FORUM: What role do media reporters play this election?

Tingin ni Lourd De Veyra (left) ay “essential but absurd” ang eleksyon, habang sinabi naman ni Paolo Bediones (right) na dapat bigyan ng “informed choice” ang publiko sa pagpili ng iboboto. Si Cheri Mercado naman, gustong ipamulat sa mga tao na mayroon pang maaaring maglingkod nang tapat sa bayan tulad ng yumaong DILG secretary na si Jesse Robredo.


Papalapit na ang eleksyon kaya iba’t ibang electoral campaigns at ads ang nagsimulang magsulputan sa telebisyon, diyaryo, radyo, internet, at maging sa kalsada.

Ang tanong: may epekto ba ito sa mamboboto?

Inilunsad ng TV5 ang kanilang election campaign na “Anong Aksyon Mo?” sa layuning mahikayat ang publiko na maging mapagmatyag ngayong eleksyon.

At siyempre, ang magiging katuwang ng publiko ay ang media.

Kaya naman tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang ilang news anchors ng TV5: “Anong aksyon mo bilang isang mamamahayag?”


“INFORMED CHOICE.” Una naming nakapanayam si Paolo Bediones na nagsabing isa sa mga responsibiledad ng kanyang propesyon ay “bigyan ng tinatawag na informed choice ‘yong mga taong boboto.”

Kaya naman, meron silang mga special reports na magpapaalala kung “ano nga ba ang eleksyon, para saan ba ito, sinu-suno ba ‘yong iluluklok natin sa puwesto.”

Binigay niyang halimbawa ang isang episode ng Baluwarte na nagkaroon ng special report tungkol sa “voting patterns, behavioral patterns ng mga kababayan natin sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas tuwing eleksyon.”

Kuwento niya, “Uhm, in Cebu in particular no’ng shinoot [shoot) ko ‘yong Baluwarte doon, marami rin akong natutunan tungkol sa local politics nila doon.

“Bukod sa sakop lang ng iisang mallit na grupo ang politics doon, ‘yong attitude nila pagdating sa pangangampanya.

“Like ‘yong iba sasabihin nila, ‘O, sige kung may artista ‘yong mga kandidato, manonood kami. Pero hindi katiyakan ‘yan na makukuha nila ‘yong boto namin.’

“So ‘yang mga bagay na ‘yan ay nagpapakita ng tinatawag na voter’s maturity.”

Pinaalala niya rin na hindi dapat magpadala ang mga botante sa “pagarbohan, pabonggahan, pasikatan."

Ang sabi ni Paolo, “Siyempre kailangan ng… ang pinakabasehan, e, mga issues pa rin, mga issues at track record.”


“ABSURD.” Naging prangka naman si Lourd De Veyra tungkol sa kanyang opinyon sa eleksyon.

“Kasi para sa akin napaka-absurdo ng exercise na ‘to, e,” pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It is essential but it’s absurd.”

Kaya naman idadaan na lamang daw niya sa “humor” o pagpapatawa ang pagsisiwalat sa “absurdities” ng eleksyon.

At umaasa daw siya na sa ganitong paraan, “itong pag-point ng absurdities will lead to flashes of enlightenment.”


JESSE ROBREDO. Isang inspirasyon naman daw para kay Cheri Mercado ang yumaong Department of Interior and Local Government Secretary na si Jesse Robredo.

Ang naging panunungkulan daw kasi ni Secretary Jesse ay nagpakita sa publiko na mayroon pang maaaring maglingkod nang tapat sa bayan.

Aniya, “Ipaalala sa taong bayan kung anong klaseng tagapag-lingkod ang puwedeng magkaroon tayong mga Pilipino.

“The type of public servant that we deserve, na present, na mayro’n— puwede, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN