Julia Clarete on three competing noontime shows: “I think it’s healthy, it’s healthy for everybody.”

Tunay na ipinagmamalaki ni Julia Clarete ang Eat Bulaga!. Sabi niya, “I don’t know kung may makakapantay sa Eat Bulaga!, I don’t’ know. Basta sa puso ko, nag-iisa lang talaga ang Eat Bulaga!, that’s all I know.”


Sa ginanap na 2013 Golden Screen TV Awards ng Entertainment Press Society noong March 1, itinanghal na Outstanding Female Host in a Musical or Variety Program ang Eat Bulaga! co-host na si Julia Clarete.

Nagsilbi ring isa sa hosts ng awards night si Julia, kasama sina Kim Atienza, Arnell Ignacio, at Anjo Yllana.

Bago siya binigyan ng award, nakapanayam muna ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang TV host/actress/singer.

Una naming kinuha ang reaksiyon niya sa mga innovation na ginagawa ngayon sa Eat Bulaga!.

“I guess naman, with Eat Bulaga!, we always try to offer something new to the people.

“Another way for them to… another way to entertain them, another way for them to…

“Just give, you know, help or makipagbayanihan sa isa’t isa at hindi lang sa amin.

“Ayun, it’s all part of the program, of presenting something new to everyone.”



PROUD HOST. Nabanggit din ni Julia kung ano ang pakiramdam niya sa pagiging bahagi ng isang programang institusyon na sa Pilipinas.

“I’m very proud. Proud na proud po ako na kasama po ako sa Eat Bulaga!.


“At hindi lang yun, may international franchise yung Eat Bulaga!," pagtukoy niya sa Eat Bulaga! Indonesia.

“It’s so... well, it has developed into a beautiful public-service show… entertainment.

“And also, it educates people about yung magandang pag-uugali na sariling atin."

Sabi pa ni Julia, “Masasabi kong mahal ako ng Diyos dahil dinala Niya ako sa Eat Bulaga!, sa pintuan ng Eat Bulaga!

“At, on the other side naman of the door, they opened the doors for me to develop my hosting skills…

“Discover my hosting skills, express myself every day and all that exposures, it’s very good.”

Ano ang comment niya sa sinabi ni Anne Curtis—ang isa sa mainstay ng katapat nilang It’s Showtime! ng ABS-CBN—na gusto nilang matulad sa Eat Bulaga!?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, that’s very sweet of her,” sabi ni Julia.

“And Anne naman has always been a very sweet and very nice and kind and nothing negative comes out of her mouth.

“So, you know, why not? If they would like to be Eat Bulaga!, then that’s great!

“It’s an honor for me to hear that from Anne.”

Pero kung gusto nga nina Anne and company na matulad sa Eat Bulaga!, posible ba iyon o may makakapantay pa kaya talaga sa nagawang record ng kanilang show?

“Ang masasabi ko, it’s a feat to get to where Eat Bulaga! is. But it’s not impossible.

“Because if it was impossible, if it were impossible, then we would not be here, by God’s grace….”

So, in the future, may makakapantay din kaya sa Eat Bulaga!?

“I don’t know kung may makakapantay sa Eat Bulaga!, I don’t’ know.

Basta sa puso ko, nag-iisa lang talaga ang Eat Bulaga!... that’s all I know.”

Gaano na ba siya katagal sa Eat Bulaga!?

“Seven years? Kasi, I’m not counting, e, I’m having so much fun every day, e.”



HEALTHY COMPETITION. Ang obserbasyon ng marami, hindi na ganoon ka-intense ang kumpetisyon sa noontime show kahit sabihing tatlo na silang magkakatapat.

Si Willie Revillame ay nagbalik sa noontime slot sa show niyang Wowowillie ng TV5, ano ang masasabi niya rito?

“Wala!” mabilis niyang sagot sabay tawa ng malakas.

“Hindi… ano ba masasabi ko?

“Well, that’s good, that’s a good development if that is in fact true.

“Na parang, kung ano ba ang nakikita ng viewers… ayos iyon.”

Sa mga interview sa mga taga-It’s Showtime!, magkakaibigan naman daw sila. Ganun nga ba talaga?

“Oo naman, kapag nagkikita kami, kunwari ay kumakain ako sa restaurant at nandoon sila, walang ano, walang iringan, nothing… magkakaibigan naman kami, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mabuti ba ang ganitong klase ng kumpetisyon, lalo na ngayon at tatlong noontime show na ang magkakatapat?

Sagot ni Julia, “I think it’s healthy, it’s healthy for everybody.

“The networks are on their toes, the producers are always thinking of something new and something great to offer the people.

“And as for the viewers, they have an option, which is always very good talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN