JM de Guzman: “Na-depress po ako dahil sa mga sunud-sunod na role na medyo prinessure ko ang sarili ko na mag-excel agad-agad. Yun po.”

JM on how he hurdles issues and allegations: “Pangit naman po yun kung kakaawaan mo ang sarili mo. Kung may ibinabato man, gamitin mo na lang para to improve and show them they’re wrong.”


Isang mini-concert ang inihandog ni JM De Guzman sa kanyang mga fans para sa launching ng kanyang second at latest album under Ivory Music Videos na ginanap nitong nakaraang Biyernes, March 8, sa activity center ng Trinoma Mall.

Isa ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa naimbitahang media para sumaksi sa album launch na ito na pinamagatang “Tensionado” na siya ring carrier single ng album.

SUCCESSFUL ALBUM LAUNCH. Hindi maitatatwang may malaking following na si JM base sa dami ng mga fans na sumuporta at tumitili sa kanyang mga awitin.

Bumaba pa ito sa audience para maghanap nang kaperahang babae. Binuhat pa niya ang napili paakyat sa stage.

Hindi pa siya nakuntento; sa kanyang mga sumunod na awitin, lumapit pa ang actor-singer sa mga fans niya para kamayan at magpa-picture sa mga ito.

Tilian nang tilian ang mga babaeng tagahanga ni JM sa mga payakap-yakap niya sa mga ito.

Matapos ang mini-concert ay humarap na ang Kapamilya aktor sa grupo ng press para sa isang interview.

Ano ang feeling na finally lumabas na rin ang second album mo?

Nakangiting tumugon agad si JM, “Mas nai-excite ako kasi after nung performance na yun na first time kong na-experience talaga sa isang mall, parang gusto kong ulitin.”

Satisfied ka naman sa naging performance mo?

Mabilis na sagot ni JM, “Hindi, e. Medyo nangangapa pa po and first time kong mag-perform na kasama yung band at ganitong kalaki rin.”

Agad na nagpasalamat si JM sa mga pumupuri sa kanyang magandang singing voice.

“Thank you.”

“Maraming tumulong sa akin, maraming nag-guide sa akin,.” dugtong niya.

SIGNIFICANCE OF SONGS. Bakit nga ba “Tensionado” ang title ng kanyang carrier single? Puwede kayang i-connect ito sa mga kaganapan sa personal life niya last year?

“Puwede bang i-connect na lang sa future?” hirit niyang biro.

Sa title pa lang ng mga kanta sa album ni JM gaya nang cover versions niya ng “Akin Ka Na Lang,” “Have I Told You Lately?,” “Lost In Space,” “Don’t Give Up On Us” at “Terrified” na duet with Suy, puwede nang mabigyan ng kahulugan na tumutukoy ang mga ito sa pagkabigo niya sa lovelife.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maliban ito sa dalawa niyang self-composed cuts na “Warrior” at “Stupidest” na pawang tumatalakay sa sawing pag-ibig.

Napangiti si JM at agad na nagpaliwanag, “Yung album kasi, dini-dedicate ko sa family, sa fans at sa lahat po na may utang na loob ako.”

CONTROVERSIAL PAST. Naging controversial si JM noong last quarter ng 2012 dahil sa sunud-sunod na isyu sa kanya gaya ng diumano’y masamang bisyo niya at ang pagkakaroon niya ng depression matapos siyang mabasted ng nililigawan niyang Kapamilya actress na si Jesy Mendiola.

Aware ka ba sa isyung nagda-drugs ka raw?

“Naririnig ko po yun,” malumanay niyang sagot

“Opinyon po nila yun, e. Sa akin po, kung ganun po ang opinyon nila, then so be it po.”

Paano ka naapektuhan ng mga isyung ito?

“Hindi po yun nakaka-apekto sa akin,” sagot niya.

Pero marami ang nakapansin sa pagkawala niya umamo sa sarili niyang seryeng Angelito. Ano nga ba ang nangyari?

“Nangyayari naman po talaga yun, e. May mga puwedeng ibato sa iyong negatibo pero nasa sa iyo na yun kung ano ang resultang ipapakita mo kung totoo man yung sinasabi nila o hindi.”

Pero sa gitna ng mga issues na ito ay napanatili pa rin niya ang husay niya sa serye.

“Salamat naman po,” maikling pahayag ni JM.

Sabi-sabing may mga naiinggit lang raw kay JM kaya kung anu-anong isyu ang pinalalabas para magkaroon siya nang masamang image.

Naniniwala ba siya dito?

“Hindi ko po alam, e... sa akin na lang po, God bless him or her, kung sinisiraan man nya ako, ginagawa ko lang po nang mabuti ang trabaho ko.

“Siguro sa pagta-trabaho ko po, hindi naman po lahat ng artista ay perpektong nagta-trabaho. So, para maibigay mo ang best mo kailangan mong magkamali.

“Kung meron pong galit sa akin, I love him,” tugon niya.

Kumusta naman ang kanyang acting career sa ABS-CBN?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Steady lang po, naghihintay po nang next project. Winu-work ko na maipakita sa kanila na karapat-dapat po akong bigyan ng challenging na role or mas maraming trabaho.”

WORK ISSUES. Paki-explain yung issue na naging pasaway ka raw kaya bigla ka nang nawalan ng project sa ABS-CBN.

“Wala naman po akong i-e-explain, e. Kasi ako rin po narinig ko rin lang po yun. So, tanggap na lang po, tanggap na lang po nang tanggap.”

Kaya lang siya ang nagiging kawawa sa kaliwa’t kanang negative publicity sa kanya.

“Pangit naman po yun kung kakaawaan mo ang sarili mo. Kung may ibinabato man, gamitin mo na lang para to improve and show them they’re wrong.”

“Hayaan na lang po natin,” malumanay niyang sabi. “Actually, yung mga kanta ko sa album...” pabirong singit ni JM para makaiwas sa pagsagot sa isyu.

Paano mo napapanatili yung pagiging cool-headed mo sa gitna ng mga isyung ito sa iyo?

“I consider myself blessed po talaga kasi, e. Sobrang... lahat-lahat po ng kung anuman meron ako ngayon at kung nauman yung nawala, blessing pa rin po sa akin.

“Kasi I started from zero before. Nagka-album ako, tapos naka-dalawang album na po ako, nagka-TV show...

“Dun pa lang, enough na yun para maging masaya, e.”

LOVE ISSUES. Na-diskaril ka ba dahil kay Jesy or somehow nawalan ka nang focus sa trabaho, na-depress?

“Hindi naman po na-depress... pero nakakahumaling naman po talaga yung kagandahan ni Jesy. Pero siyempre... saka na po yan, may pamilya po ako, may plano rin po ako.

“Kung tayo ay magpapadala dun? Saan tayo pupulutin?”

Tinanggap mo ba agad ang pagkabigo kay Jesy o naapektuhan ka rin nang husto?

“Ah, I care for her po…sobra! Pero hanggang doon lang po.”

Okey ka na ba?

“Oo, okey na.”

Ibig sabihin, hindi totoo na nag-drugs ka at na-depress ka dahil sa pag-ibig?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na-depress po ako dahil sa mga sunud-sunod na role na medyo prinessure ko ang sarili ko na mag-excel agad-agad. Yun po... Medyo na-frustrate. Pero marami po akong natutunan,” pag-amin niya.

Kumusta na kayo ni Jesy? Nagkakausap pa rin ba kayo? Friends pa rin ba kayo?

“Magkasama po kami sa Bacolod. Nagpa-pirma po ako ng Metro Magazine [cover feature] niya, nagpa-autograph.

May out of town show po kami that time,” dagdag niya.

Ano naman ang reaksyon mo sa nababalitang pagiging malapit sa isa’t-isa nina Jesy at Matteo Guidicelli?

“I’m happy for them po, trabaho po nila yun. Kung ako po yung nandun mas gugustuhin ko po na yung loveteam ko umangat din po kami.

“Kung kay Matteo po... sobra pong taas ng respeto ko sa kanya.”

Nanghihinayang ba siya na napunta si Jesy kay Matteo as a love team?

“Basta, I’m happy for her. Kahit ano pong gawin niya or success niya, I’m happy for her.”

Kumusta na ba ang lovelife niya? Meron na ba siyang ibang nililigawan? Inspirasyon?

Aniya, “Minamahal ko na lang yung music at saka habang may oras po susubukan ko pong i-improve yung craft ko. Kasi utang ko po ito doon sa mga taong sumusuporta sa akin. Hindi ko po sila puwedeng i-fail.”

Noong mga panahong na-depressed ka dahil pinilit mo ang sarili mong ma-excel, anong kanta sa album mo ang na-compose mo?

“Hindi mo po siya matatawag na depression, e…parang... siguro lahat naman tayo may mga parte ng edad mo na medyo nako-confuse ka. Alam mo yun?... Lahat tayo merong ganun.”

Nagulat ka ba sa success mo kaya naman na-confuse ka?

“Siguro isa po yun sa... everything happened so fast po. Hindi ko po yun nirereklamo pero habang dina-digest ko siya hindi ko masyadong na-control. Hindi ko siya masyadong na-control.”

Sinabi ni JM na maayos naman ang estado niya sa Kapamilya Network pero wala pa raw siyang nababalitaang bagong project na gagawin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m hoping po na sana magkaroon po,” sambit niya.

Nagkaroon ba kayo ng problema ng network kaya hindi agad nabigyan nang follow-up project?

“Wala naman po.”

MOVING ON. Nakakapagtaka lang kasi kung bakit ang daming naglalabasang isyu na tinanggal ka sa sarili mong show at ngayon ay wala raw plano ang istasyon na bigyan ka muna nang bagong tv show.

“Siguro po, hindi naman po ako perfect, e. Nagkakamali rin po ako sa mga taping. Pero, it’s how I work po.

“Siguro po kung meron po na hindi nagkagusto sa pamamaraan ko ng pagta-trabaho, humihingi po ako ng apology and mag-a-adjust po ako na hindi na po mauulit yun.

“Pero I only did that to give my best para sa magandang resulta lang po. So, I apologized po kung meron mang galit sa akin.”

Paano ka sinusuportahan ng recording company mo, ang Ivory Music and Videos at ng music mo nitong mga panahong down ka or confused ka?

“Sobra! As in doon po ako tumakbo. Siya po ang bumuhay sa akin uli. Doon ko na-express yung mga hindi ko ma-express,” pangwakas niyang pag-amin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN