Sef Cadayona on working with Vic Sotto: “Once in a lifetime lang ito mangyari sa akin!”

Hindi raw problema kay Sef Cadayona ang pagganap niya ng gay. Sabi niya, “Para sa akin, trabaho ‘yan. Kaya nga kami dumadaan sa acting workshop para magawa namin ang anumang role na ibigay sa amin. Kasama na roon ang pagganap bilang gay.”


Matagal nang pangarap ng Kapuso young actor na si Sef Cadayona ang makatrabaho ang tinatawag ngayong "Comedy King" na si Vic Sotto.

Kaya hindi siya tumanggi nang ibigay sa kanya ang gay role sa bagong sitcom ng GMA-7 at M-Zet Productions na Vampire Ang Daddy Ko.

Dual roles bilang si Stefani at Vaclaw ang gagawin ni Sef sa sitcom—bading siya sa umaga at lalaking vampira naman sa gabi.

Nakapanayam si Sef ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng Vampire Ang Daddy Ko sa Dulcinea Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City last March 4.

Sabi niya, “Unang-una, ayokong tumanggi sa show na ito dahil si Bossing Vic Sotto ang bida.

“Once in a lifetime lang ito mangyari sa akin!

“Bata pa lang ako, pinapanood ko na siya. At paborito siya ng parents ko, kaya ito na ang chance ko na makatrabaho siya.

“Kaya noong sinabi sa akin na ganito ang role ko, hindi na ako nagtanong pa, kasi Vic Sotto ang bida, siguradong maganda ito.”



MOST DIFFICULT. Hindi ito ang unang beses na lumabas si Sef na isang gay.

Noong 2011 ay gumanap siyang gay best friend ni Kris Bernal sa primetime series ng GMA-7 na Time Of My Life.

Sabi pa ni Sef, “Hindi naman ako conscious when it comes to portraying gay sa TV or sa pelikula man.

“Para sa akin, trabaho ‘yan. Kaya nga kami dumadaan sa acting workshop para magawa namin ang anumang role na ibigay sa amin.

“Kasama na roon ang pagganap bilang gay.

“Actually, one of the best roles nga, dito man or sa foreign films, gay roles ang pinakamahirap gawin—mapa-drama man or comedy.”

Wala naman daw dapat ikabahala si Sef dahil gumanap man siyang bading, confident siya sa pagkalalaki niya.

“Hindi naman porke’t gumaganap na bading e bading na talaga, di po ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Idol ko po sa ganyan ay sina Tito Joey de Leon, si Keempee de Leon, at Michael V.

“Ang galing nilang gumanap na gay pero hindi naman sila ganoon

“Magaling din sa ganyan si Paolo Ballesteros pati na si Kuya Ogie Alcasid.”



COMEDY. Bukod sa pagiging mahusay na dancer, na ipinapakita naman niya sa Party Pilipinas every Sunday, gusto nang ituluy-tuloy ni Sef ang kanyang pagiging komedyante sa TV.

At home daw kasi siya sa comedy at natural lang daw sa kanya ang magpatawa kaya nababagay raw siya sa show na tulad ng Bubble Gang.

Kaya enjoy raw siya tuwing nagte-taping siya ng Bubble Gang kunsaan regular guest star siya every week.

Saad niya, “Nakakatuwa nga po, kasi every week, nagte-taping ako for Bubble Gang. Hindi sila nagsasawang kunin akong guest.

“Lalong nahahasa ang nalalaman ko sa comedy. Magagaling kasi ang mga nasa Bubble Gang.

“Wish ko nga po na mapasama na ako sa OBB [opening billboard] ng show.

“Maging mainstay na rin sana ako at hindi lang guest.

“Malaking achievement na sa akin ang mahanay na kina Ogie Alcasid at sa idol kong si Michael V.”



TRIBUTE. Kinumusta rin ng PEP kay Sef ang ginagawa niyang dance-indie film na Kaleidoscope World.

Isa raw itong tribute film na inspired mula sa music ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona.

“Last year pa po namin nasimulan yung project, pero hindi pa siya matapus-tapos… mabusisi kasi ang director namin.

“Marami kasing dance scenes sa movie kaya yung choreography talagang pinag-iisipan naming gawing iba-iba.

“Okey lang na medyo matagal siyang gawin, kasi gusto rin namin na maganda lumabas because this is a tribute for the late Francis Magalona.

“Hindi nga raw basta-basta ito minamadaling tapusin.

"Hopefully naman, within this year na siya matapos.

“Meron naman kaming teaser trailer na pinapalabas on YouTube at sa Facebook page ng movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam namin na maganda ito lalabas dahil todo ang paghihirap ng production sa bawat eksena ng movie.”

Ang ibang kasama ni Sef sa Kaleidoscope World ay sina Yassi Pressman, Mayton Eugenio, at Alma Concepcion.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN