Dingdong Dantes "proud" of girlfriend Marian Rivera’s first acting award

Hindi na nahintay ni Dingdong Dantes ang paggagawad sa girlfriend niyang si Marian Rivera ng Best Actress award sa Golden Screen TV Awards noong Biyernes, March 1. Kinailangan na raw kasing bumalik ni Dingdong sa taping ng kanyang teleserye kaya umalis na siya ng maaga.


Nakaalis na si Dingdong Dantes nang tanggapin ng girlfriend niyang si Marian Rivera ang award for Outstanding Performance by an Actress In A Drama Series, para sa Amaya, sa 2013 Golden Screen TV Awards noong Biyernes, March 1, sa Teatrino Promenade sa Greenhills, San Juan.

Sa early part ng awards night ay nandoon pa ang Kapuso actor upang tanggapin naman ang kanyang tropeyo bilang Outstanding Original Reality Competition Program Host para sa Protégé.

(CLICK HERE to read related story.)

Bakit hindi na nahintay ni Dingdong ang kategorya ni Marian, kung saan napanalunan nito ang kanyang kauna-unahang acting award?

“Kasi kailangan kong bumalik kaagad sa taping ng Pahiram Ng Sandali,” paliwanag ni Dingdong nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas kahapon, Sunday, March 3.

Kung wala raw siyang trabaho that night, gugustuhin niyang mag-stay hanggang sa pagtatapos ng awards night.

Baka nag-dinner pa raw sila ni Marian bilang selebrasyon para sa pagkakapanalo nila pareho sa Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society o ENPRESS.

Sa kabila nito, very proud daw si Dingdong kay Marian sa parangal na natanggap nito.

Aniya, “Ipagpatuloy lang niya ang ginagawa niya na nagpapasaya ng maraming tao.

“Marami pang darating sa kanya and I’m always here to support her one hundred percent.”

Nasa peak na ng kanyang career ngayon si Marian. At dahil masaya rin sa kanyang lovelife, talagang lalong nagbu-bloom ang kagandahan nito at sumi-sexy pa nang husto.

Ano ang masasabi ni Dingdong dito?

“E, totoo naman talagang maganda at sexy siya, e. Kaya nga proud ako sa kanya, of course!” bulalas niya.

ANOTHER AWARD. Samantala, lubos ang tuwa ni Dingdong na pagkatapos ng ikalawang Best Actor award na nakuha niya mula sa Metro Manila Film Festival last December, para sa One More Try, isa na namang award ang natanggap niya.

Sabi ng Kapuso actor, “Nagpapasalamat ako na ni-recognize nila yung ginagawa namin sa Protégé, yung trabaho ko dun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, ang sarap ng pakiramdam.”

Sa film awards season this year, isa rin si Dingdong sa sinasabing strong contender sa Best Actor category dahil sa naging pagganap niya sa One More Try.

“Salamat po,” sambit niya nang tanungin tungkol dito.

“Alam n’yo, the fact na ma-nominate lang ako, malaking bagay na po sa akin.

“Na kinikilala nila yung gawa ko at yung pinaghihirapan namin.

“I’m just so honored so salamat po.”

May mga naka-lineup na bang bagong movie o anumang proyektong sunod niyang gagawin?

“Wala pa po akong alam. Hindi pa namin alam,” sagot ni Dingdong.

Balitang plano ng GMA-7 na muli silang pagsamahin sila ni Marian sa isang serye, pero pinabulaanan ito ni Dingdong.

“Wala po… wala pa kaming gagawin together,” sabi niya.

Matatagalan pa bago sila muling maging magkatambal sa isang project?

“Marahil. Pero okey lang naman para masabik talaga muna yung fans namin,” sabi ni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN