Dominic Roco on relationship with Sheena Halili: “Friends-friends lang talaga. We’re not getting past that.”

Sa napabalitang may problema ang kanilang kaibigang si JM de Guzman, ang magkambal na Dominic at Felix Roco ang tumulong sa aktor. Patunay ni Dominic: “We were always there for JM when he needed help, so we’re just being a friend. So kung iisipin ng tao na bad influence kami, it’s they’re choice.”


“I’ve said enough before, I’ll leave it like that!”

Ito ang naging sagot ni Dominic Roco nang tanungin kung ano talaga ang nangyari sa pagitan nilang mag-ama.

Dati nang napabalitang nagkaroon sila ng misunderstanding noon ng ama niyang si Bembol Roco, na kilala bilang dekalibreng character actor.

Ayon pa kay Dominic nang tanungin kung okay na ba sila…

“Nag-usap kami noong Christmas, pero usap lang.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Dominic kahapon, March 7, sa Cavinti, Laguna, sa taping ng Indio.

Nakakontrata si Dominic sa GMA-7 ng limang taon, samantalang ang kakambal naman niyang si Felix Roco ay talent ni Ricky Gallardo.

RIVALRY. Hindi nawawalan ng show si Dominic sa Kapuso network, at kung siya ngayon ay nasa Indio, si Felix naman daw ay maraming ginawang pelikulang indie.

Wala raw sibling or professional rivalry sa pagitan nila ni Felix.

“Wala, ever since wala,” giit niya.

CLOSE FRIENDS. Kamakailan, nasasali ang pangalan ni Dominic at Felix sa mga issues tungkol sa kaibigan nilang si JM de Guzman.

Tinanong namin si Dominic kung aware ba siya na may mga nagsasabing bad influence daw ang magkapatid kay JM, na napapabalitang may bisyo ngayon.

Giit niya, “Kung ano na lang ang gustong isipin ng mga tao, if they think na dahil sa amin nagbago si JM, e, di it’s they’re choice to think that.

“Ako ang masasabi ko lang, na we were always there for JM
when he needed help, so we’re just being a friend.

“So kung iisipin ng tao na bad influence kami, it’s they’re choice.

“I can’t force them naman to say na I’m not doing anything, di ba? So it’s their choice.

“Kahit anong sabihin ko, sila rin naman ang mag-iisip so kahit anong sabihin ko, nasa kanila na yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sino ang mas close kay JM, siya ba o si Felix?

“Si Felix kasi mas madalas silang magkasama.”

PERSONAL PROBLEMS. Aware ba si Dominic sa mga issues about JM?

“Aware ako, kasi siyempre, problema rin ni JM yun, sinasabi niya sa amin.”

Ang advise na naibigay ni Dominic kay JM…

“Ang pinakamagandang advice na sinabi ko kay JM? Hindi ako magaling magbigay ng advice, e,” at natawa si Dominic.

“He has to face all his problems, na ‘pag hindi niya idaan kung anumang ginagawa niya dapat he has to face himself talaga—head-on.

“Yung he can’t ask for any help kasi problema niya yun, e.

“Kahit anong sabihin namin, kahit we give any advice, it’s his choice, e. So kami, we’re just here for support.

“So if he asks anything, if he needs help, nandoon kami pero choice niya yun.”

PROFESSIONALS. Bilang si Tuhay, love interest ni Dominic si Sheena Halili, na gumaganap naman sa papel niyang si Mayang sa teleseryeng Indio ng GMA-7.

Walang girlfriend si Dominic at walang boyfriend si Sheena; hindi kaya mauwi sa totohanan ang on-screen tandem nila?

“Hindi ko alam,” maikli niyang sagot.

Gaano na sila ka-close ni Sheena?

“Friends-friends lang talaga. We’re not getting past that.”

Wala ring pagkakataon na lumabas sila ni Sheena on a date, at hindi rin daw sila textmates.

Purely professional lang raw ang relasyon nilang dalawa.

“Kasi, siyempre for me, ngayon lang kami umaangat talaga, e.

“So, we would like to concentrate on our careers first and then that would come after.”

Natawa naman si Dominic nang biruin namin siya na baka si Sheena, mula kay Rocco Nacino, ay mapunta naman kay Roco, Dominic.

May chance ba?

“Hindi ko po alam, siya po tanungin ninyo, bakit ako?”

FRIENDS AGAIN. Natuklasan din ng PEP na magkaibigan nang muli sina Dominic at Maxene Magalona.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkaroon ng relasyon ang dalawa dati at matapos ang kanilang paghihiwalay ay hindi na sila nag-usap.

Pero ngayong nagkasama sila sa Indio ay nabuo muli ang kanilang pagkakaibigan.

Sino ang naunang nakipag-usap o bumati?

“Siya,” pag-klaro niya.

Ano ang unang sinabi sa kanya ni Maxene noong nagkita sila for the first time sa taping ng Indio?

“’Hi! Kumusta?’”

Iyon na ang naging simula uli ng kanilang pag-uusap, at ayon pa kay Dominic, masarap raw ang feeling na magkaibigan sila ngayon.

“Okay naman, okay naman. It’s good to talk to someone that you really know.”

Wala na ba siyang naramdamang “pitik” sa puso?

“Wala naman.”

Purely friendship na lang raw ang tratuhan nila ngayon at mas kumportable raw ang sitwasyon nila ni Maxene ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN