JC de Vera’s contract with TV5 expires this month; accepts new TV series while negotiating for new contract

“Until March 15 ang end ng contract ko, pero as long as gusto nila akong bigyan ng show, gagawin ko pa rin para sa kanila. Habang wala pa talagang concrete plan na kung anong balak talaga namin ni Tita Annabelle. Pero right now, eto, bilang pasasalamat sa TV5, tinanggap namin ito," pahayag ni JC de Vera kaugnay ng pagtanggap niya ng bagong proyekto sa kabila ng pag-e-expire ng kontrata niya sa Kapatid network ngayong buwan.


Mag-e-expire na sa March 15 ang kontrata ni JC de Vera sa TV5.

Pero bilang pasasalamat at pagtanaw ng utang na loob ay tinanggap pa rin nila ng kanyang manager na si Annabelle Rama ang upcoming primetime fantasy series ng TV5, ang Cassandra: Warrior Angel, na pagbibidahan ng Kapatid Princess na si Eula Caballero.

Sa Mayo pa nakatakdang ipalabas ang show.

Sabi ni JC sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Until March 15 ang end ng contract ko, pero as long as gusto nila akong bigyan ng show, gagawin ko pa rin para sa kanila.

“Habang wala pa talagang concrete plan na kung anong balak talaga namin ni Tita Annabelle.

“Pero right now, eto, bilang pasasalamat sa TV5, tinanggap namin ito.

"And knowing na mag-e-end yung contract ko ng March 15, nandito pa rin ako.

“Alam kong masasagasaan pero willing pa rin akong gumawa ng show para sa kanila.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si JC sa story conference at pictorial ng Cassandra last week.

Malaki naman daw ang posibilidad na muli silang mag-renew ng kontrata sa TV5 dahil maganda naman ang naging relasyon niya sa Kapatid network at maayos ang naging pag-aalaga sa kanya.



THE GUARDIAN ANGEL & LOVER. Hindi raw inakala ni JC na aalukin siya ng project ng TV5 dahil nga pa-expire na ang kontrata niya. Hindi niya rin agad nalaman na ang Cassandra pala ang susunod niyang teleserye.

Aniya, “Sinabihan lang ako na meron akong gagawin na show. Pero hindi ko alam kung ano yung exact project na gagawin. So, eto pala yun.”

Nagustuhan daw agad ni JC ang role niya nang ipaliwanag ito sa storycon.

“Nae-excite ako kasi interesting yung character. Isa raw akong angel, ako si Gabriel.

“Ako yung magiging guide ni Eula sa buong show. Ako yung magtuturo raw sa kanya kung paano lumaban, kung paano maging strong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Eto, bago rin sa akin kasi buong show, bulag ako.

“Medyo challenging siya—bulag na marunong makipaglaban.

“So, it’s a different character na naman for me. Another experience na naman para sa akin.”

Isa si JC sa apat na leading men ni Eula sa show, kabilang din sina Daniel Matsunaga, Victor Silayan, at Albie Casino.

“Ako ang kanyang lover na hindi nagsasabi sa kanya. So, ako yung magiging guide at magiging lover ni Eula,” sabi ni JC.



HAPPY FOR EULA. Natutuwa rin si JC na muli niyang makakatrabaho si Eula galing sa kanilang tambalan sa Enchanted Garden.

Pahayag niya, “Sabi nila, okay naman daw yung naging team-up namin ni Eula.

“So, I’m very excited na makatrabaho siya ulit. And I’m also proud kay Eula dahil nakuha niya yung title role.

“Malaking bagay iyon para sa kanya and para sa aming lahat.”

Malaking karangalan din kay JC na makakasama niya sa serye ang magagaling na mga artista na sina Gabby Concepcion, Eula Valdes, William Martinez, Art Acuña, Alwyn Uytingco, Mercedes Cabral, Biboy Ramirez, at Rocky Salumbides.



LONG BEEN PREPARED. Isa pang ikinae-excite ni JC sa Cassandra ay ang gagawin niyang action scenes sa show.

Tamang-tama nga raw ang ginawa niyang pagte-training bago pa in-offer sa kanya ito.

Saad niya, “After talaga nung Valiente, napahinga ako, di ba?

“So, ginamit ko yung spare time ko to train, nag-boxing ako, nag-Muay Thai ako.

“Basta nag-training ako na hindi ko alam kung ano ba talaga yung pinaghahandaan ko. Basta gusto ko lang maging prepared.

“And yun, maganda yung nangyari kasi etong character ko pala dito, magagamit ko pala talaga siya [training].

“And at the same time, naging mas fit ako lalo—pumayat, naging lean— so naging perfect siya para doon sa character.

“Naging perfect yung timing ng training ko.

“Actually, ahead ako sa kanilang lahat kasi ako yung pinakamatagal na nagte-train.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naging blessing lang talaga itong show na ito para sa akin kasi eto yung inaantay ko e. So, excited ako.”



WINNING A BOXING MATCH. Dahil nga sa kanyang matagal na training, wala ba siyang balak na pasukin ang seryosong kumpetisyon sa boxing o Muay Thai?

Sabi ni JC, “Nag-compete ako once sa boxing noong November last year.

“So, after nung Valiente, nag-train ako for that competition.

“So, itinuluy-tuloy ko na rin siya hanggang ngayon.”

Nanalo ba siya sa sinalihan niyang competition?

“Yeah, oo, nanalo ako!” proud na sabi ng Kapatid actor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN