Amy Perez reveals bout of post-partum depression; announces return to Face To Face

Ikinuwento ni Amy Perez ang mga unang signs ng kanyang post-partum depression. Aniya: “Lagi kasi ako nasa bahay. Di ako makababa ng hagdanan kasi bawal dahil baka nga raw bumuka yung tahi. Kaya yun, iyak ako nang iyak.”


Halos isang taon hindi nakapag-host sa talk show ng TV5 na Face To Face si Amy Perez dahil sa pagbubuntis niya. Kaya pinalitan siya pansamantala ni Gelli de Belen.

Isinilang ni Amy ang pangatlo niyang anak noong January 2 sa pamamagitan ng ceasarean section o CS.

Pangalawang anak niya ito sa current partner na si Carlo Castillo, isang radio host and TV5 police reporter.

Kahapon, March 5, sa taping ng Talentadong Pinoy, kinumpirma mismo ni Amy sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagbabalik niya sa Face To Face.

Guest judge si Amy sa Talentadong Pinoy, na bago pa lang pinarangalang Outstanding Original Reality/Competition Program ng 2013 Golden Screen TV Awards.

Pagkumpirma ni Amy, “After Holy Week, magte-taping na kami ng ilang episodes ng Face To Face and all my other shows dito sa TV5.

“Kasi noong manganak ako through C-section nga, sabi ng doctor ko, magpahinga daw muna ako ng about 70 days.

“So, about more two months yun, e, sabi ko sa kanya, ‘Doc, sa mga regular employees lang ‘yan ginagawa.’

“E, kami, no work, no pay kami.

"Kaya nang i-explain ko sa kanya yun, pinayagan naman niya akong mag-work sa Good Morning Club kasi nakaupo lang naman ako doon."



MORE SHOWS. Humihirit pa sana si Amy na makapag-show pa rin siya ng iba.

“’E, sa Face To Face?’ tanong ko sa kanya. Nami-miss ko na rin talaga ang show.

“Aba, ang sagot sa akin, ‘Naku, ‘wag muna. Baka masyado kang ma-stress, e, bumuka ang tahi.’

“So yun. Hinintay muna namin yung almost three months na pahinga ko, then after Holy Week nga, tuloy na kami.

“Kasi nga, hindi naman pala yung tahi sa bikini type ang nakakatakot kundi yung sugat inside ng ano ko…. ng tahi ko.

“Baka nga raw mag-relapse, bumuka uli, tatahiin uli siya.”



C-SECTION. Buong akala pala niya, normal delivery niya isisilang ang kanyang anak, na plano niyang pangalanang “Isiah.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Amy, “Kasi buong pre-natal checkup ko, normal naman lahat.

“Pero noong delivery time ko na nga, nag-panic yung doctor.

“Kasi akala niya, nakapulupot yung umbilical cord ng anak ko sa leeg niya. So, natakot sila kaya nag-decide sila na i-CS ako.

“Kaya naitanong ko sa kanya later kung bakit bigla akong na-CS. Kasi, akala ko nga normal delivery ako.

“Ang paliwanag niya, kasi daw, every time na nagko-contract ako, bumababa ang heartbeat noong bata.

“Tapos, malaki siya,” na umabot sa 7.3 pounds ang timbang.

“E, sanay ako sa dalawa kong anak na yung isa, 6.3 lang at yung pangalawa, 6.8 pounds.

“So yun… nag-decide na bukain na lang ako.”



POST-PARTUM. Dito na nga naikuwento ni Amy sa PEP na dumaan siya sa post-natal blues.

Ang post-natal blues ay isang kundisyon ng isang kapapanganak pa lang ng babae, kung saan nakakaramdam siya ng matinding depression—usually, after 10 days of birth.

“Lagi kasi ako nasa bahay,” patuloy niyang kuwento.

“Di ako makababa ng hagdanan kasi bawal dahil baka nga raw bumuka yung tahi.

“Kaya yun, iyak ako nang iyak.

“Yun pala, di ko akalain na dumadaan na pala ako sa… yun nga… yung tinatawag nilang post-natal blues o yung post-partum depression.

“Oo, nakaramdam talaga ako. Kasi yung first two pregnancies ko, wala ako noon, e.

“Depressed talaga ako. Feeling ko talaga, e, useless human being ako.

“Parang di kasi ako makakilos, di ko maalagaan yung baby. Tapos, parang feeling ko ay kulang pa yung milk na lumalabas sa breast ko.

“So, parang nagkaipun-ipon na yun.

"So, nag-check kaagad ako sa Internet kung ano ba ‘yang post-partum blues na ‘yan.”



SUPPORTIVE PARTNER. Maging ang kanyang live-in partner na si Carlo ay hindi raw siya maintindihan.

Aniya, “Lagi niya akong tinatanong ba’t daw cry ako nang cry.

“Sabi niya, maghanap kaagad kami ng yaya, pero sanay ako sa two boys ko na ako ang nag-aalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“First three months, ako talaga ang nag-aalaga. Kumuha ako ng yaya after three months na.

“Kaya yun, bothered din siya. Di niya alam kung bakit ganoon ang nangyayari sa akin!” natatawang pagbalik-tanaw ni Amy.

Mabuti at very supporting partner naman si Carlo sa kanya?

“Ay, oo!” bulalas niya.

“Siya yung kahit pagod na pagod na, kasi galing nga sa work, alam ninyo naman ang news reporter, di ba?

“E, talagang nag-aalaga pa ng baby namin… nagpapalit ng diaper…

“Yung talagang masasabi mong hindi talaga niya ako hinayaan sa lahat ng gawain sa bata.

“Di ba, meron nga tayong tinatawag na paternity leave na seven days?

“So, siya yung nag-a-alternate sa pag-aalaga. Tapos, iaabot niya sa akin yung bata para magdede.”



TREATMENT. Ano naman ang ginawa niya para malampasan niya ang sinasabing sobrang depresyon?

Kuwento ni Amy, “Tinawagan ko talaga yung doctor ko at tinanong ko sa kanya kung ano itong nararamdaman ko.

“Sabi ng doctor ko, ‘You have to fight it.’ Kailangan labanan ko. ‘Mag-medidate ka. Look at your baby and find joy in your baby.’

“Nabasa ko nga din kasi sa Internet, na si Brooke Shields pala ay isa sa mga sikat na celebrities na matindi ang naging post-partum blues.

“Ang dami mo kasing iniisip na pag medyo hindi mo nalabanan, e, mag-lead sa isang ano… psychiatric problem.”

Sa ngayon, all’s well na sa nararamdaman ni Amy.

Patunay niya, “Kaya nga ako, ginawa ko, binuksan ko ang mga kurtina, pinapasok ko yung sikat ng araw.

“Then, tumingin ako sa araw, tapos sabi ko, ‘Hay naku, there’s so many things to be thankful for.’ So, ba’t ako magwo-worry?

“Now, get over ko na yun—I’m okay and back to work.

“Hay naku, kailangan ko na… tatlo na ang kids ko, ‘no?” pagtatapos ni Amy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN