Former Star Magic talent Arno Morales arrested for allegedly uploading sex video on Internet

Inaresto ng mga operatiba ng NBI ang young actor na si Arno Morales dahil sa pag-a-upload diumano nito ng sex video nila ng kanyang girlfriend sa Internet. Kasalukuyang nakapiit si Arno sa NBI Headquarters.


Inaresto ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ngayong araw, March 8, ang dating Star Magic talent na si Arno Morales.

Ito ay dahil diumano sa pag-upload ng young actor sa Internet ng sex video nila ng kanyang girlfriend matapos nilang mag-break noong isang taon.

Si Arno—Arno Udo Fermin Fuch sa totoong buhay—ay 20 years old at nakatira sa Quezon City.

Si Arno ang gumanap na nakababatang kapatid ni Sarah Geronimo sa mga pelikulang A Very Special Love at You Changed My Life.

Sa ulat ni Leonard Postrado ng Manila Bulletin, sinabi ni NBI Technical Intelligence Division Chief Atty. Palmer Mallari, "Apparently, Mr. Morales has a pending warrant of arrest issued by the Pasig Regional Trial Court for uploading a sex video on the Internet."

Naaresto raw si Arno bandang alas-otso ng umaga kanina sa kanyang tahanan.

Ayon sa imbestigasyon ng NBI, inihabla ang young actor kaugnay ng Violation of Republic Act (RA) 9262 o Violence Against Women and Their Children sa Pasig City Regional Trial Court Branch 162, sa sala ni Presiding Judge Cesar Pabel Sulit noong nakaraang taon.

Ito ay dahil sa reklamong isinampa ng kanyang 17-year-old girlfriend.

Dagdag pa ng NBI, sinabi raw sa kanila ng dalaga na si Arno ang dahilan ng pagkalat ng kanilang sex video matapos silang magkahiwalay last year.

Noong February 21, iniutos ni Judge Sulit ang pag-aresto kay Arno, pero hindi na raw naabutan ng mga pulis ang batang aktor sa kanyang bahay sa may Blueridge, Quezon City.

Ayon din sa NBI, nakatanggap sila ng tip mula sa isang impormante na nakatira na raw si Arno ngayon sa Project 6, Quezon City.

Ito raw ang nagtulak sa kanila na isailalim sa surveillance ang tinitirhan nito sa loob ng dalawang linggo.

Ayon kay Atty. Mallari, “Siyempre artista kaya medyo mailap siyang makita, so tinrace namin yung location kung saan in-upload yung sex video using the IP address."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang malaman nilang dito nga sa bahay sa Quezon City na nakatira si Morales, nag-apply raw kaagad sila ng search warrant sa Quezon City Regional Trial Court na inaprubahan ni Judge Eleuterio Bathan ng Branch 92.

Sa pagkaaresto kay Arno sa bahay nito, nakuha rin ng NBI ang laptop at iba pang gadgets na naglalaman ng sex video at mga hubad na larawan ng kanyang dating girlfriend.

"OT A BIG DEAL. Nang mahingan ng komento ang ina ni Arno na si Wilhelmina Fuchs, mariin nitong itinanggi na ang kanyang anak ang may pakana ng pagkalat ng sex video.

Sabi pa nito, ang BlackBerry phone at iPod Touch ng anak na naglalaman ng mga maseselang video at larawan ay nawala sa isang party dalawang buwan na ang nakararaan.

“Hindi gagawin ng anak ko yun kasi magiging kahihiyan din yun ng anak ko lalo na at artista siya.

“At hindi pa nakatakip yung mukha so makikilala siya kung gagawin niya yun,” pahayag ng ina ni Arno.

Umapela naman si Arno sa mga miyembro ng media na huwag nang palakihin pa ang isyu ng sex video scandal.

Aniya, "Away lang ng mag-girlfriend/boyfriend yun so don’t make a big deal out of it."

Ayon naman sa NBI, malakas ang ebidensiya laban kay Arno mula sa mga nakumpiskang kagamitan nito.

Dagdag pa ni Atty. Mallari, "Nasa laptop pa rin niya yung sex video nila nung biktima."

Samantala, magsasampa ng hiwalay ng kaso ang NBI laban kay Arno, in violation of RA 9995 or Anti-Voyeurism Act.

Kasalukuyang nakapiit si Arno sa NBI Headquarters.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN