Oyo Sotto on dad Vic Sotto: “Kahit na mali ang desisyon niya o tama, respeto pa rin.”

Sa bagong sitcom ng GMA-7 na Vampire Ang Daddy Ko ay gaganap si Oyo Sotto bilang ama ng kanyang tunay na ama na si Vic Sotto. Sabi ni Oyo tungkol dito, “Nagulat ako, tapos parang iniisip ko rin, nakakatuwa. Kasi, parang alam ng tao, siya ang tatay ko. So, siguro kapag napapanood nila, mawi-weirduhan sila na tinatawag ko siyang ‘Anak.’ Tapos siya naman, ang tawag niya sa akin, ‘Daddy.’ Maiba lang!”


Long hair ngayon ang aktor na si Oyo Sotto.

Hindi pa raw niya ito mapagupitan dahil kailangan sa karakter niya bilang si Vlad, isang semi-retired vampire at padre de familia, sa bagong sitcom ng GMA-7 na Vampire Ang Daddy Ko.

Sa sitcom na ito ay si Oyo ang gaganap bilang ama ng kanyang tatay sa totoong buhay na si Vic Sotto.

Sabi ni Oyo tungkol sa role nilang mag-ama, “Nagulat ako, tapos parang iniisip ko rin, nakakatuwa.

“Kasi, parang alam ng tao, siya ang tatay ko.

“So, siguro kapag napapanood nila, mawi-weirduhan sila na tinatawag ko siyang ‘Anak.’

“Tapos siya naman, ang tawag niya sa akin, ‘Daddy.’ Maiba lang!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Oyo sa presscon ng Vampire Ang Daddy Ko sa Dulcinea restaurant sa Tomas Morato, Quezon City kahapon, March 4.

Kuwento pa ni Oyo, naka-ilang takes silang mag-ama noong mga una nilang eksena.

“Naka-ilang takes din kami noong tinatawag ko siyang ‘Anak.’ Parang hindi sanay, e.

“E, medyo madrama pa ang linya. Parang mahirap magseryoso.”



REAL FATHER. Sa totoong buhay, isa na talagang ama si Oyo sa dalawang anak nila ng kanyang misis na si Kristine Hermosa—ang adopted son nilang si Kiel at ang daughter nilang si Ondrea.

Kumusta naman ang pagiging tatay sa totoong buhay?

“Mahirap na masarap… masaya,” sambit ni Oyo.

“Wala naman talagang trabahong madali.

“Mahirap na masaya kasi nag-iiba ang priority mo.

“Dati, noong wala ka pang anak, inaatupag mo, sarili mo lang.

“Ngayon, lahat ng kikitain mo, iisipin mo na kailangang itabi mo na.

“So, yun… pati pagkain nila, kakainin nila, mga damit, yung school…

“E, yung adopted namin, ano na, e, pumapasok na. Magpa-five na siya sa August.”

Si Ondrea naman ay one year and two months old na raw.

Kumusta ang first birthday celebration ni Ondrea?

Sagot ni Oyo, “Oo, maliit lang. Mga relatives and close friends lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Napag-usapan lang din namin ni Tin, kasi gusto rin namin na memorable sa bata na, at least, paglaki niya, kilala niya yung mga nandoon, di ba?

“Baka mamaya, paglaki niya, sabihin niya, ‘Sino ‘to?’

“Mahirap, e, mahirap din palang mag-ayos ng mga party.”



HOW IS KRISTINE? Si Kristine naman, simula nang magpakasal sila ni Oyo hanggang mabuntis at makapanganak ay hindi pa bumabalik sa pag-aartista.

Wala na bang plano si Kristine na mag-full-blast muli sa kanyang showbiz career?

Sabi ni Oyo, “Actually kasi, may gagawin na siya sa Channel 2, yung mga webisodes. Yung tinatawag nilang webisodes sa Internet.

“Yun lang ang medyo naano… medyo nagkaanuhan lang sa schedule. Nag-training na kasi siya.

“Medyo ma-action lang ang gagawin niya. Hindi naman super-action, pero parang ganoon.”

"Pero webisodes lang din yun, sa online ipapalabas.”

Wala bang balak na gumawa ng teleserye o pelikula ang misis niya?

“Meron naman… actually gusto na rin niya.

“Yun lang, siguro naghihintay lang din siya ng magandang materyal.

“Kasi, parang gusto naman niya na bago naman ang puwede niyang gawin.”

Nalaman din namin kay Oyo na wala nang kontrara sa ABS-CBN si Kristine kaya puwede itong magtrabaho kahit saang network.

May sarili nang bahay sina Oyo at Kristine sa Alabang, Muntinlupa na malapit daw sa bahay ng ama niyang si Vic Sotto.

Katuwiran ni Oyo, para raw anytime na ma-miss sila ng ama ay malapit lang sila.



LOLO VIC. Kumusta namang lolo si Vic?

“Si Daddy, kapag nakikita niya ang mga bata, feeling ko, parang nagpa-flashback sa kanya noong baby kami.

“Siguro, na-miss niya ang time na maliliit pa kami. Bubuhatin niyang talaga. Iki-kiss niya nang iki-kiss.

“Yung alam mong sobrang mahal niya ang mga bata... nakakatuwang panoorin.”

Nang-i-spoil ba ito ng mga apo?

“A, hindi naman, hindi naman.

“Yun ang maganda, hindi niya ini-spoil. Hinahayaan niya kami na kami ang bahala sa mga bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero pagdating sa laro, ‘Sa akin na ‘yang mga bata.’”

Tuwing Linggo ba ay nagkikita-kita sila?

Sabi ni Oyo, “Hindi naman every Sunday, pero tina-try namin na almost sana two or three times sa isang buwan.

“Kasi, very busy na rin si Daddy talaga.

“Tapos kami naman, hindi na rin ganoon kadali ang schedule kapag may pamilya na.

“Parang mas nauuna muna kung ano ang kailangan ninyong gawin.”



PAULEEN LUNA. Nangiti naman si Oyo nang sabihin namin sa kanya na nang huling makausap ng entertainment press si Pauleen Luna, ang girlfriend ng daddy niya, sinabi nitong naramdaman niya ang sinseridad sa pahayag ni Oyo na hindi ito galit sa kanya.

Sabi naman ni Oyo, “Hindi naman talaga ako galit. Wala naman akong dahilan para magalit.

“At saka, siyempre, ang daddy ko naman, tatay ko ‘yan.

“So, kung saan siya, kung ano ang gusto niya, siyempre rerespetuhin namin yun.

“Siguro ang nangyayari, parang ilang lang.”

Bilang magkasama silang mag-ama ngayon sa taping, napag-uusapan din ba nila si Pauleen?

“Hindi, e,” sagot ni Oyo.

“Kasi, kami naman, hindi naman talaga kami nag-uusap ng mga ganyan.

“Kahit ako rin naman, like noong nag-aaral pa ako, kapag pumupunta ako sa kuwarto niya, sasabihin niya, ‘Ano, may nabuntis ka? May nangyari ba?’

“Sabi ko, ‘Hindi, Dad, wala.’

“Sabi ko, ‘Balak namin ni Tin [Kristine] na magpakasal.’

“So, nagulat siya. Sabi niya, ‘Ha? Bakit? Paano mo naisip na pakasal?’

“So, yun, sabi ko, ‘Dumating na ako sa stage na gusto ko nang mag-asawa. Gusto ko nang mag-settle down.’

“Yun, nagulat siya.”

Paano kung isang araw ay ang daddy naman niya ang magsabi sa kanya na gusto na nitong magpakasal?

“Siyempre, magugulat ako.

“Pero, yun nga, siyempre yung respeto pa rin ang mangingibabaw.

“Hindi ko puwedeng tanggalin ang respeto ko kay Daddy.

“Kahit na mali ang desisyon niya o tama, respeto pa rin,” saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa nakaraang panayam din ng PEP kay Pauleen, nabanggit nito na kapag may family gathering ay hindi siya sumasama kay Vic.

Kaya tanong namin kay Oyo, kung sakali ba ay okay lang sa kanila na isama ng ama si Pauleen kapag may family gatherings?

Sagot niya, “Oo naman, na kay Daddy naman yun kung gusto niyang isama o hindi.

“Wala naman sigurong magiging problema.

“Siguro, kapag tumagal-tagal.

“Kasi, naalala ko rin naman kay Pia [Guanio, Vic’s ex-girlfriend], mga one year din bago ko nakita sa mga family gatherings.

“Baka tumatayming lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN