Coleen Garcia on boyfriend Gab Valenciano’s plan to leave for the States soon: “Kasi medyo mahirap yung long-distance lalung-lalo na kung hindi mo alam kung hanggang kelan.”

Coleen on her decision to live independently: “Kasi I think I feel like kailangan, e... in life kailangan mong maging independent. And when you’re ready, then go for it... so I’m ready. ”


Isa si Coleen Garcia sa mga inilunsad na bagong youth ambassadors ng Close-Up. Kasama niya bilang endorsers mula sa Kapamilya Network sina Enrique Gil at Matteo Guidicelli.

Tungkol naman sa kanyang career, masaya rin siya sa naging takbo nito lalo na’t isa siya sa mga regular co-hosts ng It’s Showtime ng ABS-CBN.

May ginagawa rin daw siyang soap sa ngayon pero hindi pa muna niya dinetalye ito dahil wala pa itong airing date.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at sa Ang Latest ng TV5, “I’m taping a soap pa rin pero hindi ko pa puwedeng sabihin, e, kasi hindi ko pa alam kung kailan maipapalabas, but I’m very excited for that.”

Dagdag pa nito, “I’m playing a 17-year old, bagets ako dun very much like myself... very, very fond of animals, kasi mga veterinary students kami dun.

“So, I’m very excited, I’m gonna be exposed to a lot of animals... may nahawakan na akong crocodile, may nahawakan na akong snake.”

Nakausap namin si Coleen sa media launch ng Close-Up Summer Solstice Music Festival last Tuesday, March 5, sa may White Space, Pasong Tamo, Makati.

LIVING INDEPENDENTLY. Marami ang nagsasabing galing sa buena pamilya si Coleen kaya hindi naman daw nito kailangan pang pumasok sa showbiz.

Pero ayon sa 20-year-old aspiring host, “Hindi naman sa ganun, pero kung ano man yung nasa pamilya ko, that’s theirs, kasi I choose to be independent, to live independently so right now I’m detached na and I support myself.”

“Pero andiyan pa rin naman sila [my family], I love them very much and I’m seeing them very often, very healthy relationship pa rin.”

Bakit mas pinili niyang maging independent at a very young age?

Paliwanag niya, “Kasi I think I feel like kailangan, e... in life kailangan mong maging independent.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And when you’re ready, then go for it, so I’m ready. Para hindi rin naman mahirapan yung pamilya ko kasi may mga kapatid pa akong mas bata sa akin, I don’t want to be a burden to them, di ba?”

Preparation kaya ito para sa wedding nila ng boyfriend niyang si Gab Valenciano?

Natatawang sagot nito, “Ay! Hindi po. Ang aga pa, 20 pa lang ako.”

“No, I still have my whole life ahead of me, if its Gab or its somebody else... uhm, maghihintay muna yung taong yun, di ba kasi when you get married you will give up a lot of things.

“And I feel I don’t have a lot of things to give up yet, kasi kailangan ko pang dumating sa level na yun na may maipagmamalaki ako bago ko i-give up yun.”

LONG-DISTANCE RELATIONSHIP. Pagdating sa lovelife, wala naman daw mahihiling pa si Coleen sa boyfriend nitong si Gab.

Last Valentine’s Day daw, isang buong araw ang kanilang pinagsamahan ng boyfriend at mga magulang nitong sina Gary at Angeli Valenciano.

Lahad niya, “We spent it, the whole day with his parents, first time na we double dated with his parents so it was very special.”

This March daw, isi-celebrate nila ni Coleen at Gab ang kanilang first anniversary.

Saad pa niya, “One year this month.

“He’s leaving kasi, pinag-uusapan pa namin how to go about this, if we will focus on ourselves first. Kasi medyo mahirap yung long distance lalung-lalo na kung hindi mo alam kung hanggang kelan.”

Ang tinutukoy ni Coleen ay ang nakatakdang pag-aaral ni Gab sa Full Sail University— isang kilalang art, music and film school sa Orlando, Florida.

Dagdag pa niya, “We’re very good, we still talk everyday pero he’s leaving na in exactly 20 days. The problem is we don’t know yet if he’s going to come back.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Not two years kasi, e... kasi he’s studying for two years, after that probably he wants to work there after graduation, so medyo nag-uusap kami about that.”

Nalungkot daw siya sa nakatakda nilang paghihiwalay ng landas ng boyfriend.

Sabi niya, “Oo naman, siyempre hindi ko lang ipinapakita pero nalungkot din ako. I have to see him naman before he leaves to say goodbye.”

Sa naunang panyam ng PEP kay Gab noon, sinabi nitong uuwi naman siya dito sa mga special occasions. Sabi pa nito noon, kaya naman ni Coleen na bumisita sa kanya doon sa Florida kung gustuhin niya.

Pero ayon kay Coleen, “I can. Pero, I don’t want to rely on that.

“I also have a career to focus on, I have a family, my life is here... kumbaga kung kaya I can, pero sa ngayon I want to focus muna on my hosting.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN