Khalil Ramos admits crush on Julia Barretto: "First time ko po maging vocal sa babae. Yes, I admire her for who she is and what she is to me."

Khalil after admitting his admiration to Julia Barretto in front of the press: “There is surely gonna be awkwardness after that. Naisip ko sabihin ko na nga and everything to see her reaction."


Matapos ang pagkapanalo bilang third place sa Pilipinas Got Talent Season Three at maging bahagi ng successful primetime serye na Princess and I ay pormal nang ipinakilala si Khalil Ramos bilang bahagi ng Star Magic Circle 2013.

Nagkaroon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng pagkakataon na kamustahin si Khalil tungkol sa mga sunud-sunod na blessing na natatanggap niya sa kanyang career.

STAR MAGIC CIRCLE 2013. Malaki ang pasasalamat ng 16-year-old singer sa pagiging bahagi ng pinakabagong grupo ng discoveries ng Star Magic.

Aniya, “Masasabi ko na ang Star Magic ay super-galing po mag-alaga.”

Kuwento niya, “Ngayon po I am doing workshops for everything.

“Sa singing, hindi na ngayon. Kasi nagkaroon na ako ng singing before.

“Pero singing and acting, oo. So, you’ll see more of me on ASAP, that’s one, and acting, hopefully, future project in acting.”


BALANCING SHOWBIZ AND SCHOOL. Hindi lahat ng artista ay kayang pagsabayin ang pag-aaral at pag-aartista.

Pero inamin ni Khalil na mahirap man ay kinaya niya.

“I’ve gone through everything, yung hirap po, yung sacrifice.

“Me, going to school na wala pang tulog, I have to listen to the teacher and everything.

“Minsan may test pa. So, ang hirap, ang hirap.

“Managing the time and the schedule, pero now that my graduation is getting closer, I am just so relieved and happy, na finally…

“I’m graduating na po next, next week. I’m really happy na finally!” masayang kuwento ni Khalil.

GRADUATING HIGH SCHOOL. Naging mahirap man kay Khalil ang pag-balance ng kanyang career sa pagkanta at pag-arte ay nakatakda naman siyang magtapos ng high school sa March 23, sa Colegio de San Agustin.

Pag-amin ng dating Princess and I star, “To be honest yung grades ko po bumaba.

“Hindi ko naman po kasi ma-control masyado, kasi yun nga po, I find it hard to do good in both.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Minsan po pag sa showbiz nag-e-excel po ako, marami akong taping araw-araw, school ko naman napapabayan and vice-versa.

“So, hirap po talaga ako to do good in both. So, medyo bumaba yung grades pero naka-graduate ako.”

Bumaba man ang grades niya ay masaya siya na finally ay makakatapos na siya ng high school. Pero ano nga ba ang plano niya pagkatapos nito?

Sabi ni Khalil, “Plans? I talked to my mom, my handler, and Mr. M [Johnny Manahan, Star Magic big boss] about it.

“I’m gonna take a year off from school.

“I’m gonna work muna, ‘cause I wanna see muna what’s in store for me here.

“Magpu-full time po muna ako, let’s see kung maging successful ‘tong year na ‘to.”

Dagdag pa niya, “Napag-usapan namin ni Mom recently na, ‘Mom, I’m graduating na!’

“So, finally we’re just happy.

“Yun lang ang hiling ni Mommy sa akin ‘cause siyempre, pinag-aral niya ako for ilang years, for ten years or more. So, ang hiling niya lang is, ‘Anak, mag-graduate ka.’

Pero ano ba ang gusto niyang graduation gift?

“Ngayon po, none yet.

“Pero bumili po kami ng house after ng PGT. Sana car, pero wala pa naman po akong hinihingi.

“But I love shoes, so, I think my mom and dad’s gonna get me shoes."

Marami rin ang nagulat nang walang takot na inamin ni Khalil kung sino ang crush niya sa showbiz.

Nang hingan kasi ng mga press ang bawat member ng Star Magic 2013 ng pangalan ng kani-kanilang crush, agad na binanggit ni Khalil si Julia Barreto.

KHALIL ON JULIA. Naikuwento ni Khalil na nagkakilala sila ni Julia sa Star Magic Ball 2012, at agad naman silang naging malapit na magkaibigan.

Kuwento niya, “I met her first sa Star Magic Ball last year.

“So, we talked and became friends instantly.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang masasabi ko lang kung bakit ko siya gusto is basically for who she is, yun naman talaga.

"And she’s really kind and really sweet.”

Ano ba ang naging reaksyon niya na magkasama sila sa Star Magic Circle 2013?

“At first, I was surprised. I went up to her, ‘Uy, we’re on the same batch pala.’

“It was fun, it’s a happy moment.

“We’re good friends, we’re close friends, and it’s really nice that we’re together.

“It’s nice to know that I’ll be seeing her more often now.”

Palagi bang vocal si Khalil sa mga crushes niya?

“First time ko po maging vocal sa babae.

“Yes, I admire her for who she is and what she is to me."

Dagdag pa niya, “Nung narinig ko yung question, I was the last one pa to answer. So, naisip ko, I’ll just say it ‘cause sasabihin ko rin naman soon.

“So, why not now?”

Ready ba siya na baka magkaroon ng konting awkwardness sa pagitan nila ni Julia?

“There is surely gonna be awkwardness after that.

“Naisip ko, sabihin ko na nga and everything to see her reaction.

“Kasi hindi ko naman gusto na I say another name, then maisip ko,
’Sana pala sinabi ko si Julia.’ So, sinabi ko na lang.”

Pero ano ang masasabi niya na maliban sa kanya ay marami pa ang may gusto kay Julia at isa na nga rito ang isa pang showbiz royalty na si Julian Estrada [anak ni Senator Jinggoy Estrada].

Nagseselos ba siya?

“Hindi naman po.

“Wala pa naman dun sa level na pagseselosan ko.

“I just like her.”

"SNEAKER HEAD." Tinuturing ni Khalil ang sarili niya bilang shoe addict kaya naman tinatawag siyang "Sneaker Head" ng mga kaibigan niya.

Inamin niya na, “I am a sneaker head, that’s an addiction I think?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Minsan naasar yung parents ko, ‘Bibili ka na naman ng sapatos?’

“Sabihin ko, ‘Mom, it’s my addiction, my investment. It’s just like you when you buy your clothes, your shoes...something like that.’

“They are okay naman with it, ’wag lang yung sobra...ten pairs at a time. Hindi naman.

“My most was two at a time.”

DANIEL ON OWNING A DODGE. Itinuturing ni Khalil na investment ang kanyang mga sapatos, pero ano naman ang masasabi niya sa kotseng na-invest ng Princess and I co-star niya na si Daniel Padilla?

Naikuwento ni Khalil na tinawagan siya agad ni Daniel nang makuha nito ang bagong sports car.

Kuwento ni Khalil, “Nung pagkabili niya talaga, he called and he was like, ‘Guess what?’

“E, alam ko na matagal na niyang plano bumili ng kotse.

“I think kasi si Daniel magaling siya in setting goals.

“Let’s say he set the goal to get a car months ago. He will do anything and everything to get it talaga.”

Mapapanood si Khalil sa ASAP 18 kasama sina Daniel Padilla at Enrique Gil para sa "ASAP Boyfriends."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN