Alden Richards on being linked to Julie Anne Jose and being paired to Lauren Young: "I’m sure maiintindihan naman ni Elmo na lahat ito ay trabaho lang."

Aware daw si Alden Richards sa opinyon ng iba na mas bagay raw siyang maging Kapamilya. Pero sabi niya tungkol dito, “May mga naririnig nga po akong gano’n. Pero the way I see things now, yung network ko po, the way GMA is handling my career very well, sobra po nila akong inaalagaan. I can’t find any reason kung bakit kailangan kong mag-transfer sa ibang network. Wala po akong nakikitang butas… so sana magtuluy-tuloy lang.”


Sa March 18 na ang airing ng bagong primetime series ng GMA-7 na pinamagatang Mundo Mo Ay Akin.

Tampok dito ang tambalan nina Alden Richards at Louise delos Reyes, kasama ang bagong Kapuso na si Lauren Young.

Ito rin ang magsisilbing reunion project ni Angelika dela Cruz at ng nagbabalik-showbiz na si Sunshine Dizon. Kasama rin sa cast sina Jolina Magdangal at Gabby Eigenmann.

Ang Mundo Mo Ay Akin ang papalit sa magtatapos nang soap na Pahiram Ng Sandali.

Maging si Alden ay nagulat sa mabilisang pagkasa ng kanilang teleserye.

Sabi ni Alden, “Hindi ko nga po alam, e, nagulat na lang din po ako nung story conference na.

“Tapos yung storycon namin, sabay-sabay sa pictorial pati drag shoot.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden sa Golden Screen TV Awards na ginawa sa Teatrino Greenhills noong March 1.



HUMANAP KA NG PANGIT. Ayon kay Alden, gaganap na nanay-nanayan niya sa soap si Jolina Magdangal. Wala pa raw siyang ideya kung sino ang lalabas na tunay niyang ina sa kuwento.

Ano ba ang kuwento ng Mundo Mo Ay Akin?

“Parang magkapatid na ipinanganak na parehong pangit—sina Ate Sunshine at Ate Angelika.

“Nung lumaki sila, hindi po matanggap ni Ate Angelika yung hitsura niya.

“Naghanap siya ng Amerikanong ka-penpal na matanda na. Namatay agad yung matanda. And then, nagparetoke siya.

“After nagkaanak po si Sunshine at si Angelika.

“Yung anak po ni Angelika, si Louise [delos Reyes]. Si Louise po, ipinanganak na pangit din.

“Tapos nung nanganak si Sunshine, maganda, yun po si Lauren Young.

“Ang ginawa po ni Ms. Jolina… ewan ko, pero hindi po yata matanggap ni Ms. Angelika na ganun ang hitsura ng anak niya, ipinagpalit po niya.

“Ipinagpalit po ni Ate Jolens [Jolina] yung anak ni Angelika at yung anak ni Ate Sunshine.

“Tapos ako po yung trinato niyang anak-anakan… hindi pa po malinaw sa akin kung saan nanggaling yung character ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero lalaki po ako na kinikilala kong nanay si Ate Jolens.

“Pero mahirap po ako dito na eventually na yayaman.

“Parang magiging love triangle po kami nina Louise at Lauren.”



UNEXPECTED. Ano ang nararamdaman ni Alden na nagkaroon siya agad ng serye gayong sa huling interview namin sa kanya ay wala pa siyang alam kung kailan siya magkakaroon ng bagong TV show?

Sabi ng Kapuso young actor, “Actually, second time na po.

“Yung una sa One True Love. Biglaan ko rin po nalaman na may project ako.

“Parang five weeks before, pilot na agad.

“Baka doon po ako suwerte sa biglaan. Sana po mag-rate.

“Ganun din po sa One True Love... masaya pong magtrabaho.”

So, hindi naman niya na-miss ang team-up nila ni Louise?

Sagot ni Alden, “Matagal rin po akong nabakante… six months din po after nung One True Love.

“September kami natapos… ngayon na lang po uli. Medyo matagal-tagal na rin po.”



LAUREN YOUNG. Nagkakilala na ba sila ni Lauren?

“Opo, nung screen test bago kinuha yung isang leading lady. Marami pong nag-audition at isa po si Lauren.”

How does he find Lauren?

Sagot ni Alden, “Dyusko naman po, coming from another network [ABS-CBN], she really has acting potential talaga.

“I saw her performed sa Mula Sa Puso, nakita ko po yung pag-arte niya.

“And I’m looking forward na makakatrabaho ko siya ngayon.

“Kasi very exciting po dahil first time kong makakatrabaho ng galing sa ibang network, at ito po ang first soap niya [sa GMA-7].”

Nagkausap na ba sila?

“Opo naman po,” mabilis niyang sagot.

Ano ang first impression niya kay Lauren?

“Si Lauren, mabait po. Magandang kausap, lahat napag-uusapan namin…

“Mahilig magluto… ako rin po, may background sa ganyan.

“So, mahilig siyang mag-bake, mahilig siyang magluto.

“Doon kami nagkakasundo at I can see yung common point namin parehas kaya marami kaming mapag-uusapan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ready na ba siyang ma-link kay Lauren? Hindi imposibleng mangyari ito dahil sa love triangle nila sa teleserye.

“Simula na nga po, e… opo, ready naman po ako, e. Part naman po yun.

“Pero wala pa naman pong progress so far. Work-work lang muna po.”

Nali-link ngayon si Alden kay Julie Anne San Jose, at ngayon ay makakapareha naman niya si Lauren.

Parehong malapit kay Elmo Magalona sina Julie Anne at Lauren. Ka-loveteam ni Elmo si Julie Anne, at rumored girlfriend naman niya si Lauren.

Napangiti si Alden sa ideyang puwede silang gawan ng isyu ni Elmo.

“Oo nga po, e, baka isipin nila lahat na lang inaagaw ko, e!

“Pero, hindi naman po. Wala naman po akong ginawang gano’n at wala akong intensiyong gawin yung gano’n.

“Wala po sa ethics ko ‘yan,” sabi niya.

Kung hindi lumaki ang isyu sa kanila ni Elmo sa pagkaka-link ni Alden kay Julie Anne, posibleng magningas uli ang intriga sa kanila dahil kay Lauren.

Ano ang masasabi dito ni Alden?

“Hindi naman po siguro. I’m sure maiintindihan naman ni Elmo na lahat ito ay trabaho lang.

“Saka kilala ko po si Elmo. I’ve known him. Hindi po siya ganun kakitid mag-isip.”

Ready na ba siyang mahiwalay sa team-up nila ni Louise at maitambal kay Lauren?

“Open naman po ako sa changes,” sagot ni Alden.

“And ako, since pa nag-start yung One True Love, ini-expect ko na rin po na maipe-pair at maipe-pair ako sa iba.

“Depende na lang po sa management, doon na lang po ako susunod.”



ALDEN AS A KAPAMILYA? Sinasabi ng ilan na mas bagay raw si Alden sa ABS CBN. Sa tindig, husay, at total package niya ay para raw siyang pang-Kapamilya.

Ano ang masasabi niya rito?

“May mga naririnig nga po akong gano’n. Pero the way I see things now, yung network ko po, the way GMA is handling my career very well, sobra po nila akong inaalagaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I can’t find any reason kung bakit kailangan kong mag-transfer sa ibang network.

“Wala po akong nakikitang butas… so sana magtuluy-tuloy lang.”

Hindi ba siya magiging katulad ng mga dating Kapuso artists na lumipat din sa ibang network?

“Naku po! As of now, wala po akong balak iwan ang GMA,” sabi ni Alden.

HOLY WEEK. Ano naman ang plano niya this Holy Week?

“Boracay po. Yung F&H po kasi magkakaroon ng event doon.

“So, two days lang po ako dun. May 1 and 2.

“And then, hindi ko po alam yung mismong Holy Week… baka out of town with family po. Kasi hindi pa po namin na-try.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN