Sheena Halili on breakup with Rocco Nacino: "Magkaiba lang talaga kami ng gusto sa buhay, values…"

Matagal na panahong nanahimik si Sheena Halili tungkol sa breakup nila ni Rocco Nacino. Paliwanag ng young actress, “Ayoko talagang magsalita. Ayokong makasakit. Pero talagang ano, e… may mga bagay na magkaiba kayo. So, iba yung gusto ko, iba yung values ko—magkaiba talaga. Gusto ko kasi pag nakipag-relationship ako, sana yun na, ganun. So, kaya hindi ko agad… hindi ako agad nakikipag-bofyriend, parang ganun. So, eto na nga, magkaiba lang talaga


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapuso young actress na si Sheena Halili sa 2013 Golden Screen TV Awards noong March 1 sa Teatrino Greenhills.

Si Sheena ang nanalong Oustanding Supporting Actress in a Gag or Comedy Program para sa Tweets For My Sweet.

Una muna naming inusisa kay Sheena ang partisipasyon niya sa fantaserye ng GMA-7 na Indio, na pinagbibidahan ni Senator Bong Revilla.

Nakangiting tugon niya, “Okey naman siya, masaya.

“Parang magkakapatid lang kami sa set, parang walang bata, walang matanda.

“Parang sobrang ano lang, barkada.”

Ang katapat na programa ng Indio ay ang Juan dela Cruz ni Coco Martin sa ABS-CBN. Mahigpit ang labanan ng dalawang programa dahil nagpupukpukan ang mga ito sa ratings.

Ano ang masasabi ni Sheena dito?

Sabi niya, “Siyempre, kung mataas ang ratings nila, siyempre kami yung kalaban nila, di ba… siyempre, affected kami.

“Uhm, ganun talaga! Ganun talaga!

“Ang importante, nagagawa namin nang mabuti yung trabaho namin.

“Ang gaganda ng feedback sa show namin. And hindi pa rin naman doon matatapos, e.

“Marami pa namang mangyayari at pareho lang naman na nag-start pa.

“Pag pilot kasi, talagang malakas, di ba?”

Ginagawa raw nila ang lahat para mapaganda nang husto ang Indio.

“Effort talaga, kasi yung mga eksena namin… kasi yung script, talagang madugo.

“And yung si Direk Dondon [Santos], bago siya, e, galing siya sa kabila.

“Bagong director siya ng GMA and first time ko siyang makatrabaho, sobrang galing!

“Yung mga shots niya, sobrang… yung isang eksena, ilang beses talaga naming ginagawa para maging pulido lang.

“Ang sarap-sarap lang kasi walang nagrereklamo kahit isasa amin, kahit sa mga artistang batikan…

“Nahihiya kang magsabi na pagod ka na.”



AVOIDING THE PRESS. Pagkatapos nito ay tinanong ng PEP si Sheena kung bakit tila iniiwasan niya ang press nitong mga nakaraang linggo.

“Kailan yun?” napakunot-noong sagot ng StarStruck alumna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi namin, mula noong panahong pumutok ang balitang break na sila ni Rocco Nacino.

“Ano yung… kailan ba ako umiwas sa press?” tanong na naman ni Sheena.

Ipinaalala namin sa kanya noong press preview at presscon ng Indio sa SM Megamall kunsaan bigla na lang siyang nawala. Akala tuloy ng mga taga-press ay umiiwas siyang matanong tungkol sa kanila ni Rocco.

Pagkatapos nito ay hindi na nakaharap pa ng media si Sheena. Kung matanong man, matipid ang kanyang mga sagot.

Nang maalala na ni Sheen ang insidenteng iyon ay nagsimula na siyang magkuwento.

Saad niya, “Eto yun. Sabi ko nga kasi, puwede ngang maging isyu yun.

“Pero hindi talaga kami nasabihan na meron pa palang isa pang venue para sa presscon.

“Na nagtataka nga ako dahil first time kong mag-presscon na tapos na agad.

“Pagkatapos ipalabas yung first episode namin… ipinakita kasi yun sa presscon, e.

“Tapos sabi ko, ‘Tapos na agad?’

“Kasama kong lumabas sina Rachelle Ann [Go], Ellen [Adarna], Ehra [Madrigal]… sabay-sabay kaming umalis.

“Tapos nang may tumawag sa akin, ‘Nasaan ka?’

“’Ha? Nandito ako sa small group ko…’ may small group kasi ako.

“’Di ba, nandito ka dapat sa Max’s [Restaurant]?’

“Sabi ko, ‘Sorry, baka namali ka ng ano… si Sheena ito.’

“Sabi nung kausap ko, ‘May presscon ka!’

“Sabi ko, ‘Hindi, tapos na, dun pa sa theater.’

“’Hindi, meron pang isa.’

“’A, talaga, wala namang tumawag sa akin.’

“So, meron pala talaga. Pero hindi ako nasabihan agad.”

Paliwanag naman ni Sheena sa sinasabing pag-iwas niya sa press, “It’s fine kung ganun ang tingin ng mga press. Kung yun ang ano nila…

“Mas gusto ko na rin kasi na wala na lang akong sabihin. Pinili ko na lang na huwag na lang.”



THE BREAKUP. Masyado bang masakit ang naging breakup nila ni Rocco?

Sagot ni Sheena, “Hindi naman… wala namang gano’n, wala namang masakit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayoko na rin lang ma-involve kung ano yung nangyayari at kung ano yung meron, di ba?

“Ayoko na rin lang din na… ayokong mag-comment.

“Ayoko na rin lang na may manggaling sa akin na… it’s too personal. Parang gano’n.”

Nasaktan ba siya sa nangyari?

“Wala namang nangyari, e,” diin ni Sheena.

Ipinaliwanag namin kay Sheena na kung maganda ang hiwalayan nila ni Rocco ay madali para sa kanya ang magsalita sa press.

Sabi niya, “It’s too personal talaga.

“Hindi naman ibig sabihin na personal is masakit, di ba?

“It’s just that, hanggang… yun talaga yun, e.

“Ayoko… ayokong may masabi ako, ayoko talaga.

“Tapos naman na yun. Ang importante ay yung ngayon…”



PAST IS PAST. Ipinaalala namin kay Sheena ang nasaksihan naming sweetness at lambingan nila ni Rocco nang minsang bumisita kami sa Bubble Gang taping last year.

Tinukso pa nga namin silang dalawa ni Rocco sa pagsubo ni Sheena sa aktor ng Japanese food. Dinalhan kasi ni Rocco si Sheena ng pagkain sa dressing room nito.

That time, ini-interview namin si Gwen Zamora na ka-share nina Sheena at Sam Pinto sa dressing room.

Itinanggi ito noong una ni Sheena sa pagsasabing, “Hoy! Haller! Walang ganun, ‘no! Hindi ko na matandaan!”

Sabi namin kay Sheena, isang linggo matapos ang pananalasa ng Habagat nang bisitahin namin ang taping ng Bubble Gang last year.

Biglang napangiti si Sheena nang maalala ang eksena nila ni Rocco.

“Hindi ko na matandaan! Eto naman, huwag mo nang ipaalala!” sabay tawa niya nang malakas.



WHAT WENT WRONG. Marami pa rin ang naguguluhan kung bakit sila nag-break ni Rocco gayong wala namang napabalitang pinag-awayan nila.

Sabi ni Sheena, “Actually, nag-explain naman siya. Di ba, nag-explain na siya?”

Base sa interviews ni Rocco, sinabi nitong nag-decide na lang silang dalawa ni Sheena na mag-focus sa career at wala na silang communication pagkatapos nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“That’s it, that’s it! Yun na yun,” sambit ni Sheena nang kunin namin ang kanyang pahayag.

Okey naman sila noon ni Rocco, pero bakit parang biglang nagbago ang lahat sa kanila?

“Ganun talaga, e. Wala, e.

“So… masyado kasi akong guarded. Masyado kasi akong… well, okey sa akin.”

Bakit hindi siya nagsalita tungkol sa breakup nila?

Paliwanag ni Sheena, “Ayoko talagang magsalita. Ayokong makasakit.

“Pero talagang ano, e… may mga bagay na magkaiba kayo.

“So, iba yung gusto ko, iba yung values ko—magkaiba talaga.

“Gusto ko kasi pag nakipag-relationship ako, sana yun na, ganun.

“So, kaya hindi ko agad… hindi ako agad nakikipag-bofyriend, parang ganun.

“So, eto na nga, magkaiba lang talaga kami ng gusto sa buhay, values…

“And pinagtiyagaan naman niya ako ng two years… manliligaw ka.

“Pero hanggang ganun na lang talaga. Hindi na kami nag-level, nag-next level pa.

“So, yun.”

Hindi sila friends ni Rocco ngayon?

“Ahmm… walang communication,” mabilis niyang sagot.

Hindi ba sila nagkikita sa Party Pilipinas?

“Hindi ako nagpa-Party Pilipinas ever since. Naggi-guest lang ako dun, e.”

Ibig sabihin, nakatulong na hindi na sila nagkikita para makapag-move on na sila pareho ni Rocco?

“Ah… anong move on? Wala naman, di ba?.

“Siguro yung closeness namin, yun talaga yung nawala na.

“And okey naman, gano’n pa rin naman ako at meron kang mga friends na kailangang… alam mo yun? Hindi na puwede.

“Hindi lang naman lalaking friends. Meron din namang mga girl friends na meron din naman na kailangang mag-move on, kailangang pumunta sa ganito.

“So, ikaw, bilang mabuting kaibigan, you have to let go.”



SUITORS. Ready na ba siyang magpaligaw ulit?

Saad ni Sheena, “Actually, may mga nanliligaw naman sa akin.

“Sinasabi ko naman sa kanila na hanggang friendship lang ako.

“Kasi ako, hirap din kasi akong magkagusto. Mahirap din akong ma-in love.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, yung sinasabi ko sa kanila na, ‘Kung kaya mo akong tiyagain, kung gusto mo talaga ako, mag-stay ka.’”

Hindi ba’t matagal ang dalawang taong pagsasama nila ni Rocco para ma-realize niya bigla na hindi pala sila compatible?

Sagot ni Sheena, “I think kung talagang yung ang gusto mo…

“I mean, kung hindi gusto ni God, wala namang mabilis, wala namang matagal.

“Siguro yun lang talaga, hindi lang talaga… tanggap naman namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN