Piolo Pascual on being seen constantly with Shaina Magdayao: “Shaina and I are friends, we are good friends. Yes, she’s special.”

Piolo Pascual on the speculations and intrigues linking him to Shaina Magdayao because of their constant togetherness: “They will always do that, they will always have an opinion about what they see.”


Matapos nilang ma-link dati dahil sa paglabas ng mga litratong magkasama sa Singapore nang mag-show ang ASAP abroad noong nakaraang taon, pansamantalang nanahimik ang isyu na nag-ugnay kina Piolo Pascual at Shaina Magdayao.

Pero ngayon ay muling nabubuhay ang nasabing balita dahil nakikita na naman ang dalawa na magkasama sa mga lakaran.

Nakita silang kumakain sa isang resto sa Greenhills, bukod pa sa lumabas sa Instagram na larawan nila na kasama ang kapatid ng aktor at ilang malalapit na kaibigan sa isang videoke bar.

Patunay lamang daw ang mga ito na tuloy pa rin ang anumang espesyal na namamagitan kina Piolo at Shaina.

Sa nakaraang summer station ID shoot ng ABS-CBN noong Huwebes, March 7, sa Dolphy Theater ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Piolo.



CONSTANTLY TOGETHER. Hindi naman nito ipinagkaila na lumalabas silang dalawa ni Shaina. Pero binigyang-linaw rin niya na magkaibigan lang talaga sila ng aktres.

Saad niya, “Okay naman kami, we’re friends.

"Ang dami naming mga ginagawa na kung anu-ano. Ang tawag namin sa pinanaggagawa namin, ’pagbabakulaw.’

"Lahat na lang—takbo, badminton, Bikram [yoga], kung anu-ano—and it’s fun.”

Ano na ba ang estado ng relasyon nila ngayon?

“Wala naman, we’re okay.

"There are things you don’t entertain... it just happened.

"Shaina and I are friends, we are good friends.

"Yes, she’s special,” sagot ni Piolo.

Magkasama sila sa pelikulang On The Job kung saan sila ang magkapareha sa istorya. Para sa iba ay maaaring ito ang nagbukas muli ng daan para maibalik ang closeness nila dati na naantala dahil sa mga intriga.

Sabi ni Piolo tungkol dito, “We’ve always been friends.

"Magkasama kami sa Lobo, magkasama kami sa Marinella, magkasama kami sa Star Magic.

"Now lang nagkakaroon kami ng more time kasi nga we’re in the same sports, we’re in the same activities... so yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



READY FOR INTRIGUES. Ayon kay Piolo, handa na rin siyang bigyan ng kulay ng ibang tao ang magandang pagkakaibigan nilang dalawa ni Shaina.

“They will always do that, they will always have an opinion about what they see.

"Nabasa ko article mo... mga ganun, okay lang. Pero may mga iba kasing nagsusulat na nakaka-offend.

“There are things that you want to keep to yourself para maka-prevent ka rin ng mga nakaka-offend na bagay.

“Even for Shai, I wanted to be able to... di mo rin maaalis, kasi showbiz tayo. Pero siyempre gusto ko rin naman siyang protektahan,” saad niya.

Tiniyak ni Piolo na sa sandaling may dapat aminin sa kanila ni Shaina ay hindi niya ito itatago sa publiko.

“Siyempre naman, siyempre naman,” sambit nito.



APOY SA DAGAT. Mataas ang ratings ng seryeng Apoy sa Dagat. Para kay Piolo, konsolasyon ito sa pagod at hirap na binibigay nila para sa pinagbibidahang soap.

“You can never rush the laurels, anything that you do you always have to step up and level up ’coz otherwise, pag naging complacent ka, mahirap, e, mahahalata.

“It’s a bonus... it’s a bonus na tangkilikin yung show... it’s a bonus na mag-rate yung show but it does not end there.

“Lahat kami, hand in hand, lahat kami nagkakasakit na... si Angelica [Panganiban] nagkasakit na, pero kailangang magtrabaho. Otherwise, wala kaming ipapalabas.

“I guess it’s a team effort, siguro ang pinakamagandang naidudulot ng magandang ratings o magandang feedback, we’re more excited to go to work.

“We’re more excited to do what we have to do coz we know na napapanood kami, not because napupulaan or di nagugustuhan, but because alam namin na pati mga tao nakikisunod sa istorya, so we’re more inspired.”

ABS-CBN SUMMER STATION ID. Sobra namang ikinatutuwa ni Piolo na lagi siyang kasama sa station ID ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “All of us are always looking forward to do the station ID.

"I was told that the last summer station ID won a lot of awards so I’m excited.

“I was telling yung team na how they’re able to come up with concepts na very original and ina-anticipate sa YouTube pa lang and paglabas sa TV, everyone is so excited to see what we are gonna show them sa mga station IDs natin.

“As an artist, it’s a privilege... it’s truly an honor to be part of this station ID kasi nandun talaga ang identification mo where you belong, where you are as an artist.

"To have a home like this, sobrang nakakataba ng puso,” pagwawakas niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN