Rhian Ramos on her hesitation to pose for men’s mags: “Parang I’d rather pose for a different purpose.”

Rhian debunks the notion that you can’t have a good career and good love life at the same time. She says: “Kung maganda yung lovelife mo, dapat hindi naman kailangan masama sa career.”


Nakausap namin si Rhian Ramos sa taping ng Indio ng GMA-7 sa Cavinti sa Laguna at ang tungkol sa cover niya para sa Rogue magazine ang isa sa mga napag-usapan namin.

Very sexy si Rhian sa naturang cover kung saan isang scarf lang ang nakabalot sa kanyang hubad na katawan.

COVER GIRL. Ang naramdaman ni Rhian sa kanyang Rogue pictorial...

“I was really nervous! Si Solenn [Heusaff], since she’s my friend, I asked advice from her and she helped me,” umpisang pahayag ni Rhian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Tatlong beses ng naging cover girl ng nabanggit na magazine si Solenn.

“So, I asked her advice and that was also around the time na showing yung movie niya,” dagdag niya.

“So, na-witness niya, because I watched Seduction with her... nag-mall kami and one of the creative [people] of Rogue so tatlo kami and then even while we were watching Seduction puro Rogue yung pinag-uusapan namin.

“Kasi I was so nervous at saka iyon yung time na sobrang I made it a point to work out everyday, kasi one week before the shoot araw-araw akong nag-work out.”

Totoo bang wala siyang kahit na anong suot sa ilalim ng malaking scarf?

“I had the correct underwear,” sabay tawa ni Rhian.

“I had the correct underwear, but the scarf was really... hindi ko alam kung paanong naisip ni Pam Quinones [stylist] yun pero ang galing!

“Siya lang talaga yung makakaisip ng mga ganun, parang... ways to wear a scarf,” at muling tumawa si Rhian.

“You wear it on your head, your neck or iyon lang.”

NO TO MEN’S MAGS? Nag-offer na rin kay Rhian dati ang FHM.

“In the past... in the past oo, pero ano, e... I don’t know, kasi iba yung... iba kasi yung content, e.

“Kasi para bang if I’m gonna put myself on a magazine, I mean realistically, wala namang bayad ang magazine, di ba,” at muling natawa si Rhian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, parang you might as well pick one na parang you believe in the content, e.

“Tapos iyon, in fairness naman sa FHM, they were being super-duper cooperative. Kahit anong gustong suutin mo, kahit anong gusto mong itsura or peg nung photoshoot, kung saan ka lang kumportable...

“So they were... the same with all the other men’s magazines, actually... they told me to feel comfortable lang.

“Parang kung hanggang saan ko lang kaya, iyon lang, parang ganun. Hindi nila ako pipilitin sa kahit anong hindi ako kumportable.

“Pero the thing is ayun nga, e... parang I look at the content kasi parang understood na kahit ano about the shoot, kahit ano about yung pages ko, kahit ano about the interview, kontrolado ko...

“Pero lahat ng ibang pages hindi ko kontrolado, e.

“E, mahirap na lalo na pag may mga women’s confessions, ganun-ganun... parang feeling ko I would rather put my face on something else.”

Na walang mga sex-confession pages?

“Oo. Parang I’d rather pose for a different purpose, huwag naman yung confessions-confessions.”

YES TO DARING MOVIES? Kung pelikula na kakailangan siyang magpaka-daring, papayag din daw si Rhian…

“Yeah! Basta may saysay. Basta may saysay yung pagpapakita ng skin. Kung wala naman, hindi naman talaga ako papayag.”

How far would she go?

“Kung how far mapu-prove ng production na may saysay pa rin,” ang natatawang sinabi ni Rhian.

Ang Rogue sexy pictorial ang pinaka-daring na ginawa ni Rhian so far sa kanyang career.

“Well, I guess kasi ano, e... on the inside pages may bikini na yun, e.

“So, I don’t think I can go further than bikini kasi tatlong triangle na lang yan, e,” at muling natawa si Rhian, referring to the body’s private parts.

“So, I don’t think I can go father than that.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CONTRACT. Tinanong naman namin si Rhian kung ilang taon pa ang kontrata niya sa GMA.

“Two and a half to go.

“My management contract is with Primeline [ni Ronnie Henares] but I’m exclusive to GMA.

“Kasi it was a three-year contract, e... nag-start na siya.”

Kapag natapos na ang kontrata niya sa Kapuso network at nagdesisyon si Ronnie na ilipat siya sa ibang TV network, papayag ba siya?

“Oh well, that’s... matagal pa yun, pero I haven’t really been given a reason to move naman, e.”

Sa paggawa ba ng pelikula ay allowed siya bukod sa GMA Films?

“Siguro kasi I had a contract with GMA Films before pero I think recently hindi na, e. Wala na yata akong contract with a film group.

Kaya malaya siyang gumawa sa ibang film outfits.

“Yeah, I think so.”

FLYING HIGH. Sa Indio, siya ay si Magayon na gumaganap na diwata ng mga hayop na lumilipad.

Challenge ba sa kanya ang pagha-harness para sa mga eksenang lumilipad siya?

“Hindi! Part of the job lang siya. Medyo masakit... ano lang siya, wala... parang you just have to do what the director tells you,” paliwanag niya.

“Fast lang naman yun, e. Kasi kunwari may harness tapos kunwari wala ka sa mood isipin mo na lang na mabilis lang naman ito, e.

“Once kasi nag-cooperate ka mabilis naman matapos yung scene, e.”

NO MORE BAD VIBES. Sa kasalukuyan, ano ang mga bad or happy memories na nagha-haunt pa rin sa kanya?

“Bad? Wala naman. I don’t really feel haunted,” sabay tawa ni Rhian. “Hindi, hindi nga.”

Walang pain or hurt sa pagkatao ni Rhian ngayon?

“Wala.”

Ang mga positibong vibes sa buhay ni Rhian ngayon…

“Marami. Ano lang... balanse lang, parang maraming work tapos maraming time sa bahay... marami ding time sa lovelife, parang sumakto lang,” saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi siya naniniwala na kapag maganda ang lovelife ay pangit ang takbo ng career and vice-versa?

“Hindi! Siguro ano kasi... hindi naman dapat ganun, e. Siguro, I mean... kung maganda yung lovelife mo dapat hindi naman kailangan masama sa career.

“Kasi ibig sabihin hindi siguro supportive yung lalaki.

“Kasi bakit kailangang masama sa career?

“Puwede namang maging supportive na lang para happy ang lahat,” pagtatapos niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN