Lian Paz on whether she still loves ex-husband Paolo Contis: “Siguro, more than love, it’s respect. Tatay siya ng mga anak ko at may pinagsamahan kami.”

Lian revealed that their good friend Manny Pacquiao played a significant role in giving her advice to keep her marriage intact. She says: “Nakakatuwa siya kasi, ang advice niya sa akin, don’t think about yung mga nagawa niyang mali.”


Noong March 7 ang aktuwal na kaarawan ng dalawang anak nina Lian Paz at Paolo Contis. Pero kahapon, March 8, sila ipinagpa-party sa Jollibee, Green Meadows.

Punong-abala sa party si Lian kunsaan talagang pinlano raw niya na sa Jollibee idaos ang kaarawan ng mga anak.

Three years old na si Xonia at two years old naman si Xalene.

“Actually, trivia ‘to,” natatawa niyang sabi.

“Noong three years old din kasi ako, sa Jollibee ako nag-party. E, three years old na si Xonia.

“So, napagdesisyunan ko na sa Jolibee na lang. Parang tipid na rin bilang cost-cutting tayo, ‘di ba?,” biro pa niya.

Nakita agad ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na isa rin sa mga bisita sa naturang party ay ang lola ng mga bata na si Mommy Jean Contis—ang ina ni Paolo.

NO-SHOW AT PARTY. Pero kapansin-pansin na wala si Paolo sa birthday party ng mga anak.

Ayon naman kay Lian, “Alam naman ni Pao itong party. Inimbita ko rin siya, kaya lang, hindi siya nakarating.

“Meron yata siyang training ngayon para sa bago niyang soap. Pumunta siya sa bahay kaninang umaga at yun nga raw, hindi siya makakadalo.

“At saka siguro, nandiyan kasi ang family ko, naiilang pa rin siguro siya.”

Dugtong pa ni Lian, “Tinanong din niya kung magkano nagastos sa party, thinking of giving para hati raw kami.

“Pero, alam ko naman ang situation niya, so, kung sino ang maraming biyaya ngayon... Sharing tayo,” nakangiting sabi pa niya.

Inimbitahan daw niya ang mga ninong at ninang nina Xonia at Xalene, pero ilan lang din daw ang nakarating tulad nina Diana Zubiri, Nadia Montenegro at Ynna Asistio.

A YEAR OF BLESSINGS. Masasabing mas maganda ang aura ni Lian ngayon at iisipin mong hindi pa ito nanay ng dalawang anak. Ayon kay Lian, okay at masaya naman daw siya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I feel really blessed this 2013. Slowly but surely, nakaka-ahon. Getting back on track kahit paunti-unting guesting.

“And then, I just signed a contract for Skinmate, it’s a beauty product. Magsu-shoot pa lang din ako ng pictorial and then, guesting sa Wowowillie.

“Kaka-guest ko lang din sa Mars. Palipat-lipat ako,” natawa pang sabi niya.

“Pero may mga blessing... work na dumarating, so I’m blessed naman.”

Nalaman din namin na kailan lang, pumunta siya ng Amerika at Japan. Ibig sabihin, paalis-alis din siya ng bansa.

“Yung Japan, binisita ko ang Tita ko. Binigyan niya ako ng ticket dahil alam niyang broken-hearted ako,” kuwento niya.

“Sabi ko, sa Japan talaga? Kaya one week lang, kasi siyempre, may trabaho rin siya, may trabaho rin ako.

“Sa States naman, trabaho. Trabaho ang ipinunta ko ron. Nag-show ako for their New Year’s celebration doon. Iba-ibang araw, e. Two weeks akong nag-stay ro’n.”

MOVING ON. Pitong buwan na rin daw simula nang maghiwalay sila ni Paolo.

Sabi nga niya, “Ang bilis no?”

Kumusta na siya ngayon?

“Okay naman, yung first three months was my suicidal stage, nasa crayola [crying] mood ako everyday.

“Thank God yung family ko nandiyan... mga kaibigan ko, hindi ako iniwan. Yun... unti-unti, nakakatulog na ako ng maayos sa gabi.

“Ngayon, finally, moved-on na talaga,” pag-amin niya.

Anong ibig niyang sabihin na moved-on na siya?

“Hindi na ’ko galit sa kanya. Nawala na yung kapal ng mukha mo, nakakausap ko na siya ng civil. Yung sa love? More than love, it’s respect.

“Parang ganoon. Siyempre, hindi mo maiiwasan, nasaktan ka. So, kapag nakapag-move-on ka and you actually forget the pain, makakalimutan mo rin yung how you felt before,” paliwanag niya.

Tinanong namin si Lian kung natanggap na rin niya na talagang hiwalay na nga silang mag-asawa.

Aniya, “Oo, tanggap ko na. Hindi rin naman natin masasabi, I’m not closing my heart, tatay pa rin siya ng mga anak ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano naging madali sa kanya ang pagtanggap?

“Prayers,” saad niya.

“Prayers talaga. Every Wednesday nagba-Baclaran ako. At saka, kapag feeling ko, naiiyak ako, tinatawag ko talaga agad si Lord... na, ’Lord, please naman.’

“Yung strength talaga, sa kanya ko nakuha and just by looking at my kids, naaawa ako sa kanila. Hindi puwedeng ganito ako palagi.”

FORGIVE AND FORGET. Hindi rin naman daw naging madali ang proseso ng pagiging “civil” na sila sa isa’t-isa ngayon ni Paolo.

Ayon kay Lian, “Ano kami ngayon... parents.”

“Nakakapunta siya sa bahay, nakikita niya ang mga bata.”

Kailan nagsimula yung ganung level na ng set-up o relasyon nila?

“2013, kaya sabi ko na nga ba, 2013 is my year, I’m claiming it,” saad niya.

“It started kasi, gusto niyang mag-visit sa house. Sabi niya, gusto ko nandoon ka rin para mag-usap tayo.

“Siguro, ang tagal din niyang nag-isip. Hindi pa siya ready to face me. So, siguro, finally, when he was ready to talk... yun.

“So far, he asked me about sa kids, paano ang set-up namin at kung na-forgive ko na ba siya. Yun talaga ang unang ini-ask niya, kung na-forgive ko na siya.

“Sabi ko, hindi naman ako ano, e... kung ano... Diyos nga nagpapatawad, e.

“So, sabi ko, yes. Madaling ibigay ang forgiveness na yan. Lahat naman ng tao nagkakamali.

“Pero yung pagkalimot kung paano ka nasaktan, siguro it will take time.

“Pero sabi ko sa kanya, huwag ka nang mag-alala sa forgiveness. Na-forgive talaga kita from the bottom of my heart.”

Masasabi niyang regular na nakakapunta sa bahay si Paolo?

“Yes,” nakangiti niyang sabi.

Sa nakikita niyang relasyon nila ni Paolo ngayon, nakikita ba niya kung posible silang magkabalikan bilang mag-asawa o maging mabuting magkaibigan at magulang na lang sa mga anak nila?

“Ngayon, mabuting magkaibigan at magulang na lang. Kasi, when we talk about sa aming dalawa, we tend to actually argue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, siguro, sabi ko, hindi pa siguro time ngayon or whatsoever. Ang hirap, e, magsusumbatan at magsusumbatan kayo. So, when we talk as magulang kami at magkaibigan, mas okay, e,” pag-klaro niya.

ADVICE FROM PACMAN. Noong February, nabalita na kinausap at pinagharap sila ni Manny Pacquiao. Alam din ng karamihan na isa sa malapit na kaibigan ng dalawa si Manny.

Kumusta ang naging pag-uusap nila?

“Last month lang, February 5 and that’s the death anniversary ng Papa niya. Talagang kinilabutan ako kasi, ano ‘to?

“Hindi naman sinadya yun, so parang nagulat kami parehas na nagpaparamdam ba si Papa sa amin?

“Na... ’Hey, huwag kayong parang mga bata na away kayo ng away. May mga anak kayo.’

“Tapos, natatawa ako kay Sir Manny kasi, paulit-ulit siya na, ’O, ikaw asawa, ito bana.’ Sa Bisaya kasi.

“So, yun... parang pinapamukha niya na mag-asawa kayo, ano ba kayo.

“Tapos, nakakatuwa siya kasi, ang advice niya sa akin, don’t think about yung mga nagawa niyang mali.

“Kasi, yun ang gusto ng counterpart ni Jesus Christ na maisip mo nang maisip yan hanggang sa hindi mo makalimutan and you won’t forgive anymore.

“So, doon, alam mo na parang God is speaking to you rin. Doon talaga parang sobrang nawala ang galit ko sa kanya.

“Then, after that, parang okay na okay na ko. Nabigay ko na yung hiningi niyang forgiveness.”

POTENTIAL SUITORS? Sa panahon na wala sila ni Paolo, may mga naging manliligaw ba, may naging bago rin ba siyang karelasyon lalo na’t minsan ay may nasulat din na nakitang may kasama siya.

Pero ayon kay Lian ng natatawa, “Manliligaw, marami...

“Pero, hindi ko ine-entertain. Hindi ko naman sila mapagbabawalan. Nakakatuwa rin minsan ang pakiramdam ko na noong iniwan ako, parang ang pangit-pangit ko.

“Grabe naman kasi ang nangyari sa akin, so, nagpapakasaya lang ako sa mga kasama ko like my friends... my old friends.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, kapag may manliligaw nga, sasabihin ko, ’O, ano yan, baka naman seryosohan yang ligaw-ligaw na yan?’

“Ayoko. Gusto ko, bonding-bonding lang, enjoy lang with friends.”

Sa palagay niya, hindi pa siya handang ma-in-love muli?

“Hindi pa, hindi pa talaga.”

Sa huli, tinanong namin siya kung mahal pa rin niya si Paolo.

“Hindi ko nga masagot yang tanong na yan. Siguro kasi, confused ako. Parang nagalit ako sa kanya.

“So, siguro, more than love, it’s respect. Tatay siya ng mga anak ko at may pinagsamahan kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN