Heart Evangelista on mom Cecile Ongpauco: "Mukha lang talaga siyang matapobre, pero she’s really nice."

Dahil sa strong features ng mukha ng ina ni Heart Evangelista na si Mrs. Cecile Ongpauco ay madalas itong mapagkamalang mataray o suplada. Pero pagtatanggol ni Mrs. Ongpauco sa sarili: “I can’t change my face, you know, if I appear too strong. I try not to put on make-up on so my face is kinda soft... I’m not really naman the way people perceive me to be. I’m nice naman, di ba?”


Mananatili pa ring Kapuso si Heart Evangelista matapos niyang pumirma muli ng two-year contract sa GMA-7 kahapon, March 5.

Kasama ni Heart sa contract signing ang kanyang ina at talent manager na si Cecile Ongpauco.

Naitanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang miyembro ng press kay Heart kung hindi ba siya nahirapan na kumbinsihin ang ina na i-renew ang kanyang kontrata sa GMA-7.

Nakangiting sagot ng aktres, “Hindi. Ako yung nasusunod na ngayon, e. She listens to me now.”

Maya-maya ay naibaling na ang atensiyon sa ina ni Heart dahil tila nabigla ito sa mga naging pahayag ng anak.

Nang hihingin na ng press ang reaksyon ni Mrs. Ongpauco ay si Heart na mismo ang nag-volunteer na tanungin ang ina.

Tanong ni Heart: “So what can you say that people are saying that because you’re a ‘Mommy-ger,’ and sometimes, as a mom, how do you separate work and being a mom?

“How do you separate that? Kasi sometimes nami-misinterpret nila na medyo may pagkamataray ka or something, so now, it’s good to explain yourself.”

Hindi man inaasahan ang mga pangyayari ay napilit din ang ina ni Heart na magsalita.

Sagot nito, “How do I separate? I don’t. I just make it work the best way I can—being a mother and a manager.”

HEART AND HER MOM. Sa interview matapos ang general presscon ay mas ipinaliwanag ni Heart ang naging pahayag niya.

Sa lagay ng relasyon nila ng kanyang ina, pagbabahagi ni Heart, “We’re very good, actually.

“Kasi she... I guess she trusts me more.

"Siyempre, ilang taon na ako. I just turned twenty-eight so we’re so much better, communication is better now.

“So kaya naloloko-loko ko na siya nang ganun.

"Before, hindi. I had really no say about about anything.

“But now, I’m very ano… she allows me to express myself.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And you know, she understands it and I get na rin what I want now. Kaya mas masaya ako sa career ko.”

Pinanindigan ni Heart na siya na talaga ang nasusunod ngayon sa usapin ng kanyang career.

Aniya, “Yes. But of course, you know, like, I don’t do the talent fee part kasi medyo off din naman yun.

“But she tells me what I want to do and hanggang saan ko gusto.

"But she’s willing to... she allows me na, ’Kaya mo ba ’yan? Sigurado ka? Okay, kung gusto mo.’ Ganun.”

Siya rin ba ang nagdesisyon na i-renew ang kontrata niya sa GMA-7?

Wika ni Heart, “She was the one that did it but I told her how I felt about things like, kunwari, uhm, what I wanted to do.

“I wanted to do more hosting.

"And kunwari, when it comes to drama, if I would be given like a love story, ganyan, or like movies.

"So yun yung sinabi ko sa kanya.”



DEFENDING HER MOM. Nang tanungin si Heart kung nagkaroon ba ng punto sa kanyang career na nawalan siya ng “puso” para sa trabaho, isang insidente ang binanggit niya na nangyari raw two years ago.

Kuwento niya, “Not because of the project that I had, it’s just because na parang I was finding myself.

"What do I want to do? Or how do I find my own voice on how to say things?

“Or how to, parang, express myself with my mom ’cause we all know my mom has a very strong personality. But, hindi naman siya masamang tao.

"Mukha lang talaga siyang matapobre, pero she’s really nice.

"She’s really nice. It’s really hard to understand her.

“Finally, you know, nung mga times na yun I was finding myself with work, ganyan, nagkaro’n ako ng confidence to tell her what I wanted.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“When I started to express myself, then I started to do the things that I really like, ganyan.

"Parang, let’s do the kissing scene, there’s really nothing wrong.

“Or let’s kinda be more adventurous by, you know, being more adult. Hindi na masyadong pa-cutie-tootie or wholesome, you know.

“I mean, it doesn’t work like that anymore.

"So, yun. That’s when may transition.

"But I’m okay now.”

Pagpapaliwanag naman ni Mrs. Ongpauco sa sarili, “I can’t change my face, you know, if I appear too strong.

"I try not to put on make-up on so my face is kinda soft.

“But today, may eye shadow ako kasi nilagyan akong eye shadow, so medyo strong.

"I’m not really naman the way people perceive me to be. I’m nice naman, di ba?”

Kapansin-pansin na hindi kumportable ang ina ni Heart na maisalang sa “hot seat.”

Ayon kay Heart, “She just doesn’t talk.

"But sometimes, it’s good to talk because, you know, I can’t [deny] naman na she is my ‘mommy-ger.’

"And sometimes it’s also hard kasi she’s my face and she represents me.

“So sometimes it’s nice to clear things na she’s easy to talk to.

"You just have to get over that… her image, her face.

"Pero she is really nice to talk to. So you know, it works.”

Ngunit giit ni Heart, mahalaga pa rin para sa kanya ang pagsang-ayon ng kanyang mga magulang.

Sabi niya, “Parang you’re just more confident cause they’re strongholds, they’re your parents, di ba.

“So it makes a lot… it gives you more confidence.

"But to top it all of, I still know what to do and what’s right.”

STANDING UP FOR HERSELF. Bakit ngayon lamang siya nagkaroon ng lakas ng loob na ipahayag ang nararamdaman sa ina?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wika ni Heart, “Well, because I’m also very childish.

“I’m very child-like, immature about a lot of things. I’m restless. I really don’t know what I want [dati].

“But now, I went through life, I went through the hard way and I learned the hard way.

"So that’s why parang naging ganito na siya in time.”

May kinalaman ba ang relasyon nila ni Senator Chiz Escudero kaya’t mas nakakapagdesisyon na siya ngayon para sa sarili?

Sagot ni Heart, “Actually, no. That has nothing to do.

"It has nothing to do with my lovelife, actually.

“That’s one thing that I’m very defensive ’cause I want to…

"Kung sa parents ko nga, gusto kong maging independent. I don’t want to parang rely on anybody [on] what I want.

"Because this is a stage where I know where I am and I know what I want.

“And I need to do what I want to do because there will come a time when it’s time for me to move on and do something else.

“So I need to do what I need to do now so I don’t really listen to anyone, I listen to myself.”

Ano naman ang maipapayo niya sa ibang artista na halos kapareho niya ng sitwasyon ngunit hindi pa kayang magdesisyon para sa kanilang sarili?

Saad ni Heart, “I think it comes with time, with experiences, and age. I think age matters a lot, and trust.

“Cause, of course, when you reach a certain age, you go through a lot in life and then you become a different person, you develop character.

“So when they see you develop that character, then they’re a bit more confident with the decisions that you’re about to make.

“So that’s why they allow you to say what you want and they follow that.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN