Ai-Ai delas Alas thanks boyfriend Jed Salang for "not giving up" on their relationship

Inamin ni Ai-Ai delas Alas na nag-ugat ang tampuhan nila ni Jed Salang sa fears at insecurities niya pagdating sa pag-ibig. Sabi niya, “Siyempre, alam naman nating bata siya. Marami pa rin siyang makikita, pero siyempre, iba pa rin ang ganda ko! So, yung insecurities ko, nagkapatung-patong…"


Pagkatapos maipalabas ang taped interview ni Jed Salang sa The Buzz kahapon, March 3, live namang na-interview ni Boy Abunda sa studio si Ai-Ai delas Alas.

Ano ang reaksiyon ng komedyana sa pahayag ni Jed na mahal siya nito at hindi ito titigil hangga’t hindi binibigyan ng isa pang pagkakataon?

“I love you too, Babes,” sambit ni Ai-Ai.

“And thank you for not giving up on us. Thank you na hinabol mo ako. Hindi ka nawalan ng pag-asa.

“Thank you for loving…” at dito ay napaluha na ang Comedy Concert Queen.

Bakit siya emosyunal?

“Kasi Ama [tawag ni Ai-Ai kay Boy], ang dami kong insecurities sa buhay.

“Ang dami kong dinaanan pagdating sa lovelife—at alam naman ng buong Pilipinas yun.

“Sobrang takot na takot ako noong nakarelasyon ko si Jed.

“Siyempre, alam naman nating bata siya.

“Marami pa rin siyang makikita, pero siyempre, iba pa rin ang ganda ko!” pagbibiro niya.

Patuloy ni Ai-Ai, “So, yung insecurities ko, nagkapatung-patong…

"Yung tampuhan namin, nagkapatung-patong.

“And then, noong lumipad ako sa Amerika, doon ko na-realize na, siguro bigyan ko ng chance ulit na umibig ako ulit.

“At saka, lahat naman tayo sa buong mundo, walang kasiguraduhan ang buhay.

“Ano ang magiging garantiya ko na kapag hindi si Jed ang nakarelasyon ko—isang matanda o kaedad ko—paano ako magiging sure na magwo-work out kami?

“So, yun nga ang sinabi ko na baka ito ang bigay ni Lord at maging masaya ako sa relasyon namin at ipaglalaban ko ang relasyon namin until the end.”

TIME TO THINK. Yung paglipad ba na ni Ai-Ai sa ibang bansa, pagkatapos ng concert nila ni Psy, ay para magkaroon siya ng oras na makapag-isip?

“Yes, para magkaroon ako ng time,” pagkumpirma niya.

“At isa pa, makausap ko si Miggy [Miguel Vera, her ex-husband] dahil may kailangan din siyang papers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Para rin, sabi mo sa akin, you need to have time na mag-isa, mag-isip—at yun ang ginawa ko.

“At sabi rin ni Father Allan sa akin, kailangan kong lumipad para makapag-isip ako nang maayos.”

Nasabi raw ni Ai-Ai kay Boy, off-cam, na ngayon lang niya nakilala si Jed.

Saad ng komedyana, “Kasi tayong mga babae, minsan mahirap tayong maniwala lalo na kapag may gumagatong sa paligid natin… ‘Naku, ganyan lang ang gusto niyan!’

“So, tayo naman, isip nang isip.

“So ako, ang mga pinagdaanan ko, medyo pang-malakasan na masasakit.

“Medyo na-trauma talaga tayo sa mga lalaki.

“And then, na-realize ko, noong nagkabati kami ni Jed…

“Nagsimba kami sa Baclaran and humingi kami ng guidance, nag-thank you siya kay Lord.

“Doon ko siya nakita na, ‘Wow!’

“Dalaga pa lang ako, nagsisimba na ako sa Baclaran.

“Lahat ng santo dun, dinasalan niya. Yung iba nga, hindi na namin kilala.

“So, nakatitig lang ako sa kanya.

“Sabi ko, ’Ibang tao pala siyang talaga.’

“Sabi ko, ‘Thank you, Lord. Thank you, Lord, nakilala ko siya.’

“At humingi ako ng sorry. Na, ‘Sorry, Lord, judgmental ako.

“Dapat, ako ang unang taong mamahalin siya at maniniwala, ako ang nagdya-judge sa kanya.

“Sorry, tao lang.”

FEARS AND INSECURITIES. Ang pinanggagalingan daw ng fears at insecurities ni Ai-Ai ay ayaw na niyang masaktan. Na, in the process, marami raw siyang napaparasuhan.

“Ama, sarili ko rin, pinaparusahan ko. Hirap na hirap ako sa Amerika na mag-isa lang ako,” sabi niya.

Kaugnay ng tampuhan nila, lumabas din ang usap-usapan na sinasaktan at binubugbog diumano ni Jed si Ai-Ai.

Pero sabi ng aktres, “Ama, hindi naman totoo yun.

“Kunwari, bugbugin ako ni Jed, nasa hospital na ako ngayon.

“Ang laki niya, e, 6’2” siya. Nakita mo naman ako, ang liit-liit ko.”

Kinumusta rin ni Boy ang mga anak ni Ai-Ai.

Sabi ng komedyana, “Alam ko hirap din sila at, alam ko, kanya-kanya tayong judge.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam ko, mahal na mahal nila ako and anything na gagawin ko, after now, alam kong maiintindihan nila ako.

“I love you. At alam ninyo naman, later on, mag-aasawa kayo.

“Gusto ko naman, may makasama ako sa pagtanda ko—at si Jed ang makasama ko sa pagtanda ko forever."

Dugtong pa ni Ai-Ai, “And thank you sa family niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN