Sam Pinto on why she remains loveless at the moment: “It’s just that wala pa, e, wala pa yung perfect.”

Given the chance to choose her ideal leading man, Sam Pinto narrows down the choice to Aljur Abrenica, Jake Cuenca, and Derek Ramsay


Loveless ngayon si Sam Pinto, kaya ang ginawa niya noong nakaraang Valentine’s Day ay…

“Nasa Boracay ako with my friends, sumunod lang ako sa kanila,” kuwento ni Sam sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa taping ng Indio ng GMA-7 sa Cavinti, Laguna noong Huwebes, March 7.



NO TIME FOR LOVE. Nakapagtataka na ang isang babaeng kasing ganda niya ay walang lovelife.

“Choice,” sabay tawa ni Sam.

May mga nanliligaw naman daw sa kanya.

“It’s just that wala pa, e, wala pa yung perfect. Ako yung maarte!” at muli siyang tumawa.

Ano ba ang gusto niya na boyfriend; artista o non-showbiz?

“Kahit naman ano po. It’s just that masyado lang akong choosy!” tawa na naman niya.

“Tsaka walang oras. Oh, my God!

“Especially now, Bubble Gang, Party Pilipinas, Indio, and movie? So matutulog na lang ako kaysa makipag-date ako.”

Hindi raw taga-showbiz ang mga nanliligaw sa kanya.

“Walang taga-showbiz, mga non-showbiz.”

Pinoy o foreigner?

“Not foreigner. Gusto ko nga foreigner, e. I don’t know, ever since gusto ko talaga yung mga medyo Tisoy-looking.”

Magkaibigan pa rin daw sila ng ex-boyfriend niyang si Paul Jake Castillo na nakasama niya dati sa Pinoy Big Brother ng ABS-CBN.

“Yeah, we’re okay especially now that I’m endorsing one of their products, e, yung Casino alcohol.

“Lagi ko siyang nakikita lalo na pag may events yung company nila, nagkikita naman.”

Wala na raw feelings kapag nagkikita sila.

“Matagal na pong wala, friends na lang po talaga.”

Ilang buwan lang daw tumagal ang relasyon nila dati.

DREAM MOVIE. Natanong naman namin si Sam, kung sakaling bibigyan siya ng launching movie, ano ang gusto niya?

“Peg ko po for life is si Angelina Jolie.

“Kasi dito sa Pilipinas, wala pa tayo yung babae na action star who can kick butt and also be sexy at the same time.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Handa raw si Sam “to kick butt.”

“Yeah!”

Hindi siya magpapa-double?

“Depende po,” tawa ni Sam. “Kasi po ano, Sagittarius ako so I’m very outgoing, I’m into all these sports.”

IDEAL LEADING MAN. Sino naman ang gusto niyang maging leading man kapag ini-launch na siya sa isang action movie?

“Oh, my gosh! Kahit sino. Alam mo, hindi ko pa po naiisip yan.

“Si Aljur [Abrenica], puwede, love ko ’yan.”

Incidentally ay isa sa mga bagong cast member ng Indio si Aljur Abrenica bilang si Bagandi na datu ng isang banwa.

“Si Jake Cuenca, gusto ko din si Jake. Love ko yun, e, super-bait nung guy na yun.

“I’ve known him before pa ako mag-showbiz, before pa din siya mag-showbiz, gumawa kami ng commercial together.

“Tapos nagkita na lang kami nung nag-artista na ako.

“Si Derek Ramsay. Oo, he seems nice, hindi ko pa siya nami- meet or anything.”

Sa Indio, bilang diwata na si Lidagat, enjoy naman daw si Sam.

“Yeah, it’s fun naman. Ang mahirap po yung ano... getting ready to be a diwata.”

Pabulosa ang mga costumes at jewelries nila sa Indio.

“Opo, ang yayaman naming lahat!”

HARDEST SCENE IN INDIO. Ano ng pinakamahirap na eksenang ipinagawa sa kanya sa Indio?

“Oh, my God, nung mermaid po ako! Dati dream ko pong maging mermaid, ngayon ayoko na!” at muling tumawa si Sam.

“Nagko-compete ako nung high school ng swimming pero iba pong level yung may fins. Feeling ko malulunod po ako!

“At kasi po parang kasing bigat ko po yung fins ko, dagdagan ninyo pa po ng tubig tapos yung [hair] extensions ko po sumasabit sa kung saan-saan, sa aking mga jewelries.”

Kung ang launching movie niya ay sirena siya, papayag siyang mag-topless?

“Naka-nipple tape lang po ako dito sa Indio.

“Buhok lang ang nakatakip pero para po safe, may nipple tape.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Okay lang sa kanya iyon?

“Yeah, okay lang naman po. Pag ginawa naman nang maayos, okay naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN