

“I’ll always be here for you no matter what.

“Sabi ko nga sa ‘yo, you’re my only one. I love you, Babes.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN