Keempee de Leon portrays PEP reporter’s life story in Magpakailanman

Ito ang payo ni Keempee de Leon sa mga host ng programa na hindi nagkakaunawaan: “I guess they should keep it private lang. Para naman sila-sila na lang yung umayos ng problema nila, na hindi nadadamay ang ibang tao. Or… kasi may mga iba diyan na kokontra, may kung anu-anong sasabihin. So, lalaki at lalaki. Kumbaga, mas maganda yung kami-kami na lang. Yung sa kanila na lang na mag-usap-usap sila.”


Ngayon araw, March 8, ang simula ng two-day taping ni Keempee de Leon para sa isang episode ng Magpakailanman. Ipalalabas ito sa March 16 sa GMA-7.

Dito ay muli siyang sasabak siya sa pagpu-portray ng gay role na ilang beses na niyang nagampanan.

“Yun nga, I’ll be portraying the role of a movie reporter. Ito yung ‘The Ruben Marasigan Story’ episode ng Magpakailanman.

“At ikaw ‘yon!” natatawang pagtukoy ni Keempee sa writer na ito.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Keempee sa Eat Bulaga! kahapon, Thursday, March 7.

Patuloy ng actor-TV host, “Ako naman, wala namang masamang tinapay sa akin, e. ‘Yan, e, trabaho natin.

“Matagal na rin akong hindi nagti-taping for a drama anthology na gaya ng Magpakailanman.

“Kumbaga, first drama ko ito for this year.

“And… maganda. Maganda yung story. Uhm… mabigat! Mabigat.”



SERIOUS GAY ROLE. Ang sinasabi ni Keempee na "mabigat" ay ang kuwento ng isang gay na natagpuan ang matagal nang hinahanap na pagmamahal sa isang batang kanyang inampon mula pagkapanganak.

Pero nang tumuntong ng seven years old ang bata ay binawi ito ng ina para lang pala dumanas ng pagmamaltrato at pang-aabuso ang bata.

Sabi ni Keempee, “Pinakahuli kong pag-portray ng gay role, recently lang nang mag-gues ako sa Toda Max."

Ang tinutukoy niya ay ang sitcom sa ABS-CBN kung saan pangunahing tampok sina Robin Padilla, Angel Locsin, at Vhong Navarro.

“Pero yung seryosong gay role na drama kaparis nitong sa Magpakailanman, pangalawa ko pa lang.

“Una ay yung sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya dati.

“Ito yug magkasama kami ni Mane [Manilyn Reynes]. Na gay ako, tomboy siya, tapos nagka-inlaban kami.

“Second serious gay role ko itong sa Magpakailanman.”

Pero nakasanayan na ng viewers na mapanood siya sa gay roles na comedy, gaya ng sa Bahay Mo Ba ‘To sa GMA-7 at sa Iskul Bukol ng TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Keempee, “Yun na nga, e. Pero itong sa Magpakailanman, drama naman.

“So medyo minimal yung comedy dito, e. Very, very light yung comedy.

“Pero more on the drama side talaga.”

Ano ang naging reaksiyon niya nang ialok sa kanya ang episode na ito ng Magpakailanman?

Kuwento ni Keempee, “Last week in-offer. Tapos nung sinabi na Ruben, ‘Kilala ko ‘to, a! Ano kaya ang istorya?’

“Tapos pinadala ang script, kakarating lang kanina.

“So pinag-aralan ko kaagad ang script. Binasa ko kaagad.

“Kumbaga, vinisualize [visualized] ko na, e, kung ano yung mangyayari. Gano’n.

“Maganda!”

Wala siya ni katiting na hestitation at first na tipong gay role na naman?

“Hindi naman. Sabi ko, matagal na rin naman akong hindi nakakapag-drama.

“So might as well i-take advantage ko na rin. Kasi sayang naman.”



PLAYING ANOTHER GAY ROLE. Sanay na siyang gumanap ng gay roles. May preparation pa ba kapag ganitong papel ang kanyang ipu-portray?

Sagot ni Keempee, “Actually, ang dapat, pag-aaralan mo talaga yung character ng taong ipu-portray mo.

“Yun nga, reporter na sa pagkakakilala ko naman sa ‘yo, hindi ka naman loud.

“At iyon na rin kaagad ang na-visualize ko when I read the script, e.

“Na hindi naman nga ganun ka-loud yung character.

“Serious side na mapagmahal sa anak, na mabait sa pamilya… gano’n.

“So, dun ako maglalaro. Kasi medyo mellow naman yung pagkatao ng character, e.

“Yun nga, yung situation na medyo mabibigat.”

May iba na ang impression ay mas madali para sa kanya na mag-comedy, lalo na kung gay ang papel niya. Totoo ba ito?

“Well, ako naman, I guess I’ve proven myself sa drama before.

“Dahil nag-Villa Quintana naman ako dati. May mga soap na rin akong ginawa dati.

“May mga heavy scenes na rin akong nagawa noon.

“Pero sa ngayon, for ilang years kasi, na puro comedy yung ginawa ko, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So when I was offered ito ngang Magpakailanman, grinab ko na rin.

“Kasi nung binasa ko nga yung script, nakita ko kaagad na seryoso yung ano nung character… at mabigat ang mga sitwasyon.

“Maganda… magandang example.

“Plus siyempre, may puso, e. Iyon ang importante.

“Ako, I go for the story kasi.”



KEEMPEE AS A FATHER. Nakaka-relate naman daw si Keempee pagdating sa anggulong pagmamahal ng ama sa anak. Kasi sa totoong buhay, may anak na siya at teenager na ngayon.

“Siyempre, magulang tayo.

“Kaya naman tayo nagpapakahirap magtrabaho para sa kabutihan ng anak natin.

“Kaya sa abot-kaya ng maibibigay natin e gagawa at gagawa tayo ng paraan, di ba?”

Hindi pamilyar ang publiko sa kanyang anak na babae. Choice ba niya na hindi ito magpakita on cam o sa mga showbiz events?

“Hindi naman,” sambit ni Keempee.

“Nakita na rin siya dito sa Eat Bulaga!. Bihirang-bihira lang siya humarap sa camera.

“But I want her to concentrate more sa school niya.

“Although, mahilig talaga siyang kumanta at maggitara. Gusto ring umarte.

“Sabi ko, ‘Tapusin mo muna yung school.’

“Sixteen pa lang siya. So kailangang makatapos muna siya hindi lang ng high school pati hanggang college.

“Pero nung bata ‘yan, meron siyang nagawang mga print ads.

“Kasi nasa dugo naman niya yung pag-aartista.

“Yung mother kasi niya, kamag-anak ni Mikee Cojuangco. Kaya hilig din niya talaga.”



GOOD FRIENDS. Matagal na silang hiwalay ng ina ng kanyang anak at may ibang pamilya na ito ngayon.

Pero kumusta ang relationship nila?

Sagot ni Keempee, “Okay kami, we’re good friends.

“And kilala ko yung asawa rin niya. Basta kami, nagtatawagan naman kami.

“At para sa anak namin, gagawin niya yung part niya. Gagawin ko rin yung part ko.

“Sa school, kapag may parents’ meeting, kapag hindi siya puwede, ako yung tatawagan niya kung puwede ako. Give and take kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



LOVELESS. Patuloy pa ni Keempee, “Two years na akong walang karelasyon.

“Yung last, hindi nag-work out, e. Kasi hindi niya maintindihan yung trabaho ko.”

Siguro dapat artista rin ang maging karelasyon niya?

“E, ipinagpapasa-Diyos ko na lang.

“Kasi minsan, kapag tayo ang pumipili, medyo hindi nararapat para sa ‘yo. O hindi tugma. Gano’n.”

Pero hindi naman niya nakikita ang sarili na tatandang single at hindi na siya mag-aasawa ulit?

“Hindi. Siyempre gusto ko pa ring mag-asawa.

“Gusto ko pa ring magkaroon ng pamilya.

“Pero sa ngayon, ini-enjoy ko ang pagiging single.

“Nandiyan naman ang anak ko and, heto, may mga trabaho namang dumarating.

“So basically, dun muna ako nagku-concentrate,” saad ni Keempee.

Hindi ba siya nakikipag-date ngayon?

“Wala akong time, e, dahil every day akong nasa Eat Bulaga!—and tinamad na akong gumimik.

“So either, after work, diretso ako sa gym or mag-bike. Mga gano’n.”



DABARKADS. Harmonious ang samahan ng Dabarkads sa Eat Bulaga! at para talaga silang isang malaki at masayang pamilya.

Ano ang reaksiyon niya na may ibang show na nag-aaway-away ang mga hosts?

Sabi ni Keempee, “E, kasi… I mean, for thirty-four years, nakasanayan na namin ang isa’t isa.

“And alam na namin yung ugali ng bawat isa.

“At saka dito, kapag may problema, nandito yung may matatakbuhan ka, e. May masasabihan ka.

“Hindi katulad nung kokontrahin ko or ano. Dito, tulungan.”

May advice ba siyang maibibigay sa mga host ng ibang show na nagkakaroon ng problema pagdating sa kanilang samahan?

“I guess they should keep it private lang.

“Para naman sila-sila na lang yung umayos ng problema nila, na hindi nadadamay ang ibang tao.

“Or… kasi may mga iba diyan na kokontra, may kung anu-anong sasabihin. So, lalaki at lalaki.

“Kumbaga, mas maganda yung kami-kami na lang. Yung sa kanila na lang na mag-usap-usap sila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN