Rico Blanco not concerned with ratings of Kanta Pilipinas

Rico Blanco on what he feels proudest about working with Kanta Pilipinas: “Yung integrity. We set out to find the best talent we can find to the best of our effort. We mentored them to the best of our ability. We judged every performance to the best of our ability. Whatever the result is, it’s a result based on integrity.”


Bilang host at judge ng Kanta Pilipinas, ipinagmamalaki ni Rico Blanco ang natitirang 12 finalists ng naturang original singing reality search ng TV5.

Lahat daw ay nakikitaan niya ng malaking potensiyal para makagawa ng pangalan sa music industry.

Naging close na rin daw siya sa mga ito kaya kahit pagkatapos ng grand finals ay handa pa rin niyang i-mentor ang mga ito.

“Kahit matapos ito libre yung services ko bilang kasama nila sa industry. Kung gusto nila ng opinion ko, nandito lang ako bilang napalapit na rin sila sa akin. I want all of them to succeed,” sabi ni Rico.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rico sa Rockeoke Night na inihanda ng TV5 para sa Kanta Pilipinas host-judge kasama ang ibang finalists na nakipag-jamming sa co-owned restobar ni Rico—ang Alphonse Bistro sa City Golf Plaza sa Julia Vargas Avenue, Pasig City noong Marso 7.

Mula sa 24 talented Kanta Pilipinas hopefuls, ang finalists ay na-trim down sa Top 12 na kinabibilangan nina Fil-Spanish rock princess Thara Jordana, brother-sister duo Nicole and Carlo David, the girl-next-door from Davao Dea Formilleza, Fil-Am crooner Timmy Pavino, music wonder from Quezon City Allan Gonzales, singing hunk group 5az1, singing ambassadress of Operation Smile Chadleen Lacdo-o, Las Pinas dynamic singing duo Daniel Grospe and JB Landrito, sweet voice of Bicol Pia Diamante, former New Bord Divas member Jennifer Maravilla, Ilonggo rakista Ricky Deloviar, at Boracay-based singer-songwriter Ferns Tosco.

Excited nga raw si Rico sa magiging career ng mga ito pagkatapos ng contest.

“Excited lang ako for all of them. Yung stage na ibinigay ng TV5 para sa kanila, it’s something na hindi naibibigay sa kahit kanino lang. This is really a blessing for everyone involved.

“So, I’m excited, I can’t wait for mga two years down the line. I want to see who did the best they could with the opportunity given to them.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

A TRICKY ROLE. Paano naman naihihiwalay ni Rico ang sarili niya sa pagiging host at judge ng Kanta Pilipinas?

“Actually, honestly, tricky siya. Okay, hindi muna ako judge, unang-una musician ako, performer ako, so malapit lahat sila sa akin.

“Nakikita ko ang sarili ko sa lahat sa kanila. Pantay-pantay ko silang binibigyan [ng advice] kung paano nila mapapaganda, ganun.

“Pero pagdating ng deliberation yun ang mahirap, kailangan mong maging fair especially doon sa nag-perform ng maganda. Kahit gusto mo yung isa, contest siya, e.

“Pero yung mismong performance niya that day yun ang magiging basis mo, hindi pwede yung nakaraan o yung nakita mo sa rehearsal.

“So, kahit gusto mo siya, kung hindi maganda ang performance niya, kailangang magtanggal e, kasi contest ito,” paliwanag niya.

Kasama ni Rico bilang mga hurado sina Lani Misalucha at Ryan Cayabyab. Matinding mentoring at judging daw ang ginagawa nila sa mga finalist kaya confident sila na ang pinakamahusay ang aangat sa grand finals.

Sa tingin niya ba naa-achieve ng Kanta Pilipinas ang goal nito para sa mga contestant?

“So far, oo. It’s only going to get better kasi nasa pang-ilang linggo pa lang tayo, e. With every week that passes dumarami yung… kumakapit sa kanila dumarami yung nakaka-relate doon sa mga pangarap nila, sa mga istorya nila, di ba?”

NEVER JOINED A SINGING CONTEST. Dahil napapanood siya sa isang singing contest, natanong ng PEP si Rico kung nasubukan niya rin bang sumali sa isang singing contest kahit yung sa school level lang?

“Alam mo, bago ako pumasok ng Rivermaya lahat ng contests sinalihan ko sa school—declamation, oratorical, math contest, spelling bee, dance contest. Yung singing hindi yata ako nakasali, e. Parang wala namang pagkakataon noon.”

Hindi rin daw siya nakasali kahit sa battle of the bands.

WORKING WITH TWO NETWORKS. Ano ang susunod niyang project sa telebisyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa TV hindi ko pa pwedeng ma-disclose yung mga parating, e. Pero sa music, may tour kami na confirmed na. Tuloy-tuloy yun matapos lang ang eleksyon. Magsisimula na ulit yung tour ko.”

Dahil naumpisahan na niyang magtrabaho sa TV5 via Kanta Pilipinas, posible bang masundan ito?

“Dito sa TV5? Lahat posible,” matipid niyang sagot.

Natanong ng PEP si Rico dahil napapanood din kasi siya sa panghapong teleserye ng ABS-CBN, ang May Isang Pangarap.

“Oo nga, e. Sa ngayon wala pa akong madi-disclose na final. Merong mga very interesting na projects pero hindi ko masasabi yung details.”

Pansamantalang nawala ang karakter niya sa teleserye. May kinalaman ba ang pag-ere ng Kanta Pilipinas dito?

“Hindi naman, nagkasabay lang talaga. Actually, yung character ko doon sa ginagawa kong soap dapat hanggang pilot week lang ako. Pero umabot na ng ilang weeks.

“The people from TV5 didn’t mind and the people from ABS didn’t mind naman na meron akong ibang show. Because I’m not an exclusive artist naman.

“Though hindi naman directly competing yung programs. Ako kung sinuman ang kukuha sa akin sa project I will do my best para walang masabi yung kumuha sa akin at para fully ma-repay ko yung honor na ibinigay sa akin.”

Babalik pa ba ang karakter niya?

“Ay, abangan. Marami ang nagtatanong, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Abangan.”

Masarap ba yung pakiramdam na nakakaraket siya nang sabay sa dalawang networks?

“Sa akin kasi hindi ko siya at all tinitignan as raket, e. So, talagang pagka may project na ino-oohan ko, may standard ako sa sarili ko, e... kailangan maibigay ko yung best ko, e.

“Otherwise tatanggihan ko na lang yung project kung sa palagay ko e magsa-suffer siya dahil may ginagawa akong iba, ganun.

“So, pagka meron akong ino-oohan makakaasa ka na yung one hundred percent ko nandun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MARVIN AGUSTIN. Ang aktor at ngayon ay isa sa producers ng Kanta Pilipinas na si Marvin Agustin ang kumuha kay Rico para maging bahagi ng show. Gusto niya bang makatrabaho ulit si Marvin sa iba pang proyekto?

“I hope so. This group under his leadership had been a joy to work with and an honor to work with.

“Nagkakasundo kami sa standards namin, sa vision namin for what we wanted the quality of the program to be. I’ll be honored to be part of another project sa group nina Marvin.”

ISSUES. Ano ang komento niya na may ilang nagsasabi na mas magiging mataas daw ang ratings ng Kanta Pilipinas kung sa ibang istasyon ito ipinapalabas?

“I’m not an expert in the ratings game, e, so I’ll leave that to the experts. I’ve seen the show, I’ve seen the contestants, it’s a quality show.

“And to me, that’s the most important thing— yung quality na naibigay ng TV5.

“May standards na hindi pinabayaan, na hindi na-compromise for the sake of ratings or other things, na me as a musician is not as important as yung core, yung music, yung quality.”

Kung wala raw siya sa Kanta Pilipinas ay posible siyang kuning judge sa isa pang singing contest na The Voice of the Philippines. Ano ang masasabi niya rito?

“Hindi ko alam, e. Lahat naman kasi sa akin posible. Pag maganda ang project and it fits my schedule and I feel that I can contribute to the project, bakit hindi?

“At yun ang naramdaman ko rito sa Kanta Pilipinas. I believe in the show and it’s a quality show.”

Sa lahat ng pinagdaanan ng Kanta Pilipinas, ano sa tingin niya ang puwedeng ipagmalaki ng show?

“Yung integrity. We set out to find the best talent we can find to the best of our effort. We mentored them to the best of our ability. We judged every performance to the best of our ability. Whatever the result is, it’s a result based on integrity,” pangwakas niyang saad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN