Randy Santiago directs full-length film for the first time; thankful to Mayor Herbert Bautista for giving him Rakateros

Ang singer/TV host/actor na si Randy Santiago ang direktor ng comedy film na Rakateros, na pinagbibidahan ni Mayor Herbert Bautista, Andrew E., Dennis Padilla, at Ogie Alcasid.


Sa kauna-unahang pagkakataon ay magdidirek ng isang full-length film ang singer-actor na si Randy Santiago.

Nakapagdirek na siya ng mga concert at sitcom, at nakapag-assistant director na rin siya sa mga pelikula noon ng kanyang yumaong ama na si Pablo Santiago.

Pero ngayon lang siya magdidirek ng isang pelikula.

Kasalukuyang tinatapos ni Randy ang comedy film na Rakateros, na pinagbibidahan nina Quezon City Mayor Herbert Bautista, Andrew E., Dennis Padilla, at Ogie Alcasid.

Nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Randy sa shooting ng Rakateros last week, nagpahayag siya ng kagalakan sa pagkakataon at tiwalang ibinigay sa kanya ni Herbert.

Si Herbert kasi ang co-producer ng pelikula sa ilalim ng family-owned film company nilang Heaven’s Best Productions.

Kinuha rin namin ang komento ni Randy sa sinabi ni Herbert tungkol sa kanya na “He is the perfect guy, because he has the eye.”

“Thank you, Mayor, I love you!” nakatawang sabi ni Randy, na kilala rin sa bansag na “Mr. Shades.”

Dagdag niya, “Nakakatuwa lang dahil siyempre very supportive si Mayor.

“Tapos siyempre, very thankful ako na ako ang pinili niya to direct this film.”

Ganoon ba sila ka-close talaga ni Mayor?

“E, bata pa lang si Mayor, kasama na ng tatay [Direk Pablo Santiago] ko iyan.

“So, iyong tatay niya, si Tito Butch [Bautista], barkada ng papa… ginawa nila iyong Lo Waist Gang.

“Noong lumaki kami ay magkakasama rin kami, e.

“Tapos aside from that, si Tito Butch kasi, assistant director ng papa.

“At ako ay naging assistant director din ako. Tumutulung-tulong din ako kay Papa.

“Kasi, ang ginagawa ko noong more than thirty years ago na nag-a-assist ako kay Papa.

“Nagpo-production manager, field cashier… ang dami kong ginagawa, e.”

Lalabas din ba siya dito sa Rakateros?

“Hindi, e, mahirap… mahirap lumabas kung pagtutuunan ko pa ng panahon iyong sarili ko para maipasok.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sila pa lang ay punung-puno na, e.

“Siguro cameo role, one sequence siguro.”

FILM BACKGROUND. Ano iyong last movie na naging assistant director siya?

Ninja Kids [1986], oo, nandun si Mayor Herbert, kaya naisip niya na ako ang kunin dito, e.

“Naging television director ako noon, sitcom, yung mga ganoon.

“Sa Papa ko, matagal akong assistant ng Papa.”

Mga ilang pelikula yun?

“Marami… seven years yun, e.”

Doon siya nahasa?

“Doon ako nahasa, tsaka bukod doon, nag-aral din ako sa La Salle ng Filmmaking. Graduate ako sa De La Salle University.

“At saka yung hilig din, yung mga shots na… siyempre, kahit papaano, madalas akong nanonood ng mga pelikula hanggang ngayon.

“So, ina-apply na natin ngayon.”

Sino ang nakaisip ng concept Rakateros?

“Si Mayor, si Mayor…

“Nag-usap-usap sila noong ginagawa nila yung Shake Rattle & Roll, pagkatapos naisip nila ni Dennis na gumawa ng pelikula. Yun na yun.

“So, tinawagan nila ako, nasa America ako, e, sabi, ‘Randy, uwi ka na dito, meron kaming concept, gawa tayo ng pelikula.’

“Sabi ko naman, ‘Go’!” natatawang kuwento niya.

Masaya ba si Randy na active ulit sa showbiz at nagpo-produce ulit ng pelikula si Herbert?

Sagot niya, “In fact, hindi lang ako ang happy, kung hindi ang industriya ay masayang-masaya na nandiyan si Mayor at active ulit.

“Kasi, marami siyang gustong patunayan at tulungan…

“Kagaya niyang ginagawa nila na after a few years, ngayon lang sila ulit gumawa ng pelikula.

“Iyong mga producers natin, iyong mga nagpo-produce talaga ngayon ay hindi naman kumukuha nang basta-basta, di ba?

“Ang gusto nila ay laging nakikita sa TV… mga ganyan.

“Pero si Mayor, dahil sa mga kaibigan niya, na talaga namang box-office kings din… Di ba, noong mga dekada ‘80… ‘90 iyon?

“So, isinali niya rito para mabigyan ng pagkakataon na makabalik.”

Palagay ba ni Randy ay magtutuluy-tuloy na ang pagdidirek niya ng pelikula?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May pakiramdam tayo!” nakatawang sagot ni Randy.

“Although siyempre, singing is still my priority.

“Pero siyempre, kapag sinabing may project ako, inaayos ko ang oras, yung schedules.

“Pero siyempre, at least ay nagkakaroon ako ng panahon, na nakakapag-show pa rin ako. Napagsasabay naman, e.

“Pero priority ko sila [Mayor Bistek, Ogie, Andrew, at Dennis] dahil kapag nagsama-sama ang apat, iyon kasi ang priority ko muna.”

FRIENDSHIP WITH JOHN & WILLIE. Inusisa rin ng PEP kung kaninong idea na kamukhang-kamukha ni John Estrada ang gawing bangkay na nasa loob ng ataul sa eksenang umiiyak ang dalawang "biyuda" nito na sina Janice de Belen at Cherry Pie Picache.

Si John ang ex-husband ni Janice sa totoong buhay.

Tumawa muna si Randy bago sumagot.

Aniya, “Barkada naman yun, e… Kamukha ba ni John? Actually, sinadya namin iyon.”

Pero nag-react ba si Janice?

“Hindi, hindi… talagang sinadya namin.

“Pati yung pangalan, John din, e, naghanap kami ng medyo hawig.

“Niloloko namin dahil si Janice.

“E, barkada naman natin si John, kaya okay lang.”

Speaking of John, gaano ka-close ulit iyong barkadahan nila nina Willie Revillame?

Matatandaang nagkaroon ng alitan ang tatlo nang tanggapin nina Randy at John ang paghu-host ng defunct ABS-CBN noontime show na Happy Yipee Yehey!.

Sagot ni Randy, “Aba, e, we’re very, very close. Lalo na ngayon, halimbawa, si Willie ay bati na naman kami.

“After two years, e, yun, nagkita na kami, okay na kami lahat.”

Naibalik ba yung dating samahan?

Sabi niya, “Wala namang problema yun. Tampuhan lang yun, e, dahil wala namang…

“Ang kaunting pinag-ugatan nun, siyempre telebisyon din.

“Pero wala naman kaming… hindi man lang kami nang-agrabyado o anuman.

“Trabaho lang talaga din iyon na pinasukan namin.

“Dahil siyempre, gusto rin naming magkaroon ng trabaho…”

Sa nangyaring tampo sa kanila ni Willie noon, nalamatan ba ang friendship nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman malalamatan iyon dahil wala naman kaming naagrabyado sa pamilya-pamilya namin, e.

“So, yung pagmamahal namin sa isa’t isa, pareho pa rin yun.

“At saka iyon, trabaho lang naman iyon, e.”

Kung ayain kaya niya si Willie na mag-cameo sa Rakateros, papayag ito?

“Ay, definitely! Oo! I’m sure, e, hindi naman pera-pera ‘yan. Ang dami-daming pera ni Willie, e.”

Paano niya ide-describe kung anong klaseng kaibigan sina John at Willie?

“Paano ba yun? Hindi, pare-pareho kami, e, mga solid lang… solid kami.

“Na siyempre, alam mo na, kunwari magkakaproblema, nandoon na umaalalay.

“Although wala naman talagang malaking problema na nangyayari sa buhay…

“Tunay na kaibigan sila pareho.

“In fact, siyempre marami tayong mga kaibigan sa industriya, pero siyempre sila yung mga nalalapitan mo. Very close talaga...

“Hindi pang-showbiz lang ito, beyond showbiz pa ‘to.

“May mga special days na gusto namin kami lang, hindi ba?

“Hindi naman kami nagpa-party…

“Gaya ko, hindi naman kami umiinom sa kung saan-saan, hindi naman kami umiikot kung saan-saan.

“So, magpupunta lang kami sa isang bahay, na kung saan mag-a-unwind lang kami, di ba?

“So iinom lang kami ng kaunti… kuwentuhan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN