Be Careful With My Heart star Jerome Ponce on being positive and good-humored by choice: “Inaamin ko, I have a sad family.”

Jerome Ponce admits having a sad family life, “Iniisip ko na lang na may dahilan kung bakit ganun dahil para mayaman ako sa kaibigan and para ma-challege ako na ayusin ulit. Hindi para magkabalikan yung parents ko kung ’di maging masaya kami bilang pamilya.”


Pormal nang ipinakilala si Jerome Ponce, o mas kilala bilang Sir Luke sa Be Careful With My Heart, sa roster ng bagong discoveries ng Star Magic Cirle 2013.

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertaniment Portal) na makausap si Jerome noong March 7, sa 9501 Restaurant, ABS-CBN, ELJ Building, Quezon City.



STAR MAGIC CIRCLE 2013. Masayang naikuwento ng batang aktor ang pagkakasali niya sa Star Magic Circle 13.

Saad niya, “Wala nang mas sasarap pa sa feeling na ‘yon.

“Sana talaga tuluy-tuloy na po.

“Hindi ko po sasayangin yung break na binibigay ng industriyang ‘to.

“Gusto ko talaga maging pamilya itong ABS and, alam mo yun, sila na yung aaraw-arawin mong hanapin na makahalubilo sa araw-araw.”

FROM THEATER TO TV. Napag-alaman din namin na bago pala pasukin ni Jerome ang pag-arte sa telebisyon ay umaarte na siya sa theater.

Kuwento niya, “Nung una po, sa theater malaki po yung movements.

“Actually, wala naman pong naging adjustment, kasi nung bago naman po ako tinuturo naman po nila.

“Hindi naman po nila ako hinahayaan dahil tinuturo na po nila yung dapat mong gawin.

“Thankful naman po ako dahil tinutulungan po nila ako, gustong gusto ko po yun, lalo na pag tinutulungan ako ng mga assistant directors and directors.

“Ang pinaka-nagamit ko dun yung confidence ko.

“Ewan ko... nung nagsisimula pa lang ako sa theater, sa likod ako ng backstage habang papasok pa lang, medyo nanginginig na ako... nilalamig... pero pag nag-start na, nawawala.

“Pero dito naman [sa TV] nasa harap ka ng camera, medyo mahirap kasi maraming takes pero po masaya,” pagkumpara niya.

Inamin ng actor na bata pa lang siya ay nais na niyang umarte.

“Since birth pa lang po gusto ko na talaga, e,” saad niya.

“Masaya po ako at natutuwa po ako lalo na pag nakikita ko na pinapanood ako tapos natutuwa sila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gaanong kalaking pagbabago ba ang nagawa ng Be Careful With My Heart sa buhay ni Jerome?

“Napakalaki po,” mabilis niyang sagot.

“Siyempre, aminin na natin... yung mga taong hindi naghahanap sa ‘yo, hinahanap ka.

“Yung mga ayaw mo makasama pati mga gusto mo makasama.

“Mga taong nadadaanan ka lang, ngayon nakatingin na sa’yo.

“At siyempre, yung mga kaibigan mo dati mas kaibigan ko na ngayon.

“Pero masaya naman po dahil ’eto talaga yung pinapangarap ko.”

HANDLING ISSUES AND INTRIGUES. Hindi maiiwasan sa showbiz ang pambabato ng mga intriga sa artista pero handa na ba siya rito? Paano niya ito iha-handle?

“Alam naman po natin na may mga bagay na may good side at may bad side.

“‘Eto naman pong bad side ng industriya na ‘to... ng business na ‘to, I’m willing to have it kasi that’s showbiz po talaga, e.

“This is the business... sanay na po talaga ako sa mga ganun, sa mga bad side.”

Dagdag pa niya, “Intriga siyempre I want to answer lang, yung totoo lang, e.

“Gusto ko lang pong sagutin ng maayos.

“Hindi naman po ako naapektuhan sa mga ganun.

“Pero if time comes, lalo na pag sa family... pag yan na po ang ma-i-issue, siguro maiiyak ako pero kailangan ko lang sagutin nang maayos.

“Huwag lang magtatago, di ba po? Kasi ganun po dapat. Pero siyempre kung may itatago, itatago ko.”

LIKE AT FIRST SIGHT. Naging bukas rin si Jerome sa pag-amin ng pagkagusto niya sa ka-batch niyang si Julia Barretto.

“First time ko pa lang siyang nakita, I mean it... sobrang attractive niya,” pag-amin niya.

“Wala namang masama siguro na madaming nagkakagusto sa kanya.

“Ganun talaga sa buhay... hindi lang puwedeng isa.

“Okay lang kasi yung sa akin ay paghanga dahil sa kagandahan mo.

“I wanna know you more.

“Pero sa ngayon kasi nakakakulitan ko siya, nakukulitan siya sa akin, masaya siya kakulitan, katawanan... pag napipikon siya aawayin niya ako, ganun po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JEROME ON HAVING A SAD FAMILY. Masayahin man si Jerome ay naibahagi rin niya ang malungkot na aspeto ng kanyang buhay.

Kuwento ng Be Careful With My Heart star, “Inaamin ko, I have a sad family.

“My parents are separated... mom ko nasa Cavite, hinahayaan niya ako mag-isa with my two sisters.

“Ako po yung sa gitna, we’re six... ang kasama ko po yung panganay and yung sumunod sa akin na babae.

“Kaming tatlo, araw-araw sila school, ako po showbiz.

“Pero yung tatlo ko pa pong kapatid na kay Papa.”

Sinusuportahan ba niya ang mga kapatid niya?

Sabi ni Jerome, “Sa studies. If you are talking about tuition fees like that, sa ngayon po hindi ko pa po kaya.

“Ang inaano [sinasagot] ko lang po, they stay with me, groceries and pinamimili ko sila... for the first time ang saya.

“Nakakapag-bonding kami, kung anu-ano ginagawa namin pag may free time, sobrang saya lang. “

Inamin din ni Jerome na hindi na niya nakakasama ang dad niya.

Gaanong kadalas lang silang magkita?

“Nakikita ko naman pero pag reunion lang.

“Pero in time, para hindi ninyo na lang po tanungin, nagkakaroon po ng times na sana meron akong mas masayang pamilya.

“Pero tapos na ako dun, siguro nagkaroon ako ng time na lagi kong iniisip yun, bakit ganun?

“Iniisip ko na lang na may dahilan kung bakit ganun dahil para mayaman ako sa kaibigan and para ma-challenge ako na ayusin ulit.

“Hindi para magkabalikan yung parents ko kundi maging masaya kami bilang pamilya.”

Nang tanungin ang dahilan ng pagiging “sad” ng family life niya, ang sagot ni Jerome, “Sobrang personal po ng reason.”

BEING HAPPY BY CHOICE. Kahit malungkot ang family life ng young actor ay makikitaan naman ito ng pagiging komedyante dahil sa sense of humor niya.

Saad niya, “Actually makulit po kasi talaga ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayoko na yung katulad ng dati na tahimik lang ako, iyak ako ng iyak.

“Masaya talaga maging funny... alam naman natin na madaming nagagawa ang pagiging nakakatawa at pagiging komedyante sa pagkatao mo.

“Siyempre, dahil diyan magugustuhan ka ng babae.

“May friends na ma-a-attract sa’yo... sa ‘yo pupunta lagi, kasama ka, hindi ka gagawan ng masamang bagay, pagkakatiwalaan ka.

“The more you become na makulit, mas lalo ka nilang makikilala and mas masasabi nila na, ‘O, mas open ‘to sa akin.’

“Bigla ko na lang na-discover na ganun pala talaga ‘yon.

“Kasi dati talagang ang sakit lang kasi dati ako yung tipo ng tao na pursigido magkaroon ng awards sa school para umattend yung parents ko pero wala, yaya ko lang.

“Siyempre alam natin masakit yun pero nakalimutan ko na ‘yon, e.

“Ako yung dumating nung high school na parang lahat inaasar ako... buong klase...

“Dumaan sa point na inaasar ako, pinagtatawanan... e, kasi ang corny ganyan, KJ... parang hindi ka in... loser... basta alam niyo na po yun, may mga bully.

“Naranasan ko naman lahat ‘yan kaya ngayon naging makulit na ako.”

Pagtatapos niya, “Walang masama maging happy... dapat maging happy, that’s what we live for.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN