Ryzza Mae Dizon reveals she adlibs when performing: “Hindi po ako nag-i-script.”

Itinuturing ni Ryzza Mae na regalo sa kanya ni Vic Sotto ang pagsama niya sa noontime show nito. Sabi niya: “Sa Eat Bulaga!, malaki ang pasasalamat ko po. Kasi, naka-trabaho ko po siya sa Eat Bulaga! Tapos, kasama ko pa siya sa Vampire Ang Daddy Ko.”


Maituturing na pinakasikat na bata ngayon sa telebisyon si Ryzza Mae Dizon, na isa sa mga nakakasama sa weekday noontime show na Eat Bulaga!.

Sa panandaliang pagsabak niya sa showbiz, umani na ito ng maraming fans dahil sa kakaibang kakayahan nitong magpasaya habang nagpe-perform.

Naging mausisa at curious ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung may kaibahan si Ryzza kapag nasa TV siya at kapag kausap nang harapan.

Sa presscon ng Vampire Ang Daddy Ko na ginanap sa Dulcinea noong Lunes, March 4, nadiskubre ng press na masaya talagang kausap si Ryzza Mae.

“Opo,” ang naging tugon niya sa aming tanong kung unang sitcom niya ang Vampire Ang Daddy Ko.

Pero mukhang nakalimutan nito na may nauna na siyang nagawang sitcom, ang Tweets for My Sweet.

Sinundan ulit ng tanong ang child star kung ano ang pakiramdam niya na meron siyang bagong show na pinagbibidahan pa ng kanyang Bossing Vic Sotto?

“Siyempre, masaya po ako at nakapag-sitcom po ako,” nakangiti pa ring sagot niya.

Hindi ba siya takot sa multo?

“Opo,” nakangiti niyang sabi.

“Sa vampire po, pero hindi ako natatakot sa kanila. Kapag po may make-up, natatakot po ako,” paliwanag niya.

Kung hindi vampira si Ryzza sa sitcom, ano ang gagawin niya sa Vampire ang Daddy Ko?

“Magpapatawa po,” inosente niyang sagot.

Ano ba ang role niya rito?

“Ako po si Ryzza bilang Big… ang tatay ko po, si Small.”

Si Small ay si Jimmy Santos naman.

Si Bossing Vic, kumusta naman siyang katrabaho?

“Mabait po siya.”

Anong regalo sa kanya ni Bossing?

“Sa Eat Bulaga!, malaki ang pasasalamat ko po. Kasi, nakatrabaho ko po siya sa Eat Bulaga!.

“Tapos, kasama ko pa siya sa Vampire Ang Daddy Ko,” tuluy-tuloy niyang sagot.

SCHOOL CELEBRITY. Nakapagpundar na ng sariling sasakyan si Ryzza—isang Kia Carens— mula sa kaniyang kita. Plano rin niyang bumili ng bahay sa susunod.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasalukuyan pa ring nag-aaral si Ryzza sa St. John sa Tondo, Manila.

Araw-araw pa ring pumapasok sa eskuwelahn si Ryzza kahit na araw-araw rin siyang napapanood sa Eat Bulaga!.

Paano niya nagagawa yun?

Paliwanag niya, “Sa umaga po ako pumapasok. Yung Eat Bulaga!, hapon naman po.”

Ano naman ang favorite subject niya?

“Ano po… Math.”

Magaling siya sa Math?

“Medyo!” natatawang sabi niya.

Kung hindi siya artista, ano ang gusto niyang maging?

“Ano po, chef po,” sabi niya.

Sa eskuwelahan ba nila ay masasabi niyang sikat na sikat din siya?

“Medyo po,” sabi naman niya.

Yung mga schoolmate niya, nagpapa-picture rin sa kanya?

“Wala pong cellphone, nasa bahay… Bawal.”

Special din ba ang turing sa kanya ng mga teachers niya?

“Special po,” inosenteng sagot naman niya.

Ano nga ba ang pakiramdam niya na sikat na sikat siya?

“Masaya po.”



SING AND DANCE. Si Ryzza rin ang nagpasikat sa Eat Bulaga! ng kantang “Cha Cha” na sinasabayan pa niya at ng studio audience ng sayaw.

Ano naman ang feeling niya kapag ginagawa niya ito?

“Masaya po ako kasi, sikat na sikat po yung ‘Cha Cha’ na kinanta po namin.”

Okay na ba siya sa kasikatan niya ngayon o mas gusto pa niyang sumikat?

“Opo, gusto ko pa po.”

Katulad nino?

“Tulad po ni Bossing.”



SPONTANEOUS. Naaaliw ang mga entertainment press na kumakausap kay Ryzza dahil ngingiti-ngiti lang ito lalo na kapag pinupuri, maging dahil sa damit niya o sa suot niyang ribbon sa buhok.

At kapag naghu-host ito sa Eat Bulaga! at binabato ng mga tanong, hirit at jokes, puro adlib lang palang talaga ang mga sagot na napapanood kay Ryzza rito.

Sabi niya, “Hindi po ako nag-i-script.”

Tinanong din namin si Ryzza kung hindi siya natatakot na baka hindi na siya tumangkad.

Napagsasabing kapag bata pa lang ay artista na, hindi na raw tumatangkad talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi po. At saka, umiinom po ako ng vitamins,” pagmamalaki niyang sagot.

Wala namang gustong maniwala kay Ryzza nang umiling ito nang tanungin kung may crush ba siya.

Para kasing sa ngiti nito, meron, pero ayaw lang sabihin.

Sabi naman niya, “Wala po.”

Ano naman ang gusto niyang sabihin sa mga fans niya.

“Salamat po sa mga nanonood palagi ng Eat Bulaga!.

“Ngayon po, may bago kaming sitcom, panoorin po sana nila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN