Enrique Gil on being loveless last Valentine’s season: “Siguro next year meron na akong ka-Valentine’s.”

Enrique revealed that he didn’t have a date last Valentine’s Day since he was busy with work; also admits that he owes his success and popularity to


Masaya si Enrique Gil sa takbo ng kanyang career dahil bukod sa mga TV projects niya sa kanyang home network ay may mga product brands gaya ng Close-Up na nagtitiwala sa kanya.

Isa si Enrique sa mga new breed of ambassadors ng nasabing toothpaste brand.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng Ang Latest ng TV5 si Enrique sa launching ng Summer Solstice Music Festival ng Close-Up last Tuesday, March 5 sa may White Space, Pasong Tamo, Makati.

In less than two years sa industriya, masasabing isa siya sa very in demand na young celebrity sa ngayon. At thankful daw siya sa mga nagtiwala sa kanya at lalo na sa mga teenagers na nagpapakita ng paghanga sa kanyang talent.

Dagdag pa ng 20-year old actor, “Masaya po kasi siguro, wala lang... trabaho lang talaga, ’tsaka siguro kung ano ka... ipakita mo, huwag kang matakot... kasi ako, kung sino ako, ipapakita ko.

“Para may maipakita kang kakaiba, parang ganun, siguro ganun.”

Hindi naman ipinagkaila ni Enrique na malaking bahagi ng kanyang kasikatan ay dahil sa matagumpay nilang soap sa ABS-CBN na Princess and I. Ito nga rin daw ang dahilan kung bakit naging household name na din ang kanyang pangalan.

Wika niya, “Yes oo naman po, si Tita Malou Santos, nag send ako ng picture sa kanya na may nakasulat na, sabi ko ‘Thank you so much Tita Malou for making me part of Princess and I, and natuwa naman siya, pinost niya sa Instagram... so thank you, thank you.”

Kinumusta na rin namin sa kanya ang tungkol sa gagawin niyang bagong indie film. Balita niya, “A, pinag-uusapan pa kung gagawin ko nga yung indie film kasi horror siya... nakapag-horror na ako ng tatlo so medyo di pa sigurado.”

Pero bawi niya, “For sure, most likely gagawin ko baka next month or in two months, mauumpisahan na. Tsaka yung bago ko pang teleserye sa April, hindi pa masyadong final, kaya di pa ako makakapagbigay ng details.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natawa naman si Enrique nang matanong tungkol sa lovelife.

Nakangiti niyang tugon, “Kasi noong Valentine’s nasa Naga ako... may trabaho, kasama ko yung mga fans ko, okay lang naman siguro yun, sabi ko siguro next year meron na akong ka-Valentine’s.”

Magtu-twenty one years old na si Enrique sa darating na March 30, at ang wish lang daw niya ay masiyahan ang mga tao sa kanyang mga pagganap.

Lahad niya, “Sana masayang-masaya ang mga tao sa mga ginagawa ko. Pag masaya sila, masaya ang management, masaya na rin ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN