Part 2. Gwendoline Ruais admits dating David Semerad: “So yes, I’m dating and I’m very happy about it.”

Inamin ni Gwendoline Ruais na mas gusto niya ang mga may dugong banyaga pagdating sa lalaking mamahalin. Paliwanag ng Filipino-French beauty queen, "Siyempre, because you have the same culture, half-Pinoy, half-European, pareho din, so which is why the twins [Semerad] and I get along great.”


May balitang may relasyon ang beauty queen na si Gwendolyn Ruais at ang model-basketball player na si David Semerad.

Kaya sa hosting stint ni Gwendoline sa relaunch ng Equal low-calorie sweetener sa Luxent Hotel ballroom kahapon, March 5, tungkol dito ang isa sa itinanong namin sa kanya.

“We’re just ano, hanging out. I hang out with both of them,” sagot niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ang “them” na tinutukoy ni Gwendoline ay si David at ang kakambal nitong si Anthony Semerad.

Kanino siya mas close sa kambal?

“I’m closer to David. We hang out and we’re good.

"Like what I said, we’re a big family and we all hang out together.”

"Big family" sila dahil ang tatlo ay talents ng ALV Talent Circuit ni Arnold Vegafria.

Sabi pa ni Gwendoline, “So that’s how we got close, because we work together.”

Nanliligaw ba si David sa kanya?

Tumawa muna si Gwendoline bago sinabing, “We’re going out... we’re going out.”

May mutual understanding na ba sila?

“Ano ‘yan? Hindi ko alam ang ibig sabihin ng M.U.!” sabay tawa niya.



“HOHOL.” Sinabi namin sa kanya na ang uso ngayo sa mga celebrities ay hanging out-hanging out lang o "HOHOL"

“Ah... hanging out lang kami, HOHOL!” at tumawa muli ang 2011 Miss World First Princess.

So, hindi pa sila mag-on ni David?

“Hindi naman,” kumpima niya.

Na-link din dati si Gwendoline kay Mark Bautista, ano na ang nangyari sa kanila?

“Alam mo naman kayo na mga press, nakakaloka naman!

"Mark and I are good friends—we’re still good friends.”

Napabalita kasi dati na nagde-date sila ni Mark.

“Just because you go out with a guy… dyusko naman, ang dami kong guy friends!

“Ako naman, French school ako...

"You know, in my graduating class, we’re only two girls.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lahat ng mga best friends ko, lalaki talaga.

"I mean, like I said, Mark and I get along.

“Just because two people hang out here in the industry, people assume automatically na kayo na.

"Like with David [Semerad], di ba?”

Hindi ba nanligaw sa kanya si Mark?

"Tingnan ninyo yung mga interviews niya, ano sinabi niya? Hindi, di ba?"

Baka na-intimidate si Mark bilang beauty queen si Gwendoline at matangkad?

“Bakit siya mai-intimidate? I mean, I have friends that are tall, that are short, it doesn’t matter.

“You know, when you’re friends, you accept people as who they are.

"And Mark is a great person and we get along great and, ’til now, we’re good friends.”

Sa Party Pilipinas sila naging magkaibigan ni Mark noong nandoon pa si Gwendoline.

Sabi pa ng Filipino-French beauty queen, “And si Mark ang kumanta ng theme song ng Miss World Philippines, di ba?

“So wala, funny coincidence lang.”



HALF-HALF. Factor ba kay Gwendoline ang height para sa pakikipagrelasyon?

“Siyempre, mahirap yun, di ba?

"Wish ko dati, gusto ko mas matangkad sa akin, gusto ko sana makasuot ako ng heels!” at tumawa si Gwendoline.

Importante raw na mas matangkad ang guy sa kanya.

“E, siyempre mas maganda naman yun, di ba?

“Pero yung mga twins, matangkad, so carry lang, di ba?” tawa na naman niya.

Ano ang mas gusto niyang karelasyon—Pinoy o foreigner?

“My answer used to be different, but experience shows that I get along better with people that are like me... so half.”

Half-Pinoy and half-foreigner ang ibig sabihin ni Gwendoline.

“Half-half, di ba?

"Siyempre, because you have the same culture, half-Pinoy, half-European, pareho din.

"So which is why the twins and I get along great.”

Nali-link din si Gwendoline sa Fil-Brit na si Andrew Wolfe.

Natawang sabi niya tungkol dito, “Siyempre, si Andrew din kay Arnold [Vegafria], so siyempre nali-link ako sa lahat ng tao na nakikita ako, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And si Andrew is also first runner-up sa Mr. World so, siyempre, we’re always together because we work together naman.

“Andrew and I are great friends, we’re like brother and sister talaga.”



MATTER OF CHOICE. Choice ba niya na wala siyang boyfriend o hindi lang pumapasa ang mga nanliligaw sa kanya?

“Siyempre, choice. It’s a matter of choice and there’s not always the right guy.

"I have a lot of requirements, let’s say.”

Tulad ng?

“Siyempre height, half [foreigner], personality—a lot of things.”

Religion?

“Religion? Not so much. I’m very… I’m European so I’m very open-minded, you know.

“You can have... I respect people’s differences and that’s fine with me.

“But recently, I’m very, very happy because… I’m happy—iyon lang, happy lang ako.

“Happy lang ako and like I said, I mean... I date, it doesn’t mean because you don’t have a boyfriend that you’re not going out or whatever.

“So yes, I’m dating and I’m very happy about it.”



REGULAR DATE. Si David ang regular niyang ka-date?

“Ah... yeah!” masayang-masayang sagot ni Gwen.

Kahit sa height ay bagay sila.

“David is 6’5” [tall]. I can wear heels with David! No, no... he’s almost 6’6."

“So first requirement... pasa na, I can wear heels!” at tumawa si Gwendoline.

“I’m, 5’11", so okay lang, five inches yung heels ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN