Julia Clarete on being proposed to: “I haven’t been asked the question so I really can’t say anything about what I’m gonna say yet.”

Medyo relaxed ang buhay ni Julia Clarete ngayon at tuloy pa rin ang hilig niya sa musika. Aniya, “When it comes to songwriting and the album, tuluy-tuloy pa rin naman—I’m still writing… Parang you wanna give the audience something new to listen to, something new to hear.”


Maganda ang ngiti ng Eat Bulaga! host na si Julia Clarete nang kumustahin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa nakaraang Golden Screen TV Awards noong March 1 sa Teatrino Greenhills.

Sabi niya, “Work’s going well. I’ve time for my son. I’ve time also for work.

"Nagagawa ko naman yung mga gusto kong gawin.”



HOSTING. May mga nakakapansin lang na hindi masyadong visible si Julia sa acting at parang nag-concentrate na lang siya sa paghu-host sa top-rating noontime show ng GMA-7.

“Well, kasi naman, ang sarap din namang maging sentro ang Eat Bulaga!.

“It’s a daily show and it’s right smack in the middle of most, actually, all of tapings and shootings.

“It takes a special kind of script or story para ma-accommodate yung schedule ng Eat Bulaga! yung ganoong project [acting].

“Though I still get to do some. I’m doing one now with GMA News TV.”

Gaano katagal tatakbo yung project?

“It’s one episode pero indie ang treat. It’s Adolf Felix directing… it’s nice.”

May mga nagsasabing maraming pinalampas na ibang opportunities si Julia para lang paboran ang hosting niya sa Eat Bulaga!. Gaya ng chance niya na magbida uli sa mga teleserye at movie projects.

Ano ang masasabi niya rito?

“Well, it’s worth the sacrifice din naman.

"Kasi I learned a lot from Eat Bulaga! as a host. I learned to express myself as a performer… so I’m very happy.

“When it comes to songwriting and the album, tuluy-tuloy pa rin naman. I’m still writing.

“It’s just that, siyempre, parang you wanna give the audience something new to listen to, something new to hear.

“Diverse na kasi ang audience natin sa Philippines because of the Internet and they’re exposed to a lot of genres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas madali na ngayon mahanap yung mga plaka, yung mga record.

“So, you have to present… you have to offer something that they would like or majority would like or something that could express myself.”

Ano ang bago niyang pinagkakaabalahan maliban sa Eat Bulaga! at GMA News TV project niya?

“Wala… yun lang, GMA lang… it’s a very good life. I get to do everything I want to do.

“I spend time with my son, spend time for myself. Do movies, I still get to win awards doing movies.

“I still get to guest on TV shows, indie films.

“I’m great… I like where I am right now.”



BOYFRIEND. Kumusta naman ang lovelife ni Julia?

“Ganoon pa rin! Wala pa ring pagbabago,” nakangiting sagot ni Julia.

Ang tinutukoy na lovelife ni Julia ay ang kanyang Irish boyfriend na isang corporate executive na nagngangalang Gareth.

“He’s based in Myanmar [dating Burma] and we get to travel a lot,” pagbabalita ni Julia.

Madalas umuwi ng Pilipinas ang boyfriend ni Julia. Katunayan, dumating ito noong nakaraang weekend para makasama siya.

“Either he comes here or I go there… it’s a long-distance relationship but it’s a good one.

"Kasi he’s very mabait,” pagmamalaki niya sa kasintahan.



MARRIAGE. Almost three years na ang relasyon ni Julia sa kanyang Irish boyfriend kaya tanong namin sa kanya kung meron na ba silang marriage plans.

Mabilis naman sumagot ang actress-host, “No, not yet.”

Are they taking their time o talagang hindi siya magpapakasal dahil sa failed marriage niya before?

“Well, let’s see. I’m not the one who’s supposed to ask the question.”

Pero ready ba naman siya anytime na mag-propose ang boyfriend?

“Well, let’s see also. I haven’t been asked the question so I really can’t say anything about what I’m gonna say yet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang I’ll cross the bridge when I get there or I’ll burn the bridge when I get there!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN