Ritz Azul still waiting for a boyfriend; wants to do action roles

Iginiit ni Ritz Azul na wala talagang kumpitensiya sa kanila ni Eula Caballero. Sabi niya, “Kasi nga iniisip ko, ang lagi kong kakumpitensiya, yung sarili ko… Hindi ko kinu-compare yung sarili ko sa iba. Kasi nga iniisip ko, ang lagi kong kakumpitensiya, yung sarili ko.”


May namumuo nga bang rivalry sa young female stars ng TV5 na sina Ritz Azul at Eula Caballero?

Ayon kay Ritz, walang kumpetisyon sa pagitan nila at hindi siya naniniwala sa sinasabi ng iba na naungusan na niya sa popularidad si Eula.

Paliwanag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Unang-una, parehas naman kaming bini-buildup ng TV5.

“Ako naman, tumatanggap ako sa mga trabahong ibinibigay sa akin ng TV5, and bawat isa naman kami, merong mga plans para sa amin.

“Ako naman, thankful ako sa TV5, na yung mga projects na ibinibigay nila hindi basta-basta, and alam natin na puro lead.

“Doon naman sa sinasabi ng mga tao na naungusan daw, hindi ko iniisip na ganoon.

“Kasi siguro, yung mga tao siguro naiisip nila yun, pero para sa akin hindi—kasi parehas kami, e.

“Kasi nga, iniisip ko, ang lagi kong kakumpitensiya, yung sarili ko.

“Hindi ko kinu-compare yung sarili ko sa iba.”



BEAUTY CONTEST. Maganda at may height si Ritz kaya napag-usapan naman ang tungkol sa pagsali sa mga beauty contest tulad ng Binibining Pilipinas.

Gusto sana ni Ritz sumali, ang kaso nga lang ay nag-cover na siya para sa FHM magazine.

“Nag-pose po kasi ako sa FHM… iyon yung iniisip ko.”

Tila bawal sa Binibing Pilipinas ang mga kandidatang nag-pose na ng sexy para sa men’s magazine.

“Alam ko po, iyon.

"Nang napag-usapan namin nina Direk Mac [Alejandre, direktor at executive ng TV5], sabi ko, ‘Direk, pangarap ko pong sumali!’

“Pero sabi niya, ‘May plan kami for you,’ ganun-ganun and, ‘May iba namang pageants na puwede kang sumali kahit nag-pose ka.’”

November 2012 naging cover girl ng FHM si Ritz.

Ano ang masasabi niya na record-breaker si Marian Rivera bilang FHM cover girl?

Sabi ni Ritz, “Unang-una, siyempre ang layo ng agwat namin ni Miss Marian, e. Kasi alam naman nating lahat na ganoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero siyempre, masaya ako na yung at least hindi pinakamababa yung issue sa akin.”

Alam ba niya kung ano o sino ang pinakamababa ang sales among FHM cover girls?

“Hindi ko alam, e… hindi ko alam.

“Basta doon masaya ako. Masaya ako sa ganoon, at least hindi ako yung pinakamababa!” at natawa si Ritz.



INDIE MOVIE. Gusto rin ni Ritz na makagawa ng isang indie movie. In fact, may gagawin na sana siya.

Pero aniya, “Hindi ako natutuloy, may mga nag-aalok, kaya lang laging nasasaktong may taping.”

Pero hindi pa raw siya handa sa mga sobrang sexy na pelikula.

“Hindi ko pa kaya yung sobrang sexy. Pero siguro yung magpapakita ng konting balat, tulad ng ginawa ko sa FHM, oo.

“Mga ganoon siguro, hanggang ganoon lang.”



NO LOVELIFE. Wala raw boyfriend ngayon si Ritz.

“Inaasar nga ako ni Derek [Ramsay] na, ‘Bakit wala kang boyfriend?’

“Wala pong nanliligaw, e.”

Na-link si Ritz kay Martin Escudero, bakit hindi nagtuluy-tuloy ang anumang namagitan sa kanila? Nanligaw ba ito sa kanya?

“Ano… parang, friends kami.

"Hindi ko masabing nanligaw siya. Close kasi kami and minsan kumain kami sa labas.

“Kasi friends lang talaga kami. Kasama niya yung RM [road manager] niya, ako kasama ko si Papa.

“And hanggang ganoon lang. Tapos nagkakabiruan lang sa set, mga ganoon lang, close friends lang talaga.”

Nineteen si Ritz, pinapayagan na ba siyang magkaroon ng boyfriend?

“Ina-advise-an naman ako ng parents ko, pero tinatanong nga nila ako, ‘Bakit wala pang nanliligaw sa iyo?’

“Wala, e, maghintay tayo!” ang tumatawang sinabi ni Ritz.

Bakit nga ba wala?

“Hindi ko nga rin alam bakit wala.”

Noon nga raw nakaraang Valentine’s Day ay wala siyang date.

“Wala nga akong natanggap na kahit ano, sabi ko nga, ‘Ang lungkot naman.’

“Nag-zumba na lang ako noong Valentine’s Day, at least papayat,” at muling tumawa si Ritz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



ACTION MOVIE. Ano ang gusto niyang maging solo or launching project?

“Ako, matagal ko na talagang gustong maging… mag-action. Parang Angelina Jolie. Or yung parang movie na Colombiana.”

Bakit action?

“Iba kasi, e, sa mga Pinay ngayon. Tsaka madalang lang sa mga artistang babae na may ganoon, na nag-a-action, so gusto kong maging kakaiba naman.

“And matagal ko na ring pinapangarap iyon kaya medyo nag-aaral-aral na ako ngayon.”

Sino ang gusto niyang maging leading man?

“Dati, ang lagi kong sagot si Derek Ramsay, e, ngayon kasama ko na dito sa Kidlat.

“So ngayon, hindi ko pa alam kasi masaya pa ako na nakasama ko si Derek, e. Kaya wala pa akong maisip.”

Si Martin?

“Sana magkaroon kami ulit ng project, ng show. Matagal na rin kaming hindi nagkikita.”

Nagkatrabaho na sila sa Glamorosa at sa Kapitan Awesome.

“Matagal na rin kaming hindi nagkikita, matagal na kaming hindi nagkakasama.”



CONTRACT STAR. Limang taon ang kontrata ni Ritz sa Kapatid network at nakadalawang taon na siya.

“May three years pa.”

Halimbawang tapos na ang kontrata niya at may offer sa kanya ang Dos at Siete, alin ang tatanggapin niya?

“Hintayin muna nating mag-offer sila!” at natawa si Ritz.

“Pero masaya naman kasi ako dito sa TV5…

“Wala namang regrets and lahat ng roles na pinapangarap ko, nagagawa ko dito—so happy, happy ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN