Marian Rivera agrees to guest on Vilma Santos’s first indie film for free: “Siyempre, Ate Vi ‘yan, ano!"

Hindi raw nagdalawang-isip si Marian Rivera na tanggapin ang guest role sa kauna-unahang indie film ni Vilma Santos. Sabi ni Marian, “Siyempre, Ate Vi ‘yan, ano! So, bakit ka pa magse-second thought, isang Vilma Santos na ang makasama mo na halos pangarap din namang makasama ng mga kagaya ko, di ba? Kaya walang second thought talaga.”


Pinasyalan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang shooting ng indie film na Ekstra, entry sa Cinemalaya 2013, sa isang napakalaking mansiyon sa Marikina Heights noong Sabado, March 2.

Ang Ekstra ang kauna-unahang indie film ng Star For All Seasons at Batangas governor. Idinidirek ito ng award-winning director na si Jeffrey Jeturian.

Inabutan naming kinukunan ang eksena ng guest stars sa pelikula na sina Cherie Gil, Pilar Pilapil, at Marian Rivera. Ito ang eksena na kunwari ay reception ng kasal nina Marian at Tom Rodriguez.

Pagkatapos ng eksena ay mismong si Marian ang lumapit sa PEP para sa isang panayam.

Una muna naming kinumusta sa Primetime Queen ng GMA-7 ang pakikipagtrabaho sa unang pagkakataon kay Ate Vi.

Sabi ni Marian, “Actually, hindi yun dahil sa trabaho kundi doon sa role.

“Kasi ang eksena namin together is parang nag-serve lang siya sa akin ng isang drink tapos um-exit na siya.

“Pero ang behind the scenes ang gusto ko, kasi pagtuntong ko lang sa set…

“Siya ang lumapit sa akin, at sabi niya, ‘Hi Marian, thank you sa pag-guest mo.’

“Thank you siya nang thank you sa akin.

“Sabi ko, ako nga ang dapat magpasalamat sa kanya. Ang bait-bait niya talaga.

“Kaya ngayon, masasabi ko na artista na talaga ako kasi nakasama ko na ang isang Vilma Santos kahit sa isang eksena lang.

“Meron pa yata kaming isa pang eksena, sa tubuhan with Piolo Pascual na.

“Yun ang pinakamahaba naming eksena.”

Kagaya ni Marian ay guest din sa pelikula ang Kapamilya star na si Piolo Pascual.



FOR THE LOVE. Ayon kay Marian, “for the love of” lang ang dahilan kung bakit pumayag siyang maging guest sa Ekstra. Ni isang kusing daw ay hindi siya humingi ng talent fee.

“Gusto ko lang talagang makatrabaho si Ate Vi,” sambit ng Kapuso actress.

Dagdag pa ni Marian, nang kinausap siya para sa naturang guest role sa Ekstra—kung saan ginagampanan niya ang bida ng “teleserye” na Nauna Kang Naging Akin Book 2—ay tinanggap daw niya agad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, Ate Vi ‘yan, ano!

“So, bakit ka pa magse-second thought, isang Vilma Santos na ang makasama mo na halos pangarap din namang makasama ng mga kagaya ko, di ba?

“Kaya walang second thought talaga.”

Dagdag pa ni Marian, “Sa totoo lang, ang dami kong nadidinig na magaganda tungkol kay Ate Vi sa mga nakakasama na niya sa pelikula.

“Kaya ako, gusto ko ring ma-experience kung paano makatrabaho ang isang Governor Vilma Santos-Recto.

“Hindi talaga ako nagkamali.

“Sobrang maasikaso talaga siya at mahal niya lahat ang mga kasama niya sa trabaho.

“Nagdadala siya ng food sa akin. Dinalhan niya ako ng leche plan…

“Tapos sabi niya, ‘Sandali, sandali, ito pa, kalamay pa. Mag-uwi ka nito sa bahay n’yo.’


“Sobrang thoughtful talaga niya.

“Kaya tuwang-tuwa talaga ako dahil nakasama ko na ang isang Vilma Santos.

“At sabi ko nga, masasabi ko na sa sarili ko na artista na talaga ako.”



PIOLO PASCUAL. Ano naman ang mga eksena nilang dalawa ni Piolo, kung saan first time din niyang makatrabaho sa isang pelikula?

Sabi ni Marian, “Loveteam kasi kami dito sa kunwaring isang serye sa TV.

“Ayaw sa kanya ng mommy ko… may magandang twist dito na mangyayari, pero hindi ko pa puwedeng sabihin.”

Maraming beses na rin namang nakasama ni Marian si Piolo Pascual sa mga commercials at ilang shows, pero itong Ekstra ang una nilang pagsasama sa pelikula.

Balitang may kissing scence daw silang dalawa ni Piolo dito. Totoo ba?

“Naku, hindi ko pa po alam. Depende pa rin sa direktor [Jeffrery Jeturian] dahil siya ang nagsasabi ng instruction,” sabi ni Marian.

What if meron nga silang eksenang halikan, hindi kaya aayaw bigla si Marian?

“Hindi naman. Kasi ako naman, ang trabaho is trabaho talaga.

“Kumbaga, eksena lang sa pelikula yun at kung ano man ang command ng isang direktor, e, dapat sundin mo at puwede rin namang pag-usapan, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa dami ng commitments niya, lalung-lalo na ang every other day taping niya ng Temptation of Wife, paano niya naisingit sa schedule niya ang tatlong araw na shooting ng Ekstra?

“Naku, ipinasingit ko talaga. At sabi ko, kailangang magawan ng paraan.

“Medyo iniatras ko yung ibang schedules ko, kapalit ng mga araw ng shooting ko dito sa Ekstra,” sabi niya.



BEST ACTRESS. Isang araw bago namin nakausap si Marian ay nagwagi siyang Best Actress sa 2013 Golden Screen TV Awards para sa Amaya.

Ito ang unang acting award ni Marian.

Saad niya, “Oo nga, first time ko talagang tumanggap ng award at Best Actress pa.

“Tuwang-tuwa talaga ako… after seven years.

“Siyempre po, ang sarap-sarap talaga, lalung-lalo na sa Amaya ko pa nakuha na alam n’yo naman ang hirap ko doon, di ba?

“Kumbaga, tumakbo ng nine months ang Amaya at sa hirap ng mga dinanas ko sa serye na yun, e, at least may naging bunga—ito ngang award ko.”

Maganda rin ang ipinapakitang akting ni Marian sa kasalukuyang teleserye niya sa GMA-7, ang Temptation of Wife.

Umaasa ba siyang makakuha rin ng award para rito?

Sagot niya, “Well, mahirap din namang magsalita.

“Kasi ang alam ko, ang awards e botohan ‘yata ‘yan ng mga press people at depende pa rin sa performance mo.

“So, sabi ko nga, kung ibibigay talaga sa ‘yo e ibibigay talaga sa ‘yo.

“Pero kung hindi naman e dapat pagbutihin mo pa, lalo ang mga susunod mong gawin… baka doon ka naman nila mapapansin,”

Kumusta naman sila ngayon ng boyfriend niyang si Dingdong Dantes?

Sagot ni Marian, “Ganun pa rin naman kami.

“Ini-enjoy muna namin ngayon ang buhay-buhay. Naggagala-gala muna kami kung saan-saan.

“Saka na ang pagseseryoso at darating din kami diyan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN