UPDATED Krista Kleiner on breakup with Jay-R: “The relationship was getting a little bit abusive.”

After almost a year of silence, Krista Kleiner talks about the reason why her relationship with Jay-R ended. The former beauty queen says: “The relationship was getting a little bit abusive.”


Aksidenteng napaamin ang actress-beauty queen na si Krista Kleiner sa tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ng R&B Prince na si Jay-R.

Noong Pebrero 25 kasi ay naging guest si Krista sa radio show ni Mo Twister na Good Times With Mo Twister the Podcast.

Ito ay para i-promote ang kanyang album na Feel So Good, at upang tulungan na rin si Mo na magbigay ng mga love advice sa callers.

Habang nagbibigay ng advice si Krista sa isang caller tungkol sa breakup, hindi naiwasan nitong mabanggit ang ex-boyfriend na si Jay-R.

Sinabi ni Krista na alam niya kung gaano kahirap ang mag-move on matapos ang isang matagal na relasyon.

“So we had… oh, I never said why we broke up. But…” tila natigilan pang sagot ng former beauty queen nang tanungin ni Mo kung bakit nga ba sila naghiwalay noon.

Matatandaan na Marso noong nakaraang taon ay inamin nina Krista at Jay-R na tinapos na nila ang kanilang three-year relationship.

Gayunman, nang tanungin noon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dahilan ng kanilang paghihiwalay, sagot ni Krista: “Well, yun nga po, we’d like to keep it to ourselves definitely. And like I’ve said, it’s very fresh and we’re working things out right now at the moment.”

(CLICK HERE for related article.)

Pero sa interview sa kanya ni Mo, ito ang sinabi ni Krista na dahilan ng breakup nila ni Jay-R: “The relationship was getting a little bit abusive."

Ikinagulat ni Mo ang sagot na ito ni Krista, at sinigurong tama ang kanyang narinig.

“Oh, physical, huh?” tanong ni Mo.

“Yeah…between that and verbal,” sagot naman ng dating Bb. Pilipinas-International titleholder.

Biniro naman siya ni Mo, na sa kabila ng pagiging martial artist niya’y nagawa siyang saktan ng dating nobyo.

Napangiti lamang si Krista at saka sumagot ng: “So, I think it’s on how someone is raised.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“If you are raised thinking it was normal, bad habits, I don’t know… I didn’t stick that long before it gets bad.”

Ipinagpatuloy ni Krista ang pagbibigay ng payo sa caller. Matapos nilang kausapin ang caller, sinubukan ni Mo na magtanong pa ng ibang detalye sa paghihiwalay nina Krista at Jay-R.

“Let’s talk off-air!” natatawang pagtanggi ni Krista.

Hindi naman na nagpumilit si Mo, bagkus ay tinanong na lamang niya si Krista kung ginamit ba niya ang kanyang martial arts skills upang ipagtanggol ang sarili.

“Yeah, I fought back, of course,” sagot ni Krista.

“I’m not gonna let a dude push me around. I got a good kick in there!” sabay tawa nito.

JAY-R. Nakakuha naman ang PEP ng maikling pahayag mula kay Jay-R kaugnay ng rebelasyon ni Krista.

Ito ang sabi ni Jay-R sa email na ipinadala ng kanyang kampo sa PEP ngayong gabi, March 6:

"I really don’t mind the negative comments about me because it comes with the territory of showbiz. I pay it no mind.


"I wish her the best in her career and her life."

Si Krista naman ay nasa Malaysia ngayon at pagdating niya bukas, March 7, ay susubukan namin na makakuha ng karagdagang pahayag mula sa kanya.

CLICK HERE for related video clip


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN