Glaiza de Castro’s new suitor is a member of the Padilla showbiz clan

May bagong manliligaw ngayon si Glaiza de Castro na miyembro ng Padilla showbiz clan. Pero paglilinaw ng aktres, “Never pa naman yata akong lumabas na kaming dalawa lang. Mararamdaman mo naman kung ang taong ito, may koneksiyon sa ‘yo. Along the way, unti-unti kang magle-let go doon sa fears mo. Kasi sa ngayon, talagang careful pa ako, e.”


Nakadalawang taping days na raw si Glaiza de Castro para sa kauna-unahan niyang sitcom sa GMA-7, ang Vampire Ang Daddy Ko.

Sanay si Glaiza sa mga drama series kaya bago raw talaga sa kanya ang gumawa ng sitcom, kahit sabihin pang kontrabida rin ang karakter niya rito.

Sabi niya, “Masaya kasi walang pressure.

“Although, nandoon yung siyempre... medyo kinakabahan ka, like sila Boss Vic [Sotto], Oyo [Sotto], first time kong makatrabaho.

“Pero at the same time, nae-excite ka sa idea na gumagawa ka ng comedy.

“Iba naman yung makikita ng tao sa akin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Glaiza sa presscon ng Vamipre Ang Daddy Ko sa Dulcinea restaurant kahapon, March 4.

Humihirit din ba siya ng mga punchline o ad lib?

“Siyempre, noong una, medyo naninibago, nag-i-stick pa ako sa script, sa karakter.

“Pero siyempre, eventually dahil si Direk Bibeth [Orteza] naman, pagdating sa idea at characterization, punung-puno siya, may mga times na puwedeng mag-deviate sa script at manganak pa ng mga bagong lines.”

BOSSING VIC.Ano ang naging reaksiyon ni Glaiza nang malaman niyang may gagawin siyang sitcom kasama si Vic?

“Masaya, masaya po,” sambit niya.

“Kasi matagal ko na ring gustong gumawa ng isang bagay na malapit sa puso ko, which is comedy. Dito, alam ko na marami akong matutunan. Mae-enhance ko rin ang talent ko pagdating sa comedy.”

Sinubukan namang intrigahin ng iba si Glaiza na si Vic daw ay kilala na nai-in love sa leading lady o co-star nito.

Natawa naman si Glaiza at saka sinabing, “Ganoon talaga?

“E, kaibigan ko naman si Pauleen. At may respeto ako sa kanya.

“At kung anuman ang meron sa kanila, sa kanila lang yun at talagang professional ang relationship ng bawat isa rito.”

Si Pauleen ang girlfriend ngayon ni Vic?

Nagkakakuwentuhan ba sila ni Pauleen?

Sabi ni Glaiza, “Hindi naman, hindi naman kami nagkakakuwentuhan sa personal nilang buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero siyempre, about sa taping, nag-a-update-an kami. Kasi, isang beses nag-Eat Bulaga! ako, parang nakuwento ko sa kanya yung ano namin, yung taping day namin.

“Tapos siya, parang natutuwa rin na bagong show ‘to for Boss Vic. Tapos, fresh ang idea.

“Parang ano raw, nakaka-bagets.”



LOVELIFE. Halatang nailang at nangiti si Glaiza nang tanungin kung may gusto ba siyang i-share pagdating sa lovelife niya. At kung may secret admirer ba siya ngayon.

Aniya, “Meron naman, pero nahihiya ako. Huwag na lang nating anuhin.

“Basta… basta masaya ako sa nangyayari sa buhay ko, sa life ko, in general.”

Blooming lahat sa kanya ngayon—career at lovelife?

“Lovelife? Hindi ko pa masabing blooming, pero sabi nga natin, may perfect timing para sa lahat.”

Nagdi-date na ba sila?

“Kapag sinabi kasing date, parang may pressure, di ba? So, ano na lang, hang-out na lang.”

Nakalabas na silang dalawa lang nung guy?

“Never pa naman yata akong lumabas na kaming dalawa lang.

“Mararamdaman mo naman kung ang taong ito, may koneksiyon sa ‘yo.

“Along the way, unti-unti kang magle-let go doon sa fears mo.

“Kasi sa ngayon, talagang careful pa ako, e.”



FROM THE PADILLA CLAN. Natawa naman si Glaiza nang tanungin kung manonood ba siya ng stage play ni BB Gandanghari, ang Halik Ng Tarantula.

Ang lalaki kasing sinasabing nanliligaw ngayon sa kanya ay isa ring Padilla at miyembro ng isang banda.

“Hindi ko alam!” natatawang sagot ng Kapuso actress.

Nakilala na ba niya ang ilan sa Padilla family?

“Ha? Naku, nahihiya ako. Hindi ako sanay sa ganito!” tawa pa rin niya.

“Ayoko namang bigyan ng pressure. Basta ano lang, relax lang muna.

“Kasi, never naman kaming umano ng mga formal date.

“Bago ko pa lang naman siyang kakilala.

“It takes time to know a person para sabihing itong taong ‘to, gusto ko ‘tong talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Handa na ba siyang umibig muli?

“Hindi natin masasabi, di ba? Kapag nandiyan na, wala ka nang magagawa,” sagot niya.

Walang kaba na isang Padilla ang lalaking nagkakainteres sa kanya ngayon?

Sagot ni Glaiza, “Ayokong i-label na ganoon. Marami pa namang options, di ba? Hindi naman ako nagmamadali.”



TEMPTATION OF WIFE. Sa primetime series naman na Temptation of Wife, dalawa na sina Glaiza (bilang Heidi) at Michelle Madrigal (bilang Chantal) na magiging kalaban ni Marian Rivera (bilang Angeline).

Mas magiging madali ba ito ngayon kay Glaiza, na hindi na lang siya ang kontrabida ni Marian?

Sagot niya, “Parang ganoon pa rin ang pressure sa pang-aaway.

“Kasi ano, e, siyempre, lahat ng ginagawa naming eksena dito sa Temptation, mabibigat.

“So, nandoon pa rin ang preparation, kailangan yung tulungan ng bawat character, bawat actor.”

Kahit paano, nakapag-relax din naman daw siya sa taping nila.

Aniya, “Mga two weeks din yata akong nawala sa Temptation. Pero at least, ayun, pagbalik ko, may buwelo na ulit.”

Hanggang March na lang daw ang taping nila, pero sa pagkakaalam ni Glaiza ay hanggang unang linggo pa ng April ito mapapanood.

“Eight taping days na lang kami, nakaka-miss din,” sabi niya.

Pagkatapos ng Temptation of Wife, kung siya ang pamimiliin, ano ang mas gusto niya—kontrabida pa rin ang karakter niya o bumalik naman sa inaapi siya?

Sabi ni Glaiza, “Siyempre ang gusto ko, yung medyo neutral lang.

“Kasi sa Vampire… ang character ko, kontrabida. Kahit na comedy siya, kontrabida pa rin.

“Gusto ko sana, yung neutral pa rin ang character, yung medyo iba-iba.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN