Alden Richards: “Wala naman po akong balak sirain ang JuliElmo love team. Pero, I’ve grown tired of it…napagod na lang po ako.”

Ano ang aasahan ng manonood sa muling pagtatambal nina Alden at Louise delos Reyes sa Mundo Mo’y Akin? Bunyag ni Alden: “Self-discovery pa kami—Ano ba ang bago? Ano pa ang puwedeng ipakitang bago? So, every time, kailangan, a different Alden, a different Louise, a different project.”


Tampok ngayong Sabado ang buhay ni Alden Richards sa Magpakailanman.

Siya mismo ang gaganap sa sarili niyang katauhan.

Ito ang unang pinag-usapan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ni Alden sa pocket presscon ng Mundo Mo’y Akin sa Packo’s Restaurant, kahapon, March 7.

Ang Mundo Mo’y Akin ay ang bagong primetime series ng GMA-7 na muling pagbibidahan nina Alden Richards at Louise delos Reyes.

Bakit nga ba siya pumayag agad na isa-telebisyon ang buhay niya?

Saad niya, “Wala lang po, parang sabi po nila, ‘Why not? Anuhin natin ang story mo…very inspiring.’

“’And then, it’s gonna be more of story of your mom kasi, siya ang nag-dream nito para sa iyo.”’

“So, sabi ko, ‘Sige po.’ Kasi, parang it’s a way of telling my mom’s story talaga. Kung paano po nag-start lahat.

“Okey naman po sa akin ang naging treatment sa script kaya pumayag po ako.

“Siyempre, there are certain details na kailangang ipakita… Ito yung mga important part of my life. So, yun po.

“Nakadalawang draft po kami ng script.”

MOM’S DREAM. Limang taon ang nakakaraan, pumanaw na ang nanay ni Alden dahil sa pneumonia.

Pero ang nanay niya raw talaga ang may pangarap noon pa man na maging artista siya.

Kuwento ni Alden, “Ang mommy ko po kasi before, akala niya ang pagiging artista, nadi-discover sa mall.

“Sinasabi niya, ‘Magbihis ka palagi kapag lalabas ka.’ So, yun po, pinakita ang closeness namin ng mom ko.

“’Tapos po, nangako ako sa kanya na yung dream niya na mag-artista ako after niyang mamatay…StarStruck days…mga audition.”

Namatay ang nanay ni Alden noong 16 years old pa lang siya. Hindi na nito napanood sa pag-aartista ng anak.

“Ultimo nga po ang play namin sa school, hindi po niya nakita. Nasa hospital na po kasi siya noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, parang tribute na lang din po sa nanay ko ang Magpakailanman.”

Ang gaganap na nanay ni Alden ay si Jackie Lou Blanco at si Mark Gil naman ang magiging ama niya.

PRIMETIME. Balik-primetime na naman si Alden sa Mundo Mo’y Akin pagkatapos ng One True Love na pinagbidahan niya anim na buwan ang nakalilipas.

Nakangiting lahad niya, “After six months po, matagal din po akong nabakante at excited po ako na muli akong makakaarte.

“Drama ulit. Drama with Louise and of course, yung bago naming kasama, si Lauren Young.”

“Struggling po sa una pero, eventually, magiging mayaman din kasi, makukuha ko po ang kayamanan nila Kuya Gabby [Eigenmann].”

May pagka-gray ba ang karakter niya rito?

“Baka po, baka po may pagka-gray. Pero, hindi ko pa lang sure kasi po, hindi ko pa po nabasa ang script.

“Nag-concentrate po kasi ako sa Magpakailanman. So, ngayon po, start ko siyang aralin.

“Pero, sana po, baka po ganoon. Hindi siya bidang-bida, hindi siya kontrabida.”

Noong storycon, ano ang sinabi sa karakter niya?

“May similarity po ng konti sa One True Love na nagsimulang mahirap.

“Pero, lalaban siya. Unlike sa One True Love, talagang patalo si Tisoy.

“Pero ito po yata, medyo may tapang ang karakter.

“Ang nanay-nanayan ko po, si Ate Jolens [Jolina Magdangal], hindi ko po siya totoong nanay sa story.

“Siya lang ang kumupkop sa akin. Siya lang ang kinilala kong mom. So, yun po.”

YOUNG MOTHER. Ano ang feeling na bata pa ng nanay o nanay-nanayan niya?

“Yun nga po, hindi naman po awkward, kasi lately po, ang nagiging nanay ko, sina Ms. Jean [Garcia] ang lola ko, si Tita Nova Villa.

“Siguro po, parang ano rin, parang bago rin na medyo bata ang nanay-nanayan ko.

“Mas ibang approach sa acting. Mas hindi masyadong serious. At saka, si Ate Jolens naman po, ang dami na niyang nagawang projects before.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She has lots of experience na po and I’m sure, kayang-kaya na niya ’yan.”

May pressure ba na nanggaling siya sa One True Love at kahit replay na ang ipinapalabas, sinusubaybayan pa rin?

“Kabado po, kabado po, Tita. Kabadong-hoping na sana, maging successful pa rin,” sabi naman ni Alden.

“Sana maging One True Love pa rin yung dating. Pero, tingnan lang po natin kung ano ang magiging performance.

“Pero sana, subaybayan po talaga.”

Sa March 18, Lunes ng gabi na nga ang pilot ng Mundo Mo’y Akin.

SAME LOVETEAM. Silang dalawa ni Louise muli ang pinagpareha ngayon, paano niya tinanggap ang ideya na ito?

“Of course, I’ve been expecting it, dahil sabi nga po ng top management, parang hindi pa naman puwedeng buwagin ang Louise-Alden love team…

“Dahil naging medyo maganda po ang performance ng One True Love.

“I expect na po, ini-expect ko na po na si Louise ang magiging ka-partner ko for the next soap and we just have to really reinvent.

“Self-discovery pa kami—Ano ba ang bago? Ano pa ang puwedeng ipakitang bago?

“Kasi, hindi naman puwedeng all the time, puro One True Love ang acting.

“So, every time, kailangan, a different Alden, a different Louise, a different project.”

May impresyon kasi na tila gusto rin niyang mapareha sa ibang young actress?

“Yun po kasi ang gusto ng management at okey naman po sa akin,” saad niya.

“Hindi naman po ako choosy when it comes to leading lady.”



LOVE TRIANGLE. Unang serye naman ni Lauren Young ang Mundo Mo’y Akin sa paglipat niya ng Kapuso network mula sa ABS-CBN.

At si Lauren ang lalabas na katriyanggulo nila ni Louise.

Ano naman ang masasabi ni Alden kay Lauren?

“Excited po, kasi, nakita ko po si Lauren na mag-act doon sa Mula Sa Puso niya sa kabilang network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag napapalipat po ako sa channel noon, I see Lauren act. Magaling, e.

“Kahit noong screentest namin, noong nag-o-audition for the role, may potential talaga.

“Yun nga po, very excited and I see Lauren as a future gem of GMA when it comes to acting din.

“So, I’m looking forward doing a scene with her, dito nga po sa aming bagong soap.

“And sana po, mag-work yung love triangle para mas exciting.”

Si Lauren ay nababalitang real-life girlfriend ni Elmo Magalona.

Si Alden naman, nababalitang nanliligaw o malapit ngayon kay Julie Anne San Jose na ka-love team naman ni Elmo.

Hindi ba nagkakaroon ng ilangan o isyu sa pagitan nilang lahat?

“Wala naman po, kasi, wala naman po talagang nangyayari na hindi magugustuhan ng mga fans.

“Basta ako, trabaho lang po akong talaga. Basta ako, looking forward lang po sa working relationship with Lauren.”

JUST FRIENDS. Ano na nga ba ang real-score sa kanilang dalawa ni Julie Anne?

“Wala pa po, close po kami, pero wala pa pong ligaw. Wala pong commitment.

“Kasi, focused po talaga ako. Mahirap pong ma-distract kasi, sayang po ang opportunity.”

Masasabi naman niyang si Julie Anne ang pinakamalapit sa kanyang babae ngayon?

“Yes, opo naman,” mabilis at nakangiti niyang sagot.

Ang JuliElmo fans ang isa sa masasabing napaka-“passionate” din na mga tagahanga.

At dahil nali-link siya ngayon kay Julie Anne, nakakatanggap ba siya ng mga pangba-bash mula sa mga fans ng love team nila?

“Opo, hindi mawawala,”sabi niya.

“Siyempre po, sa lahat ng GMA love teams, sila ang pinaka-solid, sila ang pinakamaraming supporters.

“Nakakatanggap po, pero, napagod na rin po ako.

“Siyempre, noong una, medyo nakaka-offend. Parang, ’Ano ba ang ginawa kong masama?’

“Wala naman po akong balak sirain ang JuliElmo love team. Pero, I’ve grown tired of it…napagod na lang po ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang, sige lang, hayaan na lang. Kaya chill-chill na lang ngayon, work-work na lang.”

Hindi naging dahilan ang mga pangba-bash sa kanya ng fans para maging malapit pa rin siya kay Julie Anne?

“Hindi po,” sabi niya.

“Ang intention ko naman po talaga, sincere, so, ako po lang talaga, gagawa lang ako ng mabuti sa lahat para wala pong negative na balik.”

PERSONAL CHOICE. Pinaalala namin kay Alden na simula nung nakakausap namin siya at nai-interview, wala pa siyang inaamin na karelasyon niya.

Sinasabi niya bang sa mahabang panahon, hindi pa siya nagkakaroon ng girlfriend?

“Yes po, after my mom died,” saad niya.

Totoo ba talaga yun?

“Yes po, totoo po.”

Personal choice niya ba yun?

“Parang choice ko na rin po. Minsan, parang ayokong ipilit.

“Parang tinatanong ko rin ang sarili ko, ’Bakit nga ba wala akong girlfriend ngayon?’”

May biglang humirit at nagbiro naman kay Alden na baka raw kasi bading ito.

Natawa si Alden at saka sinabing, “Ah…hindi po, sigurado po ako sa gender ko.

“Siguro sabi ni Lord, hindi pa time. Nandiyan pa. ‘Kailangan mo pa ang family mo…’

“’May pinag-aaral ka pa at sayang yung mga chance mo na makatulong pa rin sa family mo at lahat ng taong nangangailangan.’

“Baka kapag binigay na ni Lord ang go-signal, baka game na ako roon.”

Nakikita niya ba si Julie Anne sa aspetong yun?

“Why not po, Tita?”

PRIORITIES. Isa si Alden sa mga Kapuso artists na nakikitaan ng kabaitan.

Kung sa pakikipagrelasyon, paano raw kaya siyang umibig?

“Naku, kapag na-in love din po, sobra. Minsan, wala nang tinitira sa sarili.

“Sometimes ganoon po ako. Narasanan ko po ‘yan noong high school days, kaya dumating sa point that I have to make some certain sacrifices.

“I have to give priorities. Kasi, kapag pumasok ka sa isang serious relationship, hindi puwedeng hindi mo bibigyan ng priority.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang papasok po yun sa top three, ang relationship.

“So, iniiwasan ko pa po. Baka po yung focus ko, puro doon na lang.

“Kinakabahan po ako, e,” natawa niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN