Robin Padilla’s plan to fly to Malaysia foiled by presence of PNP in airspace of Malaysian Embassy


Suportado ni Robin Padilla ang laban ni Sulu Sultan Jamalul Kiram III sa pagbawi nito sa North Borneo.

Patunay nito ang pagbisita ng aktor sa tahanan ng mga Kiram noong March 2.

Dinalaw ni Robin ang sultan na nagkumbinsi sa kanya na mag-convert sa Islam religion nang makulong siya noong 1995 sa New Bilibid Prisons, sa Muntinlupa, dahil sa kaso ng illegal possesion of firearms.

Nagbigay si Robin ng kalahating milyong piso para sa medical expenses ni Sultan Kiram III.

Sa panayam sa kanya ng media, nilinaw ng action star na walang nag-utos sa kanya. Binisita raw niya ang sultan para makita at suportahan ito,

Nagpahayag si Robin ng kalungkutan sa kaguluhan na nangyayari dahil kapwa Pilipino ang pinapatay sa Sabah.

Nasasaktan daw siya dahil mga Muslim ang pumapatay sa kapwa Muslim.

(CLICK HERE to read related story.)

PEACEFUL SOLUTION. Si Ricardo "Dick” Penson ang senatoriable na sinusuportahan ni Robin. Si Dick ang ex-husband ng aktres na si Dina Bonnevie.

Noong isang araw itinatag ni Dick at ng ating mga kapatid na Muslim ang 1st of March Movement, isang kilusan para sa mapayapang rebolusyon.

Ayon kay Robin, isinusulong ng 1st of March Movement ang mapayapang pagkilos para sa pagbabangon ng ating kultura, tapang, at talino bilang mapayapang Pilipino.

Naniniwala sina Robin at Dick na may "peaceful solution" sa isyu ng pagbawi ni Sultan Kiram sa North Borneo.

Two days ago, inilagay ni Robin sa kanyang Instagram account ang litrato at detalye ng pakikipag-usap ni Dick kay Chairman Nur Misuari:

“Still working for the peaceful solution in Sabah. My Maas (Father) Chairman Nur Misuari narrates to my Senator Ricardo Penson the history of Sabah and The Sultanate and ends his statement with ‘If decisions from the highest authority of the land is not done wisely, then it will lead to blunder and blunder can lead to tragedy and massacre of huge number of Filipino citizens in Sabah.’ May the Almighty God enlighten all the figure heads and powerful men of the said conflict..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DARING ACT. Ngayong hapon, March 5, marami ang nagulat sa rebelasyon ni Robin sa kanyang Instagram account tungkol sa plano nila ni Dick na lumipad sa Malaysia, sakay ng helicopter, para magbigay ng suporta sa "rebolosyonaryong kaliwa.”

Hindi natuloy ang daring act ng dalawa dahil sa presence ng Philippine Military Police sa airspace ng Malaysian Embassy.

Sabi ni Robin sa kanyang Instagram account, “Dahil sa paggamit ng airpower ng Malaysia sa ating katutubong Pilipino sa Sabah, tumawag ng protesta sa harap ng Malaysian Embassy ang alamat na si Satur Ocampo.

“Kagyat kaming lumipad ng aking senador at pinuno Dick Penson upang magbigay din ng airpower sa mga rebolosyonaryong kaliwa ngunit sa aming kalungkutan, nakabantay sa airspace ng Malaysian Embassy ang PNP.

“Nalumo ang aming lakas at napilitang umiwas spagkat ang nagaganap ay hindi Pilipino laban sa Pilipino kundi Pilipino laban sa mga dayuhang mananakop. Mabuhay ang Inang bayan Pilipinas."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN