Vic Sotto says he had no contribution in Pauleen Luna’s new house

Vic Sotto says he is a one-woman man: "Palagi naman akong isa lang. Parati namang wala akong on the side. Kahit sa pagkain, may nagustuhan ako, yun lang. Isang putahe lang. Mahirap yung paiba-iba, baka maimpatso ka."


Mariing sinabi ni Vic Sotto na wala siyang kontribusyon sa bagong bahay ng girlfriend niyang si Pauleen Luna.

Ang naturang three-story, four-bedroom house ni Pauleen sa Quezon City ay tampok sa March 2013 issue ng YES! Magazine.

Sinabi ng ina ni Pauleen sa naturang interview na “ni singko” ay walang kontribusyon ni Vic sa bago nilang bahay.

Ito ay kinumpirma ni Vic sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, March 4, sa Dulcinea, Tomas Morato para sa kanyang bagong sitcom sa GMA-7 na Vampire Ang Daddy Ko.

Sabi ng comedian-TV host, “Wala. Nakakahiya naman sa magulang nun. Wala akong kinalaman dun.

“Matagal na nilang pinapagawa yun… yung magulang niya, siya [Pauleen].

"Hindi naman maganda kung dinadamay ako roon.

“I don’t want na nadi-discredit sila sa pinagpaguran nila. Mayaman yung pamilyang yun!”

Naiilang ba ang parents ni Pauleen sa kanya?

“Ilang pa rin!” pag-amin ni Vic.

Sa interview pa rin sa YES! Magazine, sinabi ni Pauleen na nakikita niya ang sarili na may husband at sariling mga anak in the future.

Ano ang masasabi ni Vic tungkol sa pahayag na ito ni Pauleen?

“Hindi ko pa nababasa iyan. Bigyan mo ako ng kopya para masagot ko iyan!” natatawang sabi ni Vic.

Sa kasalukuyan, si Pauleen ay 24 years old samantalang si Bossing ay 58 years old. Paano niya hina-handle ang age gap nila ni Pauleen?

Sagot ni Vic, “Why do you want me to deal with it? Hindi issue. Pagdating ng araw, magkikita rin yun.”

Ang pag-iibigan ba nila ni Pauleen ay maikukumpara sa pag-iibigan noon nina Dolphy at Zsa Zsa Padilla?

Aniya, “We’ll see. Makikita natin. Hindi naman ako manghuhula para hulaan.”

Nakikita ba niya na si Pauleen ang makakasama niya habang buhay?

“Hindi natin alam. Ipapaalam ko sa inyo. Malalaman n’yo naman,” sabi niya nang nakangiti.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kasalukuyan ay napapanood si Pauleen sa Kapuso afternoon soap na Unforgettable. Kapag may kissing scene ang girlfriend niya sa teleserye ay papanoorin rin ba niya?

“Artista yun,” sambit ni Vic.

Hindi rin daw niya pagbabawalan si Pauleen sa mga ganung eksena.

Balang-araw ba ay gusto ni Vic na isama si Pauleen upang maka-bonding ang mga anak niya na sina Oyo Sotto at Danica Sotto-Pingris?

Ayon kay Oyo, hanggang ngayon kasi ay hindi pa dinadala ni Vic ang girlfriend na si Pauleen sa kanilang family gatherings.

(CLICK HERE to read related article.)

Tugon ni Vic, “Bakit hindi? Wala namang masama. Wala naman silang problema sa isa’t isa.”

Katrabaho ni Vic ang kanyang anak na si Oyo sa upcoming GMA-7 sitcom na Vampire Ang Daddy Ko. Kapag off-cam ba ay tinutukso siya ni Oyo tungkol sa kanyang love life?

Sagot niya, “Hindi rin. Sa ganung bagay, hindi kami nagtutuksuhan. Nagrerespetuhan kami.

“Kahit naman noong araw, kahit wala siyang asawa, hindi ko naman ugali yung nakikialam sa personal na buhay ng mga anak ko.

“Kung ano ang ibinibigay mo, yun yung ibabalik sa iyo. Nandun yung respeto.

“Not unless, kailangan pag-usapan.

"Ngayon naman, walang seryosong bagay na dapat pag-usapan.”

LEADING LADY. Na-consider ba si Pauleen na maging cast ng show ni Vic?

Sabi ni Vic, “Not really, kasi [si Pauleen] is more on the telenovela. Mas nandun siya, so baka magkaroon ng conflict sa mga ginagawa niya…may binabagayan.”

Magkakaroon kaya ng chance na magkasama si Vic at Pauleen sa isang proyekto?

“Depende. Ako kasi, nauuna ang konsepto bago ang casting.

"Kung ano man ang konsepto, kung ano ang nababagay, tulad dito sa Vampire Ang Daddy Ko, naghahahanap sila ng Koreana, kasi marami tayong mga kaibigang mga Koreano ngayon. ”

Ang FHM babe na si Jinri Park ang leading lady ni Vic sa bago niyang sitcom. Does he find her attractive?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She’s okay. I get to listen to her sa radio. Madaldal ‘yan, e.

"Pero sa tunay na buhay, ang palaging kausap niya, si Ryzza [Mae Dizon].

"Nakakatuwa, yung isa Tagalog, yung isa English. Nagtuturuan ng English saka Koreano.”

Nag-iingat ba si Vic na huwag ma-link kay Jinri?

“Hindi na uso yun! Hindi na bagay sa akin yung link-link na ‘yan.”

Ibig sabihin ba nito ay nasa isang babae lang ang focus ngayon ni Vic?

“Palagi naman akong isa lang. Parati namang wala akong on the side.

"Kahit sa pagkain, may nagustuhan ako, yun lang. Isang putahe lang. Mahirap yung paiba-iba, baka maimpatso ka.”

Hindi ba siya masawain sa pagkain?

“Hindi! Kapag masarap ang kinakain mo, bakit ka magsasawa?” sagot ni Vic.



“LAHING BAMPIRA.” Sa sitcom na Vampire Ang Daddy Ko, magkakaroon ba si Vic ng kissing scene with Jinri?

“Hindi, telebisyon ito, e. Sabi ko nga, pang-all ages permitted.”

Napanood ba niya ang movie version ng Twilight, na tungkol sa pag-ibig ng isang human girl at vampire boy?

“Yung una, napanood ko. Usually naman, yung una yung napapanood ko.”

Half-vampire, half-human ang karakter ni Vic sa GMA-7 sitcom na Vampire ang Daddy Ko, na mapapanood na simula ngayong Sabado, March 9.

Nang tanungin si Vic kung bakit parang hindi siya tumatanda, biro ni Vic: “May lahi akong bampira. Sumisipsip ako ng kabanguhan!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN