Wendell Ramos on showing his butt in next modelling show: “Anytime, handa ako!”

Ito ang pahayag ni Wendell Ramos tungkol sa paglipat niya ng network: “Sa akin, parang lumipat ka lang ng school... na okay lang naman kung iwan ko itong mga classmates ko dito. Lilipat muna ako ng ibang school para lang ano... tutal nagsisimula lang ulit itong school na ito... And ngayong naging successful na and hopefully dire-diretsong maging successful ang TV5. Para maging part ka sa success noong network na iyon... parang fulfillment na rin sa amin iyon. Iyon lang.&rd


Isa sa mga original hunks ng Bench si Wendell Ramos.

Ngayong mas maraming bago at younger male models o endorsers ang sikat na clothing line, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Wendell kung ano ang komento niya tungkol dito.

Tugon niya, “Comment ko? Ang comment ko, sana hindi nila kami makalimutan.

"Hindi, joke lang!

“Ano lang, well, ang comment ko, parang ano lang, I’m happy for them dahil nagkaroon ng resulta yung sinimulan ni Goma [Richard Gomez].

“At tayo ay sumuporta din doon and I heard... ewan ko kung tototo talaga yun, ha?

“Well, sana totoo rin na marami ring naghanap noong last fashion show.”



NO-SHOW. Bakit nga ba wala si Wendell sa nakaraang denim and underwear show ng Bench?

Sagot niya, “Hindi ko alam kung ano’ng nangyari doon sa ano, e, siguro it depends doon sa concept.”

Hindi siya isinama pero available siya that time?

“Two weeks before the show, nasabihan ako ni Perry [Lansigan, Wendell’s manager] so nakapaghanda naman ako ng one week lang.

“Nagkaroon ng bagong... ng changes, e, so I respect them.”

Sinabihan ba siya na hindi na siya kasama?

“Kami. Actually, marami yun, e, yung mga dating mga pioneers.”

Sumama ba ang loob niya?

“No, I do understand kung ano yung ano nila.”



NICE BUTT. Marami tuloy ang naka-miss sa kanyang behind na makinis na naging “tradisyon” sa isang Bench show.

Sabi ni Wendell, “Doon ako natuwa naman.

“Siguro may reason, that’s why [hindi siya nakasama]."

Kumpara sa ibang male celebrities at models na nagpapakita ng butt sa Bench, pinakamakinis daw ang kay Wendell.

“Talaga? Isipin mo yun, ‘no!?

“Well, huwag silang malulungkot dahil next fashion show, yung next fashion show...

“Sinabi ko rin kay Perry, hindi puwedeng hindi ako lalabas—anytime handa ako.”

Handa na ba siyang magpakita ulit ng butt?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Anytime, handa ako!”

THE NEXT ONE. Sa mga baguhang hunks, tuwing may Bench show, sino ang nakikita niyang "next Wendell Ramos"?

“Marami, e. Pero siyempre, ang gumagawa ng ganoon si Jake, e.

“Si Jake Cuenca, kaya masaya rin ako para kay Jake.

“Kahit naman kanino, puwede namang iano yun, wala namang humahawak ng trono na yun.”

Speaking of Jake, may mga nagsasabi na mas makinis ang butt ni Wendell kaysa kay Jake. Ano ang reaksiyon niya dito?

“Well, hindi ko pa naman napagko-compare yung puwet namin sa isa’t isa, di ba?” sabay tawa ni Wendell.

Ano ang sikreto ng makinis niyang behind?

“Wala, hindi naman ako nagpapaano... hindi ako nagpapa-derma ng puwet, e!” at muli itong tumawa.

“So salamat.

"So, hayaan ninyo, sa susunod na fashion show, dapat mas maganda yung gagawin ko, di ba?”



TV5 SERIES. Gumaganap si Wendell bilang si Rodel/Grabaman sa fantaserye ng TV5 na Kidlat.

Sa mga unang paglabas ni Wendell sa show ay medyo mataba siya, pero biglang-bigla, bilang si Grabaman ay naging hunky na siya ulit.

Ano ang sikreto sa mabilis niyang pagbabawas ng timbang?

“Siguro na-inspire lang ako doon sa mga taong nagtitiwala sa akin na bigyan ako ng project.

“Tsaka, ewan ko, paggising ko, biglang nawala na yung taba ko,” tawa ulit ni Wendell.

“Hindi ako nagda-diet, e, so siguro dahil lang sa lifestyle, unang-una sa lifestyle.

“Feeling ko, dahil more on nagte-training ako...

"Bahay-gym lang ako. Hindi ako nagwo-work-out, boxing, ganoon lang... cardio.”



POSSIBILITIES. Non-exclusive ang kontrata ni Wendell sa TV5.

“But so far, parang ganoon na nga," sabi niya.

Nami-miss ba niya GMA-7?

Sagot ni Wendell, “Nami-miss ko yung mga nakatrabaho ko.

"Yung GMA, para din naman akong nasa GMA, ganoon rin kasi yung pag-aasikaso ng TV5.”

So may chance na mapanood pa rin siya sa Kapuso network?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well hopefully, puwede yung ganoon, inisip ko na yun minsan.”

Sa ABS-CBN?

“Mga promo-promo lang.”

Muntik na nga ba siyang lumipat sa Dos?

“Muntik na nga yata.”

Na siya sana ang gaganap sa guest role ni Luis Manzano sa Be Careful With My Heart?

“Ah, oo, para nga yata! Hindi ko lang alam kung ano’ng nangyari.

“Siguro nga dahil sa TV5, dahil merong tatamaan na show, kasi ganoon yun, e, I heard parang ganoon.”



COMPARISON. Ano ng malaking pagkakaiba ng GMA-7 sa TV5? Talent fee ba?

Sagot ni Wendell, “Alam mo, isa sa isyu ‘yan, e... yung tinatanong bakit ako lumipat.

“Siguro ako, for me kasi, naging very supportive naman ang GMA, tumagal kami doon.

“May mga times lang na minsan hindi maintindihan, akala mo… but it’s part of our job naman...

“Na nami-misunderstood mo, pero at the end of the day, maiisip mo, ‘A, naging very supportive naman itong network na ito sa amin!’

“Ngayon sa TV5, kaya rin ako… kasi tinanong rin ako ni Perry e, pinagmitingan namin ‘yan na kung lilipat ba ako.

“Sa akin, parang lumipat ka lang ng school... na okay lang naman kung iwan ko itong mga classmates ko dito.

“Lilipat muna ako ng ibang school para lang ano... tutal nagsisimula lang ulit itong school na ito...

“And ngayong naging successful na and hopefully dire-diretsong maging successful ang TV5.

“Para maging part ka sa success noong network na iyon... parang fulfillment na rin sa amin iyon. Iyon lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN